bc

Mr. and Mrs. Aguilar THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE

book_age18+
215
FOLLOW
1.0K
READ
others
age gap
pregnant
drama
twisted
bxg
soldier
tortured
virgin
addiction
like
intro-logo
Blurb

WARNING❗❗❗🚫

RATED SPG❗❗❗

ALERT❗❗❗🚫

Dalawang parehong magaling sa larangan ng pakikipagdigma sa mga malalaking tao sa loob at labas ng bansa na ang alam ay puro illegal na mga gawain at naghahasik ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sa hindi inaasahang pagkakataon lumiit ang kanilang mundo ng magkaroon sila ng engkwentro sa isang liblib na lugar upang sugpuin ang mga illegal na transaksyon na ginagawa doon.

Unang meet up palang nilang dalawa ay malaki na ang ayaw nila sa isa't-isa, dahil may mga bagay na hindi nila kayang pagkasunduan.

Lalong uminit ang dugo nila pareho sa isa't-isa ng gawin silang iisang team ng kanilang Heneral para sa gagawing secret misyon.

Dahil nga sa secret misyon na iyon, ay unti-unti nilang nakilala pareho ang isa't-isa, kailangan nilang magsama sa iisang bubong sa loob ng dalawang buwan upang masiguro na mahuhuli nila ang kanilang target at hindi ito maghinala.

Hindi naging madali sa kanila noong una, pero dahil kailangan nilang sumunod sa kanilang pinakamataas na leader ay ginawa nila ang kanilang tungkulin.

Until Beatrice Perez realize na mayroon ng special na nabubuo sa kaniyang damdamin para kay Tiger Venzor Aguilar, a hot and billionaire's thirty-nine years old.

Eleven years ang gap nila sa isa't-isa, kaya naman halos di sila magkasundo sa ibang bagay.

At bago matapos ang kanilang misyon, isang bagay lamang ang gustong mangyari ni Beatrice, yun ay akitin si Tiger upang ibaling sa kaniya ang atensyon nito at hindi sa mga babaeng lagi nitong kinakama.

