“Mukhang hindi ako makakain ngayon ah.” bungad na wika ni Hara ng siya ay makalabas ng kwarto. Hapit na hapit sa kaniya ang green backless silk dress na nabili niya pa sa Australia.
Sa lahat pa ng pwedeng makita ni Ellisha sa closet niya ay bakit iyong backless silk dress pa? She bought the dress way back months ago, when she was a lot thinner than she is now. Kaya naintindihan niya kung bakit masikip na ito sa kaniya ngayon.
“Ellisha—“ hindi na tapos ang sanay sasabihin niya ng tanging ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang puso ang kaniyang nadatnan paglabas. Kaagad siyang umiwas ng tingin at hindi pinansin ang paglalakbay ng mga mata ng binata sa buo niyang katawan.
“A-asan na naman ang dalawa?” tanong niya.
“Magbibihis lang daw si Ellisha,” sagot nito.
Tumango si Hara bilang sagot at umupo sa kaniyang swivel chair. Binuksan niya ang drawer ng kaniyang lamesa at kinuha mula rito ang maliit na pouch na naglalaman ng kaniyang mga makeup. Ipinagmamalaki niya naman ang kaniyang natural na kagandahan pero dahil may pangalan siyang iniingatan ay kailangan niyang humarap sa mga tao na presentable and presentable means with makeup.
“Does it necessarily for girls to put makeup?”
Napaangat siya ng tingin at hindi maiwasang magulat ng nasa kaniyang harapan na pala ang binata. Nakaupo ito sa visitor’s seat habang bakas ang kuryusidad sa mukha nito.
Ni hindi niya man lang napansing ang pag-galaw nito. She didn’t even hear some footsteps!
She chuckled, “You’re cute. And to answer your question, nakadepende. May mga babae kasing hindi mahilig sa mga ganito,” sabay angat niya ng foundation. “May mga babae ring sa paglalagay ng kolerete sa mukha nakasalalay ang kanilang mga self-esteem. And me, I’m an actress, a model, and a businesswoman means I have to be presentable. Iba-iba kami ng rason, iba-iba kami.”
She saw how Shaud nodded a couple of times before leaning back. “Well, you don’t need makeup though. Maganda ka naman na.”
Napatigil siya sa paglalagay ng eye shadow at napatitig kay Shuad na nasa cellphone na nito ang buong atensyon. Hindi niya maiwasang mapangiti at tinapos ang paglalagay ng kolerete sa mukha.
Ilang beses na siyang nakatanggap ng papuri mula sa kaniyang mga taga hanga at mga medya pero hindi niya maintindihan kung bakit sa simpleng pagpuri ng binata sa kaniyang itsura ay parang ito ang kaunahang papuring natanggap niya.
Umalis siya sa kaniyang inuupuan at naglakad patungo sa gilid ng couch na tinulugan niya kanina. Naalala niyang doon niya nilagay ang kaniyang heels na susuotin sa party.
“You shouldn’t be wearing this kind of clothes… too revealing.”
Gulat siyang napalingon sa kaniyang likuran at bumungad sa kaniya ang binatang hinuhubad ang suit coat nito. Hindi niya tuloy maiwasang puriin ang katawan ng binata. Oo at nakasuot pa rin ito ng polo pero bakat na bakat ang kalamnan nito na para bang ilang galaw niya lang ay mapupunit na ang kaniyang suot na polo.
“Eyes up, Hara.”
Wala sa oras niyang naibalik ang mga mata sa mukha ng binata at tumikhim. Nahuli pa talaga siyang pinupuri ang katawan nito!
“Wear this, you might catch a cold,” he said. He took a step forward and wrapped his suit coat on her. His face was inches away from hers causing her heart to ramble.
Jusko, kalma lang puso!
Humakbang ito paatras bago siya binigyan ng ngiti. “You look good on my suit coat,” he said, winking.
“Lahat naman kung sa’yo rin naman galing.” sagot niya dahilan sa mahinang pagtawa ng binata at bumalik sa pagkakaupo sa visitor’s seat.
Bumalik din siya sa kaniyang swivel chair at yumuko upang maisuot ang kaniyang mamahaling stilettos. 5 inches ito at alam niyang konting galaw niya lang ay sasakit kaagad ang kaniyang mga paa pero kailangan niyang tiisin iyon.
No pain, no gain ika nga nila.
“Let’s go?”
Napalingon siya sa gawi ng binata bago tumayo mula sa pagkakaupo at inayos ang suot-suot na suit coat na pinahiram sa kaniya ng binata.
“Saan?” takang tanong niya.
“To the venue. We’re getting late,” he declared.
“How about the two?” she urged. Hindi pa bumabalik ang dalawa kaya paano sila aalis? Ellisha told her to wait for them.
Napatingin ito sa suot na relo at nagsalita. “As of now, they’re halfway from the venue.” wika nito dahilan sa mas lalong pagkunot ng kaniyang noo.
“Ha? Akala ko…” magsasabay tayong apat?
“They already left?” bulong niya sa sarili at nagkibit balikat na lang. “Let’s go, then.” wika niya sabay pulot ng kaniyang cellphone at mamahaling YSL clutch.
“This way, hermosa.” he held out his hand.
Tinaggap niya naman ito at kapagkuwan ay nginitian ang binata. “Gracias, hermoso.”
She saw how his lips curved into a sexy smile before guiding her out from her office. Ang akala niya pagkalabas nila ng kaniyang opisina ay bibitawan nito ang pagkakahawak ng kaniyang kamay pero hanggang makarating sila sa private parking lot ng building ay hawak-hawak pa rin ng binata ang kamay niya.
He opened the door for her and whispered, “I like holding your hand, so soft.” Shaud gave her a wink before closing the door and run towards the driver’s door.
Hindi niya maiwasang mapangiti at napailing iling. Shuad is fun to be with. At least, alam niyang magiging masaya ang byahe niya patungong Italya dahil kasama niya ang binata. He’s fun to be with and… she starting to like him.
THEY BOTH ARRIVED at the venue. May iilang medya kaagad ang nakaabang sa venue ng pagdadaluhang kaarawan ng kaibigan niyang artista.
Eunice Garcia has its own name. Sikat ito sa mga rated-18 na mga pelikula na minsa’y umabot na sa ibang bansa dahil sa kasikatan nito. Pati nga ang pangalang Eunice Garcia ay kilala na ng ibang Hollywood actors at actress dahil sa kasikatan nito.
Akmang bubuksan niya ang pinto ng naunang bumaba ang binata sa sarili nitong sasakyan at tumakbo patungo sa kaniyang gilid at pinagbuksan siya ng pinto. Nakangiting inilahad ng binata ang kamay sa kaniyang harapan na tinaggap niya naman ito ng buong puso.
“This way, Hermosa,” he began, and throw a wink.
She just chuckled after getting off of his car. After getting off, she handed her clutch and phone to Shaud which he automatically accepted. They both walked towards where the media are and there, she slowly took off the suit coat Shaud gave her.
Kaagad gumulo ang mga cameraman sa kaniyang ginawa pero hindi niya ito pinansin at isinuli ang suit coat sa katabi niyang binata. Nginitian niya muna ito bago binitawan ang suit coat at kinuha mula sa binata ang kaniyang clutch at cellphone.
They both started to walk, side by side. At alam niyang kinabuksan nito ay may mga isyu na silang makikita mula sa medya. Hara Yzaiel Montalvo is with the one and only Shaud Dela Fuente.
What a great and interesting topic.
Nang pareho na nilang mapasok ang loob ay bigla nalang pinalupot ni Shaud ang kamay nito sa baywang niya dahilan sa paglingon niya sa binata. Anong ginawa nito?
“Let me, you’re showing too much skin, Yza,” bulong nito dahilan sa pananayo ng kaniyang mga balahibo sa batok.
Hindi niya pinansin ang mabilis na t***k ng kanyang puso at kunot noong nag tanong.
“Yza?”
“Yza—from your name Yzaiel. I want to be the first one who calls you that… Yza.” mahina siyang napatawa at napatango-tango. Well, siya naman ang unang tumawag sa kaniya ng Yza sa lahat ng kakailala niya. It’s actually cute.
“You don’t have to worry about me wearing these kind of clothes. Marunong naman akong bumasag ng itlog.” nakangiting sambit niya dahilan sa pag ngiwi ng binata at pagbitaw nito sa pagkakahawak sa kaniya.
“I love my balls so I’ll just stand by your side,” he stated.
Hindi maiwasang matawa ni Hara sa inakto ng binata pero sa kaniyang kaloob-looban ay gusto niyang nakahawak ito sa kaniyang baywang. Komportable siya sa bisag ng binata kaya hindi niya alintana ang kamay nitong nakapalupot sa kaniya.
Pero mabuti na rin na malayo sa kaniya si Shaud dahil maraming mga matang nakabantay sa kanilang galaw. Kakaiba pa naman ang mundo ngayon, konting hawak mo lang sa kasalungat na kasarian ay isyu kaagad ito. Maraming mga kathang-isip na mga kwento ang biglang lilitaw at paniniwalaan naman kaagad ng mga tao.
She can’t blame them. May mga tao kasing kapag may nakitang mga pahayag na nagmula sa social media ay kaagad paniniwalaan at hindi pakikinggan ang kabilang gilid.
That’s why she has to distance herself a little bit from the man who constantly makes her heart jiggle.
She’s been in the industry for 10 years pero ayaw niyang mawalan ng trabaho. She can get closer to any man but she can’t have any connection or relationship with any of them, as of now. Kaya dapat ay hindi niya pakinggan ang nagsisimulang pagkagusto sa binata. She can’t lose her job, not now.
“Hara! Finally, you’re here! Gosh, I love everything!” Eunice greeted.
“I’m glad that you loved it. Grabe stress ko rito, nagsisisi na akong navolunteer ako sa mag-asikaso ng birthday mo. I will never do it again!” she replied.
Eunice chuckled before taking a glance at her back. “Look who’s with Hara~” Eunice teased and poked her boobs.
“Hoy! Not my boobs! Kahit kailan talaga, Eunice!”
“Sorry na! Anyway, Shaud Dela Fuente, ei? Hmm, well, you look great together,” she quoted and gave her a wink.
“Shut it, Eunice.” hinarap ni Hara ang binata at nginitian. “This is Eunice, kaibigan ko.” pagpapakilala niya rito.
“Nice to see you again, Eunice.” sambit ng binata dahilan sa pagtaas ng kaniyang dalawang kilay. Magkakilala ba ang dalawa?
“Me too, Shaud. Anyway, ang pagkakaalam ko kasama mo si Trevor… what happened at si Hara ang kasama mo? May namamagitan ba sa inyo na hindi ko alam? Hmm?”
Biglang napaubo si Hara dahilan sa narinig at akmang magsasalita ng dumating si Ellisha at Trevor.
“I heard my name. What’s up, people!”
“What took you so long to get a mojitos? Lapit-lapit lang ng kusina eh.” Sabad ni Eunice at binigyan ng kakaibang tingin ang dalawa.
“Oh~ something like make out ba? I mean, uso kasi ‘yan ngayon eh.”
“Manahimik ka, Eunice! Hindi nakakatawa joke mo!” pagsusungit ni Ellisha dahilan sa pagtawa nila. Kahit kailan talaga, laging nagagalit si Ellisha kapag nasasali ang pangalan ng kaniyang kalove team. That’s one the reason why Hara is looking forward to the future. Baka biglang bumaliktad ang mundo at magkagusto ang kaibigan kay Trevor.
Well, hindi naman mahirap magustuhan ang binata. He’s kind, handsome, rich, and he’s Trevor! The one and only Trevor!
“Ayaw ni Ellisha sa’kin eh. Hate niya ako.” nakangusong wika ni Trevor dahilan sa pag-irap ng kaibigan niya.
“Talaga lang. I hate you to the universe!” ani Ellisha.
She chuckled, “Baka biglang dumating ang araw na makain mo ang mga pinagsasabi mo ngayon.” Nakangiting sabi niya sa kaibigan dahilan sa muling pag-irap nito.
“Yza…”
Napalingon siya sa gawi ni Shaud at tinaasan ito ng dalawang kilay. “Bakit?”
“Let’s get a drink?”