Itinaas ni Adam ang mga kamay ng maramdaman na my IV drip sa isang kamay niya. Naririnig niya ang tunog ng monitor na nasa tabi niya. Ang amoy ng sterilizer ng hangin sa loob ng silid na kinalalagyan niya. Napapikit siyang muli at na alala ang pagtataka niyang paglabas ng Silver City, dahil binalak niyang puntahan si Mikay sa bahay ng mga ito. Gusto niyang makatiyak kung talagang wala na ba ang dalaga. Ang huling alala niya isinakay ito sa helicopter at ang paghinto ng vitals nito. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa infirmary nahuli na ulit siya at puwersahang ibinalik infirmary. Nanlaban siya pero sobrang hina pa ng katawan nya ni hindi niya maikuyom ng maayos ang kamay niya. Nag mga binti niya ay na nginginig pa at hindi makatayo ng maayos kaya kahit anong pang lalaban ang gawin nya

