"P-paano mo ako nahanap?" Hindi pa rin makapaniwala si Hara sa kaniyang nakikita. Finally, after days of not seeing him, nasa harapan niya na ito. She really missed him. "I find my ways. Gusto lang kitang makita bago ako umalis ng Beijing. Gosh, you don't know how much I miss you, Hara." bulong nito sabay halik sa kaniyang noo. Napapikit siya at hindi maiwasang mapangiti. Kahit naman siya ay sobrang namiss niya ang binata. Gusto niya sana itong makausap sa telepono kaso naging busy siya at saka baka busy din ito sa trabaho. "Wala bang nakakita sa'yo? Baka nakita ka!" alalang tanong niya ng kaunti itong lumayo sa kaniya at umupo sa katabing upuan. Umiling ito. "We made sure no one will see me." Dahil sa sinagot nito ay kumunot ang kaniyang noo. May kasama itong pumunta sa set? "M