A love burst out. A hate of him is like a hell, dahil dun siya mismo sinubok upang mahalin ang nag-iisang Tiger Venzor Aguilar.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
BEATRICE POINTS OF VIEW ENCOUNTER 101- ALUMINOS ISLAND 'What the f*ck', inis na inis ako sa aking sarili ng malate ako ng gising sa aming lakad ng mga kaibigan ko. Pagkabangon ko palang, dumiretso na ako sa aking banyo at naligo, nagbihis na agad ako pagkalabas ko palang ng aking banyo at nang makatapos ng ilang sandali umupo ako sa aking kama at tiningnan ang aking orasan sa gitna ng aking maliit na table sa gilid ng kama. Mag-aalas-otso na ng umaga kaya naman lalo akong nababadtrip. Alas syete na kasi ng umaga ng magising ako dahil sa mga malalakas na katok sa aking kwarto, ngunit di ko ito binigyan ng pansin. Tiningnan ko muna ang aking laptop at bago binalingan ang aking cellphone. Nagulat na lamang ako ng makitang nakailang tawag na sila pero di ko parin naririnig ang tawag ng mga ito. At nang makita kong nakasilent pala ito ay agad akong nagbackread sa aming group chat na magkakaibigan. Nauna na sila sa akin sa aming pupuntahan sa Aluminos Island. At dahil dun, nagmamadali akong lumabas ng aking silid, dala-dala ang aking malaking backpack isinabit ko ito sa aking mga balikat. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Kuya na nakatalikod kay Papa. Nag-uusap silang dalawa. "Son, andiyan ang kapatid mo!" Narinig kong sambit ni Papa kay Kuya Bryan. Napalingon naman agad si Kuya sa gawi ko at agad itong napatayo ng makita akong palapit na sa kanila. "Hellow my Beatrice, what's bring you here? akala ko ba di ka na uuwi dito sa mansyon!" Sunod-sunod nitong salita sa akin ng huminto ako sa harapan nilang dalawa ni Papa. Agad naman akong napanguso sa inaasal ni Kuya Bryan sa akin. "Bakit Kuya! ayaw mo na ba akong pauwiin sa bahay na ito?" Agap kong tanong agad sa kapatid kong lalaki. "Di naman sa ganun bunso, mas gusto pa nga namin ni Papz na dito ka lagi sa bahay eh, hindi yung kung saan-saan ka nagpupunta-punta!" Sabay yakap nito sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik. "Kuya malaki na ako. Sa condo ko minsan lang naman ako mapagawi doon, kadalasan kasi may mga misyon kaming mabibigat na dapat naming pagtuunan ng pansin." Mahaba kong saad sa kaniya. Nakikinig lang si Papa sa amin dalawa ni Kuya Bryan. "So, ibig sabihin niyan bunso lagi ka sa kampo niyo?" Tanong ni Papa sa akin, binalingan ko naman ito at napatango sa kaniya. "Napakadelikado talaga ng trabahong pinasukan mo bunso, at hindi talaga biro yan." Sabay akbay sa akin ng kuya ko at tinanggal ang nakasabit na backpack sa balikat ko. "Tapos ngayon may lakad ka ulit, tama ba?" Tanong nito ng maalis na ang malaking bag sa balikat ko. "Oo Kuya eh, alam mo na kapag Captain ka ng isang military, nasa mga palad mo ang malaking responsibilidad na gagampanan mo para sa mga nasasakupan mo." Mahaba kong pagpapaliwanag sa Kuya ko. "Kung ganun, lagi kang mag-ingat sa lahat ng misyon mo ha! Kami nila Papz at Mama ang laging kinakabahan sa mga misyon mo na yan eh!" Anas nito sa nag-aalalang boses. "Kuya, mautak 'tong kapatid mo, ano pa't naging Captain ako kung di ko gagamitin ang utak ko sa mga kalaban ko diba?" Proud kong saad sa kapatid ko. "Ang yabang mo bunso!" Saad ni Papa sa akin. Napanguso naman ako sa kaniya. "Papa, wala ka bang believe sa akin?" Nagtatampong saad ko kunyari sa kaniya. "Malaki ang believe ko sayo anak, saan ka pa ba magmamana kundi sa iyong Ina." Proud naman nitong sabi sa akin. Napangiti naman ako ng malawak ng marinig iyon kay Papa. "Lumapit na kayo dito sa hapag at luto na ang almusal." Malakas na boses ang dumadagundong sa loob ng kusina, si Mama iyon. Agad naman akong napangiti ng bumaling sa dalawang lalaking nasa tabi ko, kay Kuya at Papa. "Yes! matitikman ko ulit ang masarap na luto ni Mama!" Napapahiyaw kong saad habang nakataas ang isa kong kamao sa ere, nakasalikop pa iyon. Tiningnan naman ako ng maigi ni Kuya at