Nakaupo si Mikay sa gilid ng bed ng ward, suot ang bago at maluwag na pajama na ipinalit sa kanya ng bihisan siya ni Nurse Honey. Tahimik lang siya na kunwari tutalala, hawak ang tablet niyang nasa kilikili lang niya, balak pang kunin ni Nurse honey ang manika niyang mama leg pero nag wala siya na kunwari iiyak pa siya kaya hindi na nagawa ang mga ito kundi hayaan na may bahid ng dugo ang manika. Pinipilit pa ni Nurse Gladys na pag salitain si Nurse Honey kung saan siya nito nakita at bakit puro dugo, nag sinungaling pa ito at sinabing nakita lang daw siya sa fire exit na nag lalakad mag-isa. “Drink your water, Mikmik,” malumanay na sabi ni Gladys, parang nanay na nakangiti. “Safe ka na dito. Kuya Adam will be here any minute.” Nag-thank you si Mikay, mahina, pero sa isip niya, alerto

