Ashley Siraulo talaga ang lalaking iyon. Ano, nagsawa agad siyang manuyo? Kasalanan niya tapos ako pa ang tatakutin niyang titigil na sa paglapit sa akin kung hindi ko tatanggapin ang kasal na inaalok niya? Kung yon ang gusto niya di bahala siya. Hindi talaga ako papayag na maging kami ulit kung alam kong may batang magsasakripisyo. Walang kamay malay iyon sa kamunduhan nila ni Rory para pagkaitan ko ng kaligayahang magkaroon ng buo at kumpletong pamilya. Pag-alis niya ng araw na iyon ay nalungkot ako. Masyado kong dinibdib ang pagsuko niya. Pero kahit anong mangyari ay hindi ko ipapaalam sa kanya iyon. Kaya ko ang sarili ko. Ang nakakainis lang ay hinayaan ko pang may mangyari sa amin sa country club. Dapat talaga ay pinag laway ko pa siya eh. Kaya nga lang ay miss na miss ko din siya

