Chapter 6

1607 Words
“Let’s go?” Nakangiting tumango si Hara at nilingon ang kaniyang mga kaibigan. “We’ll just get a drink.” paalam nito bago muling ibinalik ang tingin sa gawi ni Shaud. “Lead the way, Mr. Dela Fuente.” nakangiting sambit niya sa binata. Inilahad ni Shaud ang kaniyang kamay sa harapan ng dalaga dahilan sa pagkahinto nito sa mula sa paglalakad. Ilang segundo pa niya itong tinitigan bago nakuha ang nais mangyari ng binata. Tinanggap niya ito na may ngiti sa labi at sabay nilang tinahak ang daan pangtungo sa kusina. “Aren’t you afraid that people might hate you? Bash you? We both arrived together, you’re with me right now, and I’m holding your hand,” Shaud wondered. “Well, as long as I don’t have any relationship with you. It’s fine with my agency. And about people’s opinions? Nah, wala naman tayong ginagawang masama kaya let them.” sagot niya. Alam niyang bawal naman talaga, alam niyang hindi naman okay. She shouldn’t be holding Shaud’s hand, she shouldn’t be enjoying his company, and she shouldn’t be smiling as if everything is fine. Gulo ang mangyayari sa araw ng meeting nila at sigurado siyang pagagalitan siya ni Raizel at ang kaniyang manager. But nah, papagalitan din naman siya sa huli kaya susulitin niya nalang. Tahimik nilang tinahak ang daan patungo sa kusina at kaagad lumapit sa bartender upang ipaalam dito ang kanilang order. “What do you like?’ Shaud began. You. “Bacardi will do,” she responded. Walang imik na tumango si Shaud at hinarap ang bartender. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay na kagwapohan ng bartender. Hindi pa siya nakakakita ng gwapong katulad nitong nagbabartender. She’s sure that’s his mix, ilong palang nito ay may panglaban na. Inilibot niya muna ang kaniyang tingin sa paligid habang hinihintay ang kanilang inumin at hindi niya maiwasang mapailing iling dahil puro sikat na mga artista ang nahahagip ng kaniyang mga mata sa bawat sulok ng lugar. Well, it’s not shocking, sa sobrang sikat ba naman ng kaniyang kaibigan ay dapat hindi na siya magulat pa. “Enjoy.” nakangiting wika ng bartender sabay lapag ng kanilang order. Nilingon niya si Shaud upang ipaalam sana na dumating na ang kanilang order ng makitang tiim itong nakatitig sa isang sulok ng lugar kaya napagdesisyunan niyang sundan ang tinitignan nito. Hindi niya maiwasang magulat ng makita si Sarah at ang kasama nitong matangkad na lalaki. Is that her boyfriend? “I didn’t know Eunice and Sarah knows each other.” mahinang sabi niya dahilan sa paglingon ng binata sa gawi niya. “Sarah is my cousin, what I have, she also have. Lahat ng kakilala ko, kilala niya rin.” simpleng sagot nito kaya napatango-tango siya. They’re that close, ei? She didn’t know they were cousins. Akala nga niya ay magkasintahan ang dalawa, kung hindi niya lang nalamang may kinakasama na pala si Sarah sa iisang bahay ay mapagkakamalan niya talagang magkasintahan ang dalawa. They look good together, that’s a fact. “Sarah!” sigaw niya upang makuha ang atensyon nito at hindi naman siya nabigo dahil gulat itong napalingon sa gawi nila at kaagad kumaway. Nanliit ang kaniyang mga mata ng makitang humarap ang binatang kasama ng kaibigan. Why does he looks familiar? “Oh? Is that Yoshi Mirai?” gulat niyang bulong. “You know him?” rinig niyang tanong ni Shaud kaya wala sa oras siyang tumango. “Yes! He owns Mirai Hotel, right? That’s one of the best hotels in the world! Kapag may trabaho ako sa Japan o kahit saan pa man ‘yan ay sa Mirai Hotel ako nagsstay. Lagi!” she shared. It was all because of Sarah actually. Kay Sarah siya nagpapatulong na maghanap ng pwedeng maiistayhan sa iba’t-ibang lugar and she always booked her to any Mirai Hotel. Ngayon alam niya na kung bakit ang Mirai Hotel ang napili nito, it was his husband’s business. “Shaud! Hara! You’re here!” nakangiting bungad nito at kaagad nakipagbeso-beso sa kaniya. Tipid niya namang ngitian ang may-ari ng Mirai Hotel dahil mukhang conservative ito. “This is Shaud, my cousin that I always talked about…” wika nito sabay turo kay Shaud na tipid na nginitian ang hapon. “And this is—“ “Hara Yzaiel Montalvo?” biglang sabad ng hapon kaya hindi niya maiwasang kunutan ng noo. Mukhang kilala siya nito. Did Sarah already introduced her to him? “You’re very well-known in Japan. My mom likes you. It’s nice to finally meet you, Ms. Montalvo.” wika nito na para bang nabasa nito ang tumatakbo sa kaniyang isipan. “Thank you. Send my greetings to your mom.” nakangiting sagot niya. Alam niyang kilala ang