Salubong ang kilat at kunot ang noo ni Mikay habang nakatingin sa pulang rose na hawak ni Adam. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o tatawa sa pa red rose ni Adam na di rin naman siya sigurado kung para ba sa kanya ang bulaklak na dala nito. Mahirap ng mag assume kilala niya si Adam malabong magkagusto ito sa kanya at bigyan siya ng roses. Lalo ng tumaas ang kilay niya ng lumapit ito at naupo sa tabi niya saka inilagay ang rose sa kandungan niya. "Hoy! Anong drama ‘to? Gabing-gabi na, Valentine’s Day ba? O nauntog ka lang sa locker room kaya biglang naging gentleman?” dinampot ni Mikay ang bulaklak at binato rito ang bulaklak pa balik na nahulog sa sahig na dinampot naman ni Adam. "Arte mo!" wika pa ni Adam na pinagpag ang buds ng rose. "Hindi ako gentleman, and definitely hindi kita

