BEATRICE POINTS OF VIEW
ENCOUNTER 101-ALUMINOS ISLAND
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa aking ducati, makarating lang ng mas maaga sa aking destinasyon.
At lalo akong ginanahan sa pagpapatakbo dahil walang katraffic-traffic ang kalsadang dinadaanan ko.
Nagshort-cut lang ako ng daan para mabilis akong makarating sa Aluminos. Papaliko na sana ako sa kaliwang side ng daan, nang isang puting kotse ang biglang sumulpot sa harapan ko at hayagang inihinto pa nito ang sasakyan sa harapan ng daraanan ko.
Mabilis ko naman napindot ang automatic brake ng aking ducati upang hindi sumalpok sa kotseng mamahalin na nasa harapan ko ang aking pinakamamahal din na ducati. Agad kong iniapak sa sementadong daan ang silenyador ng ducati at mabagsik na binalingan ang nasa loob ng kotse.
"You! F*ck of b*tch! get out of the car." Sigaw ko sa taong nasa loob nito. Bagaman di ko naaaninag ang tao sa loob nito pero malakas parin ang loob kong iparating sa kaniya ang maling ginawa niyang pagharang sa daanan ko. Halos sumubsob ang unahan ng ducati ko sa gilid ng kaniyang kotse sa biglaan nitong ginawang pagharang sa dadaanan ko.
Lalo pang tumaas ang libido ko ng makitang isang lalaki lang ang nasa loob nito.
Isang lalaking matangkad at may matipunong pangangatawan ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng dark eyeglasses at black cap. Halos tumigil ang ikot ng mundo ko ng magsalita ito sa baritonong boses.
"Don't be silly lady, as I know, you entered at the wrong way." Saad nito habang may ngisi sa mga labi.
Lalo pa akong nainis sa pananalita nitong ako pa raw ang may kasalanan.
"Haaah! What are you talking about? I am in wrong way? For your information Mister, alam ko kung saan ang destinasyon ko. Kaya itabi mo yang sasakyan mo. Masyado mo na akong inabala." Balik kong sagot sa kaniya. Lalo ko pang itinaas ang isa kong kilay para ipakita sa kaniya ang inis kong nadarama sa mga oras na iyon.
Sumulyap pa ito sa kaniyang relos at bumalik ulit ang baling sa akin.
"Where's your exact location if you don't mind!" Sa halip na pahayag nito. Bagaman di ko naaaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong dark na eyeglasses ay nararamdaman ko naman ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"And why?" Mataray kong tanong sa kaniya.
"Look Miss, there's no time to discuss about this matter, we can ride together in one direction, Aren't you." He told me in calm voice. But in tone of being self defense. Automatic my eyes landed on him. I'll give him a sharp and deep eyes. But this is not affect on him. I swallowed my eyes on him as early as I could and definitely I'll start the engine of my ducati.
"I have no time to make fun of you!" Singhal ko dito at mabilis na pinasibad ang aking ducati.
Kita ko sa side mirror na mabilis din itong sumusunod sa akin.
Mabuti na lamang at walang gaanong mga sasakyan ang dumadaan doon sa short-cut.
I smirked suddenly.
Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng aking ducati upang makalayo dito, pero mukhang di talaga ako nito tinatantanan.
At pagkatapos ng mahabang oras, nakarating din ako sa aking destinasyon.
Isa itong magandang lugar sa Pilipinas ngunit dahil sa tawag ng aking misyon isa itong delikadong lugar sa ngayon. Mabilis ko namang ipinark ang aking ducati sa isang exclusive na resort kung saan tanaw na tanaw ang mga maliliit na isla sa malawak na karagatan. Ultimo para itong mga mumunting mga tirahan ng nuno sa punso kapag nasa tuktok ka ng bundok.
Malamig na samyo ng hangin ang agad sumalubong sa akin pagkaalis ko sa aking ducati.
Papasok na sana ako ng resort ng may pamilyar na sasakyan ang biglang gumilid sa parkingan ng mga kotse.
Ito ang kotseng nang-abala lang naman sa akin kanina. So, hanggang dito talaga ay sinusundan niya ako!
Binilisan ko nalang ang aking paglalakad papasok sa loob ng resort.
Ang mga kaibigan ko naman ay iba-iba rin ang kanilang hotel na pinuntahan, dahil iyon ang nasa plano na dapat sundin namin.
Hindi kami sama-sama dito sa hotel, iba-iba ang aming hotel na tinutuluyan, at sa loob ng limang araw dapat makumpleto namin ang aming misyon. I am Captain Beatrice Sandoval Perez, military in charge for this big new mission in the country. Nandito sa isla ang mga illegal na gawain ng isang malaking grupo ng sindikato. Kumuha agad ako ng unit ng makalapit na ako sa receptions area, mabuti nalang at may apat na palapag ang naturang resort na ito. Kaya mas pinili ko ang nasa ikaapat na palapag. Mas maganda ang tanawin doon, at kitang-kita pa mismo sa dala-dala kong telescope sa bag ang mga tanawin sa baba.
