“We have a huge increase in our sales since the time na nilabas natin ang commercial ng Ocean Delight and 3 weeks pa lang mula nun. We are able to not just hit our target, in fact, lumagpas pa tayo.” Nakangiting report ng isa sa mga managers ng Sales Department habang ipinapakita neto ang slide show ng report ng kanilang sales.
Nagpalapakpakan naman ang lahat ng nasa loob ng meeting room. All of them are overjoyed na nagbunga ang lahat ng pagod nila sa pagpromote ng latest product ng Viltes Corporation. Sabina smiled and commended all her staff. Binati din syan ni chairman Montes. Ash greeted and thanked everyone too.
“Sabina, iha, are you free tonight?” baling ni chairman Montes sa kanya.
“Yes chairman. Bakit po?” sagot nya dito.
“I would like to invite you. My eldest son Lennon just arrived this morning and will have a welcome dinner for him, sa bahay. Can you come over?” nakangiti netong tanong sa kanya.
Saglit na napaisip si Sabina. Hindi naman bago sa kanya na imbitahan sya ng matanda sa mga family events neto kaya lang parang hindi ata sya prepared na ngaun. Pero sa huli ay pumayag sya.
“Ok po chairman.” Nakangiti nyang sagot dito.
Hindi naman umimik si Ash ng marinig ang sinabi ng ama. Hindi nya alam kung pakana ba ng kuya Lennon nya na papuntahin si Sabina sa dinner party neto or sadyang gusto lang imbitahin ng ama nya si Sabina, afterall, Sabina is one of his favourite employee. Magkakilala din naman ang kuya nya at si Sabina pero alam nyang hindi rin close ang dalawa dahil sa America naka base ang kapatid. But the idea of Sabina and his brother dating makes him feel disgusted.
“Sabina!” napalingon si Sabina sa tumawag sa kanya. Papasok na sya sa loob ng bahay nila chairman Montes. It was TJ.
“TJ – hi.”
“Hello – andito ka rin pala. Sabay na tayo.” Nakangiting sabi neto sa kanya at hinawakan sya sa braso. Pagpasok sa pinto ay nakita nyang nakaabang si chairman Montes at ang asawa neto.
“TJ, Sabina.. welcome.” Nakangiting lapit ni chairman Montes. Bumati sila pabalik dito. Iginiya sila neto papunta sa maluwang na garden ng mansyon. Sa garden nag set up ng mesa at upuan para sa welcome dinner party kay Lennon. Nakaupo na ang ibang mga bisita ng mga eto. Ilang malalapit ng kaibigan at kamag anak lang naman ang nakita ni Sabina at ang ilan ay kilala na din nya.
Pasimpleng iginala ni Sabina ang mata at nakita nya si Ash at Alexis na nakaupo sa isang table. Tila nag uusap ng masinsinan ang dalawa. Inalis nya agad ang mata at nagkunwaring tumingin sa iba pang bisita at pagbalik ng tingin sa kanyang harapan ay isang matankad na lalake ang nakita nya. Medyo nagulat pa sya.
“Hi Sabina..” nakangiting bati neto.
“Sir Lennon.. welcome back!” magalang nyang bati dito. Tumawa naman eto.
“Tsk.. still sir Lennon? How about calling me Lennon?” nakatawang sabi neto sa kanya. “Come.” Aya neto sa kanya. Iginiya sya neto sa isang table kung san nakapwesto ang magulang neto at bunsong kapatid na si Ashley Loraine. Naasiwa bigla si Sabina.
Mamaya pa ay nag umpisa ng I serve ang pagkain nila at lumipat na din sa table nila si Ash at Alexis. Pansamantalang naging busy din si Lennon sa pagbati ng ilang mga bisita. Tahimik lang na kumain si Sabina at paminsan minsang sumasagot sa usapan. Napansin nyang tila malunkot si Alexis pero masuyo pa rin etong inaasikaso ni Ash. At naiinggit na naman sya dito pero hindi na lang sya nagpapahalata. Well, sanay na syang itago ang feelings para kay Ash.
“Sabina, try this baked sushi.. it’s delicious..” nakangiting alok sa kanya ni Lennon. Napatango sya dito. Nilagyan sya neto sa plato at pagkatapos ay nagbuhos pa eto ng juice sa baso nya.
“Thank you.” sabi nya dito.
“Congrats nga pala Sabina. Ang ganda ng ginawa nyong endorsement n Ash.”
“Thank you.” sagot nya ulit.
“So tell me, nakakareceive ka na ba ng offer sa mga ad agencies? Baka mawalan na si daddy ng magaling na marketing head ah.” Nakatawang tanong neto. Alam ni Sabina, binibiro lang sya neto.
“Wala pa namang nagkakamali.” Sagot nya dito.
“You look good together.” walang prenong sabad ni TJ na ikinapula ng mukha ni Sabina. Minsan talaga wala sa hulog mga banat neto. Pinandilatan eto ng mata ni Sabina.
“What?” kunwari nagulat pang tanong neto sa kanya ng makita ang nandidilat nyang mata. “Parehas kayong single ah.”
“Pwede ba TJ!” inis nyang sabi dito.
“Bagay nga kayo.” Pag sang ayon naman ng isang me edad na lalake na kasalo nila sa mesa. Best friend eto ni chairman Montes at kakilala din eto ni Sabina dahil nagta trabaho din eto sa kumpanya.
“See? What can you say tito Ramon?” baling naman ni TJ sa mabait na chairman.
Tumawa naman ang chairman at masayang tumingin kay Sabina at Lennon. Ang asawa naman neto ay nakangiti din.
“I won’t say no.” tatango tango pa ang chairman ng magsalita. He really likes Sabina ever since. Lalo namang namula si Sabina at nainum ang juice sa tabi nya.
“Enough guys. I think Sabina’s not getting comfortable anymore.” Nakatawang sagot ni Lennon. Nagtawanan ang mga eto at ipinagpatuloy na lang nila ang pagkain at binaling sa iba ang atensyon. Pasimpleng sumulyap si Sabina sa pwesto ni Ash at Alexis at nahuli nyang nakatingin din eto sa kanya. Nagtama ang kanilang mata pero mabilis na bumawi si Sabina.
After dinner ay agad ding nagpaalam si Sabina. Nagdesisyon syang umuwi ng maaga dahil iniiwasan nyang mapunta na naman sa kanya ang atensyon. Tumayo sya at nagpaalam sa chairman at sa asawa neto at sa iba pang bisitang kakilala nya. Lumapit sya sa pwesto ng magkapatid na Ash at Lennon na kasalukuyang kausap ang iba nilang kamag anak.
“Sir Lennon, I have to go. Mr. President, I’m leaving.” Seryoso nyang paalam sa mga eto.
“Uuwi ka na? Ang aga pa.” pigil sa kanya ni Lennon.
“Sorry sir – “
“Lennon, I told you right?”
“Alright. I’m sorry Lennon. I can’t stay late. I have an early client meeting tomorrow.” Sabi nya dito.
“I see. Come. Hatid na kita sa labas.” Hinawakan sya neto sa braso. “Excuse me guys for awhile. Ash, hatid ko lang si Sabina.” Paalam neto sa kapatid. Tumango naman eto pero nakakunot ang noong tumingin eto sa kanila.
Tahimik na naglakad sila papunta kung san nakapark ang kotse niya. Pagdating dun ay nagpasalamat sya dito sa paghatid neto. Tumango naman eto at umalis na si Sabina.