kaniyang pangalan sa iilang lugar pero hindi niya inakalang pati ang ina ng may-ari ng Mirai Hotel ay kilala rin siya! “Will surely do.” sagot nito. Hindi maiwasang mahagip ng kaniyang mga mata ang biglang pagkawala ng ngiti ni Sarah sa labi nito at napalingon sa kasama nito. Binalewala niya na lang ito at ibinaling ang kaniyang tingin kay Sarah at nagtanong. “Kanina pa kayo rito?” Kaagad naman itong lumingon sa kaniya at tipid na ngumiti. “Mga 15 minutes na rin, kayo ba?” “Ngayon-ngayon lang.” tipid niyang sagot. Hindi niya maiwasang magtaka sa biglang pag-iba ng reaksyon ni Sarah pero hindi niya na lang iyon masyadong pinansin dahil labas na naman siya roon. Binalingan niya ng tingin ang katabing binata at nagtanong. “You okay?” she whispered. “Yeah. Let’s go back?” pabalik na tanong nito kaya walang imik siyang tumango. Umayos ng tayo si Shaud kaya pati na rin siya ay umayos ng pagkakatayo at kinuha ang bote ng Bacardi Oro. “We’ll get going. Her friends are surely waiting for her.” wika ni Shaud kaya ngumiti siya at humingi ng paumanhin. “Please take care of Sarah, Mirai,” he added. “I will,” Mirai responded. Pinalupot ni Shaud ang kamay sa baywang ni Hara at tahimik nilang tinahak ang daan pabalik sa pwesto nila Trevor. Thankfully, lahat ng mga tao sa loob ng venue ay walang pakialam. May mga sariling mundo ito at hindi pinapakialaman ang ibang artista. “What did you get?” bungad na tanong ni Ellisha sa kaniya kaya pina amoy niya ang laman ng baso sabay inilabas ang bote mula sa kaniyang likuran upang makita nito. Kaagad namang ngumiti ang kaibigan at tumango-tango. “Bacardi buddies,” Ellisha said and throw a wink at her. “It has always been.” tipid niyang sagot dahilan sa pagtawa ng kaibigan. Biglang inalis ni Shaud ang kamay nito sa kaniya kaya kaagad siyang napalingon sa gawi nito. Tinuro ng binata si Trevor na para bang sinasabing lalapitan niya ito. Kaya tumango lang siya bilang sagot at muling humarap kay Ellisha. “Aba, aba. Parang iba na ah? Bilis naman?” pangungutya ng kaniyang kaibigan kaya mahina siyang natawa at uminom mula sa kaniyang hawak na baso. “It’s not what you’re thinking.” sagot niya sabay lapag ng baso sa lamesa. “You know I can’t—I mean we can’t have any relationship as of now.” dagdag niya. “I know Raizel will understand. Parang hindi rin naman siya nainlove sa businessman.” dahil sa sinagot nito ay kaagad siyang napalingon sa gawi ng kaibigan. Nainlove sa isang businessman si Raizel? “Wait, what? Kanino? Bakit wala akong alam?” takang takong niya. Ganon na ba siya kabusy at pati love life ng kaibigan ay hindi na niya napapansin? “I thought you knew? Kevin Wang, you know him, right?” “Yeah.” “Yep. He’s Raizel’s boyfriend.” Hindi siya makapaniwang napatango-tango. Hindi niya alam kung bakit wala siyang alam sa kalandian ni Raizel. Boss nila ito dahil ito ang nagmana sa RZL Agency at isa rin ito sa mga matatalik niyang kaibigan. Kevin Wang? She already saw him a few times to some of the magazines. Businessman nga ito, sa pagkakaalam niya ay may-ari ito ng isang brand—Team K. “Bacardi Carta Oro? Hindi ba masyadong malakas ‘yan para sa inyo? Baka malasing kayo masyado.” wika ng isang boses na parang pamilyar sa kaniya. Binalingan niya ito ng tingin at kaagad siyang napapikit dahil nanlalabo ang kaniyang mga maningin. Am I drunk? Already? She tries opening her eyes again and saw a familiar face. “Attorney Arthur, ikaw pala.” “Raizel sends me here to talk about your issue with Greg but… I think this is not the right time,” he said chuckling. “Why would she send you here in a party? Alam niya namang birthday ni Eunice.” sabad ni Ellisha kaya hindi niya maiwasang matawa. “Alam mo naman ‘yon, walang ginagawang excuse kapag trabaho na ang pinag-uusapan.” Inilipat niya ang kaniyang tingin kay Attorney Arthur at ngumiti. “I think we need to re-schedule our meeting. I feel like I’m already tipsy to talk about it,” she giggled. “Okay then. I’ll see you when you already reschedule the meeting,” he said. Yumuko ito at nagsimula ng maglakad paalis. “He’s handsome, isn’t he?” she giggled, again. Mukhang natamaan na nga talaga siya sa Bacardi na kanilang iniinom. Nagsisimula ng umiinit ang buong paligid at sumasakit na rin ang kaniyang ulo. “Hey. You okay?” bulong ni Shaud sabay palupot ng bisag nito sa kaniyang baywang. “Hmm. A little tipsy but I’m still good,” she responded. Shaud kissed her head before whispering, “Okay. Take care of yourself. I’ll be back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD