Ashley “Manang,” ang tawag ko sa aking kasama ng marinig kong tumonog ang pinto. Salamat at nakabalik na ito mula sa labas. Nagpabili kasi ako dito ng ice cream na ayaw pa sana niya kaya lang ay gusto ko talaga. Kasalukuyan akong nasa couch at nakahilata. Kakatapos ko lang maligo dahil sa sobrang pagsusuka ko kanina ay inabot ako ng pawis at talagang sumasabay pa ang ihi ko. Ganito ba talaga kapag nabubuntis? Paano kapag lumaki na ng husto ang aking tiyan? Baby, huwag mo naman masyadong pahirapan ang mommy ha, alam mo naman ang daddy mo, magulo pa ang isip. “Manang paki lagay na po ako sa cup, marami.” ang sabi ko at hindi ko na siya tinignan pa at narinig ko na lang ang tunog ng tsinelas na pang loob pati na ang plastic na malamang ay ang kinalalagyan ng ice cream. Maya maya pa ay tunog

