Third Person “What are you thinking?” Ashley asked, nakahiga na sila at handa ng matulog pero napansin niyang parang may malalim na iniisip si Carl. “May problema ba sa office mo?” ang tanong pa niya ulit. Humarap naman sa kanya ang lalaki at niyapos siya sabay sabing, “Nothing that I can’t manage.” “Are you sure?” ang paniniguro pa ni Ashley. “Yup, so don’t worry about me.” ang sagot pa ni Carl. “Bakit kasi hindi ka sumama sa akin sa ibaba kanina eh di sana hindi ka nag-iisip ng kung ano ano dyan ngayon.” dagdag pa ng binata. “I just didn’t want to disturb you. Distraction lang ako sa trabaho mo.” “You’re not, mas gaganahan pa nga akong magtrabaho kung nandoon ka eh.” ang sabi pa ni Carl dito. Napahinga na lang ng malalim si Ashley at hinayaan na nga niya ang binata. Nasa ika ani