Mabilis akong pumanaog sa elevator at mabilis na pinindot ang fourth floor. Bigla naman akong napasinghap ng isang matipunong lalaki ang nagmamadaling pumasok sa elevator. Sa taas nitong taglay napatingala pa ako sa kaniyang mukha.
Agad gumuhit sa aking mukha ang pagkainis ng mapagsino ang nasa harapan ko.
Tumitig din ito sa akin ng ilang sandali bago niya binawi ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
Wala ni isa man sa aming dalawa ang nagtangkang magsalita kaya nanatili lang akong nakatayo sa likuran nito. Dinig ko naman sa kaniya ang malalalim na pagbuntong-hininga. Minawalang-bahala ko na lamang ito at nagfocus nalang ng tingin sa number ng elevator.
Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa fourth floor na kami ay kusang bumukas ito.
Pinauna ko na muna siyang lumabas at bago ako sumunod.
Hinahanap ko na ang number ng aking suit, nang mahagip ito ng aking mga mata ay tsaka ako nagmadaling lakarin ito.
Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang lalaking nasa unahan ko lang. Halos magkasunuran lang ang room naming dalawa na nirerentahan ko.
Napalingon din ito sa aking gawi at tahasang inismiran lang ako.
Nagpupuyos naman sa ngitngit ang dibdib ko dahil sa lantarang pagkadisgusto nito sa akin.
Pumasok nalang ako sa kwarto, at tsaka padaskol na binagsak ang bag sa gilid ng kama tsaka ako padapang humiga sa gilid kung saan ang bag ko.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa mga oras na iyon.
.
.
.
Nagising lang ako ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Buhat sa kinahihigaan ko ay bumangon ako upang sinuhin ang kumakatok sa pintuan.
"Xian, what's wrong?" Agad kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.
"Captain Perez, I'm sorry for disturbing you for a while." Hinging paumanhin agad nito.
Niluwangan ko naman ang pintuan at pinapasok ko siya sa loob.
"Naaah, it's really fine! kumusta ang pinatatrabaho ko sa inyo?" Usisa ko dito.
Nakaupo na kami ngayon sa mini sofa at magkaharapang dalawa ni Xian. Si Xian ay isa sa mga team partner ko sa military. Two years palang kaming magkasama sa trabaho dahil sa mga misyon naming ginagampanan. Isa din siyang Captain bago pa kami pinagsama sa iisang team ng aming Heneral. Kailangan naming magsanib-pwersa ng aming team upang masugpo ang mga masasamang banta sa bansa.
Masyadong malalaking tao ang aming nakakasagupa. Mula sa drug lord, illegal sa pagbibinta ng mga armas, smuggling, NPA, terorismo, sindikato at marami pang iba ang aming tinatrabaho.
Marami na rin banta sa buhay ko simula ng naging captain ako. Sa bawat pagdami ng aming misyon ay siya rin pagdami ng aming mga kalaban. Marami na rin sa mga kasamahan ko ang pinatay. Kaya nais kong maubos ang lahat ng mga taong sangkot sa illegal na gawain.
"Totoo ang nakalap nating balita rito Captain Perez, as usual mayroon silang malaking factory dito." Sabay lahad nito sa akin ng brown envelope.
Bigla naman akong napatingin sa hawak niyang brown envelope. Agad kong inabot iyon at binuksan.
Mga litratong kuha iyon galing sa mga trabahante ng isang pabrika. Napakunot naman ang noo ko ng makita isa-isa ang mga litrato.
"Para silang mga ordinaryong manggagawa ng lipunan, pero ang totoo, mga illegal ang kanilang ginagawa." Saad ko sa kaniya ng matapos makita ang mga litrato na ngayon ay nakakalat na sa maliit na table.
"Mismo Captain, we need to rescue all of them, dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Suhestiyon nito bilang isang kateamwork.
"Yes, tama ka Captain Dela Cruz." Tango ko dito.
Marami pa kaming napag-usapan about sa aming gagawin.
Nang makatapos na ay tsaka ito lumabas ng aking suit.
Inihatid ko naman ito sa harap ng pintuan at agad nagpaalam. Napalingon pa ako sa katabi ko dahil bigla itong bumukas, nagtama naman ang mga mata naming dalawa.
Nakaramdam naman ako ng pagkainis kaya pabagsak ko namang isinara ang pintuan ng suit ko.
Dumiretso naman ako sa banyo at nagbabad ng matagal sa jacuzzi.