agad binuhat. Napahiyaw naman ako ng husto dahil sa ginawa ng kuya ko sa akin. Dinala niya ako sa kusina at pinaupo sa tabi niya. Samantalang si Papa naman ay sumunod sa aming dalawa ni kuya na napapailing nalang at natatawa. Sobrang sweet sa akin ni Kuya Bryan, spoiled na spoiled ako sa kaniya. Kaya halos lahat ng mga babaeng nagiging girlfriend niya ay pinagseselosan ako. Minsan ako pa ang dahilan ng pagbibreak ng mga ito, dahilan para ikatuwa naman ni Kuya. Ayaw niya kasi ng matagal na commitment, kaya gumagawa siya ng paraan para igive up siya ng mga ito. Thirty-nine na si Kuya Bryan sa susunod na buwan, kaya naman gusto ko siyang surpresahin sa araw ng kaniyang kaarawan, ang alam kasi nito ay di ako makakadalo sa kaniyang special na araw. Napakurap nalang ako ng aking mga mata ng makita ang mga nakahain sa hapag-kainan. May pritong bisugo, adobong pusit, kinilaw na talaba, butter shrimp at mayroon ding mga crabs akong nakita sa harapan ko. Naglalaway talaga ako ng husto, dahil lahat ng nakita ko sa harapan ko ay paborito namin dalawa ni Kuya Bryan. Agad akong pumunta sa lababo at naghugas ng mga kamay, lumapit din sa akin si kuya at may binulong sa tainga ko. "Panu ba yan! sira ang diet mo bunso, lahat ng nakahain sa mesa mga paborito nating dalawa." Sabay hagikhik nito ng makaalis sa gilid ko. Agad naman akong umupo ng makatapos na sa paghugas ng aking mga kamay. Binati ko muna si Mama at lahat ng katulong na nakatayo sa aming gilid. "Goodmorning Mama, goodmorning din sa inyong lahat mga ate." Saad ko kay Mama at sa tatlong katulong na nakatayo sa gilid namin. "Mama, Papa, Kuya, pwede bang isama natin sila sa hapag para makapag-almusal na rin silang tatlo?" Pagpapalam ko sa kanilang tatlo. Sa dami ba namang nakahain sa table na ito syempre kakasya itong lahat sa amin, baka nga marami pang sobra e. "Ikaw lang naman ang hinihintay namin na sabihin yan eh." Aniya ni Mama, at sinabihan ang tatlong katulong na umupo sa mga bakanteng upuan. Kitang-kita ko sa kanilang tatlo ang masasaya nilang mga mukha. Matagal na itong naninilbihan sa amin, maliit palang ako naandito na sila sa mansyon. Dahil sa sobrang kabusugan ko, di na muna ako umalis ng mansyon, nagpababa muna ako ng aking mga kinain. Mag-aalas dyes na ng umaga iyon tsaka ako bumalik sa sofa para kunin ang backpack ko. Naabutan ko sila Mama, Papa at Kuya Bryan na nag-uusap habang nakabukas ang tv namin. "Pa,Ma,Kuya, aalis na po ako ngayon." Paalam ko sa kanila. Agad namang lumapit si Mama sa akin at niyakap ako ng mahigpit, ganun din ang ginawa ni Papa sa akin. "Mag-ingat ka sa lalakaran mo bunso hah." Panabay pang bigkas ng mga magulang ko. Si kuya naman tsaka lang tumayo ng umupo na sina Mama at Papa sa kanilang pwesto. "Ihahatid na kita sa garahe bunso." Saad nito sa akin. At inagaw sa akin ang dala-dala kong bag. "Ikaw bahala Kuya!" Maikli kong saad sa kaniya. Nang nasa garahe na kami, alam niyang di ako gagamit ng kotse ko, kaya naman siya na ang nagsuot sa akin ng helmet na nakapatong sa ducati ko. "Sa ganitong bagay, lagi mo akong natatalo bunso, sobrang lakas ng loob mo!" Papuri ni Kuya sa akin. "Syempre nagmana ka kay Papa at ako kay Mama!" Nangingiting bigkas ko sa kaniya. "Pero mukha mo si Papz, ako naman kay Mama!" Dugtong ni Kuya sa mga sinabi ko. Napahalakhak nalang kaming pareho ni kuya sa mga sinabi namin sa isa't-isa. "Sige na Kuya, aalis na ako." Sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Inalis niya muna ang helmet ko at ginawaran ako ng halik sa noo ni Kuya tsaka niya ulit binalik ang helmet ko sa dati. Iniistart ko na ang engine sa ducati ko at nag-uumpisa ng dahan-dahan sa pagpapatakbo. Narinig ko pa ang sigaw ni Kuya na mag-ingat daw ako, muli akong napalingon sa kaniya at kumaway.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
559.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
788.5K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
24.4K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook