"Good morning!" Napalingon si Hara sa kaniyang likuran at nakita ang isa sa mga empleyado niya. Kaagad siyang napangiti at kinawayan ito. "Joy! Buti at nakabalik ka na! Plano ko pa naman sanang palitan ka kasi masyado kang nawala ng matagal." pagbibiro niya sa pinakamalapit niyang empleyado. "Naku, huwag po ako boss Hara. Ako? Papalitan niyo? In your dreams." sagot nito sabay flip hair. Mahina siyang napatawa dahil sa sinagot nito. Katulad ng pangalan ay ganon din ang personality nito. Isa ito sa nagbibigay ng kasiyahan sa opisina nila. Dalawang linggo itong wala sa trabaho dahil kinailangan nitong umuwi sa kanila dahil nagkasakit daw ang ama nito. Hinayan niya naman at binigyan ng pera upang may maipangbili ng makakain at gamot ng ama. "Salamat po pala sa perang ipinahiram niyo. B

