CHAPTER 1

1080 Words
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hinihingal ngunit pinagpapatuloy ang paglalakad kahit na gusto ko ng umalis dito sa harap nilang lahat at magtago.  Ang sikip pa ng gown ko. Nakakainis.  Umaarte ako na parang hindi nakatingin sa kanila pero ang totoo, nakatingin ako, naluluha ako. Hindi ko talaga alam, basta nakalimutan ko na lahat ng minemorize kong lines. "Oh Romeo, Romeo... "Syemay nakalimutan ko talaga. Mental block na dis. ---- "3rd Place tayo!" pumasok ang isa kong kaklase na nanood ng last part ng program. Umalis ako dahil di ko kayang tignan ang mga mukha nila, gosh I am so embarrassed. Gustong-gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito. Pero at least di kami last placer. Dahil always kasi kaming last placer sa mga nakaraang class competition. Kasi nga ang tatamad namin. Naghiyawan ang mga kaklase ko nang malaman na third kami at ako, nasa dulo nakatingin sa kawalan.  "Hoy dapat masaya ka at least sa pag 'Romeo Rome--" "Ewwww wag mo na daw iparinig sakin yan!" ani ko kay Eve habang tinatakpan ang aking mga tenga. "Hindi naman masama ang acting mo ah, sadyang marami lang talagang cut sa mga lines ano yun, nakalimutan mo?" Tanong nito. Ngumuso ako.  "Namental block ako Eve," "Okay lang yan at least 3rd tayo,  and hindi naman sa pagpapalaki ng tenga mo pero feel ko ikaw nagpaangat sa walang kwenta nating section," ani ni Eve nang seryoso. Hearing it from her, kahit na hindi ako masyado naniniwala ay sobrang heartwarming.  Gandang-ganda ako kay Eve kaya siguro biglang lumakas ang pagkabig ng dibdib ko nang marinig ko iyon. Kinomplement ako eh. "Salamat," iyon na lamang ang sinabi ko.  "Maganda rin naman ang arte mo bilang Lady Capulet ah," ani ko kay Eve. Ang totoo nyan, si Eve sana ang gusto kong Juliet, maganda kasi siya. I mean maganda rin naman ako kaso mas type ko siya. In both ways. "Yiee bumabanat," Tawang tawa na sabi ni Eve. "Gago," --- "Nak! Napanood ko yung play,  ang galing mo!" bungad sakin ni mama sabay yakap sakin. "Ma pumunta ka pala," nakangiti kong tanong sabay baba ng bag ko. "Aba't oo, by the way ang ganda nung play ah,  sayang 3rd place lang," she said but I could tell she was proud and that was enough. "Oo nga eh," ani ko rito. Little did she know na namental block ako. Pano pa kaya kung hindi. "Kahit ganon sunduin mo ako mamaya ha, ayokong magcommute," ani ni mama at lumabas na ng bahay. "Kaya pala ako kinomplement kasi magpapasundo," pagpaparinig ko habang may ngiti sa labi. "Kaya kita binilhan ng kotse para maging driver ko, tandaan mo yan anak," Natatawang sabi ni mama saka umalis. --- "Ari, napanood ko yung play," Ally said. Ang pinsan ko from my father's side. Na hindi alam ni mama na may contact ako dahil simula nong naghiwalay sila ni papa ay pinagbawalan na ako ni mama na makipagugnayan pa sa mga Riego. "Gago ka, bakit? Di naman kita ininvite ha," ani ko rito at sumipsim ng choco matcha ng I ❤ milktea. "I could tell you were embarrassed," pangiti-ngiti pa ang gago. "Tama na daw! Wag mo nang ipaalala," ani ko rito. She only laughed. Allison is way more younger than me pero god kung makaarte parang ang matanda. "So any plans today?" tanong nito sakin. Bigla ko namang naalala si mama. "Teka anong oras na?" tanong ko rito. "4:36" syet 5 ang uwian ni mama. Baka traffic pa, syemay mapapatay ako ni mama. "Kailangan ko nang umalis, susunduin ko pa si mama," klaro sa pagsipsip ko sa naiwan kong drink ang pagkapanic ko. Tumawa lamang si Allison. "Sige na,  alis na," ani nito at hinalikan ko lang ang pisnge nito before leaving our favorite spot. Favorite ko lang pala. Iba favorite ng gagong to. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan, at nakarating ako 3 minutes late which is okay pa. Nakita ko si mama mula sa salamin sa kanilang office na may kasama itong babae, bata pa ang babae mukhang nasa early twenties. Siguro bagong officemate. Palakad sila patungong building ng hall of justice. Clerk kasi si mama. Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si mama pero hindi ito sumasagot kaya naman ibinaba ko na lamang at pinark muna ang kotse sa malapit at pumasok narin sa building. I tired following them pero late na ako. Andon na sila sa loob ng office ulit. Ang totoo ayoko talaga na pumasok nakakairita kasi kailangan kong magmano sa lahat ng officemate ni mama. Ang sama ko. I know. Pero pumasok parin ako. Mabuti nalang at sila na lamang at nang nakita ko kanina na kasama ni mama ang naiwan sa office. "Ma!" tawag ko kay mama at lumingon ito sa aking gawi. Ganoon rin ang babae. Hindi ko muna ito pinansin at nilapitan si mama. "Andito ka na pala, nga pala bagong office mate namin, si Monique," pagpapakilala ni mama. Tinignan ko si Monique at tumango ako rito sabay pilit ng ngiti. Ang totoo nyan ay hindi ko masyado ito tinignan at nilapitan ko ito para mag mano kaso nang kunin ko ang kamay nito ay bigla nitong hinila pabalik ang  kamay nito at nabitawan ang hawak na susi ng kotse kaya naman kinuha ko na lamang ang susi at ibinigay sa kanya. She just stood there. "Hindi mo na kailangang mag mano," ani nito. Ang boses ay sobrang amo. Ngumiti ito sakin, ibang ngiti. Nakakaintimidate na nakagpapalakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko man lang naramdaman na ngumiti pala ako pabalik. At bumalik na kay mama. Hindi ko na lamang pinansin ang bilis ng t***k ng puso ko at kung gaano kalamig ang kamay nito. "Ma, ilang taon na si Monique?" tanong ko kay mama habang nagdadrive. "24," sagot nito. "Siya ang pinakabata na nakapasok sa korte," proud na sabi ni mama. "Ahh ganon ba, bakit sobra namang bata, anim na taon lang agwat namin ah," "Alam mo namang wala pang K to 12 dati diba,  kaso disgrasyada yun eh," ani ni mama. "Ah so may anak na pala?"tanong ko rito. Hindi kasi halata sa pangangatawan nito. Yung tipong may "banging body" mapapa sana all ka nalang. "Oo, kaya ikaw aral muna ha,"Ani ni mama. "Oo ba ma, nbsb ata to," I chuckled inside. "Kaso nagkagirlfriend na, ako pa uutuin mo Ariel ha, sino nga ba yung ex mo? Si Jade Rameniego ba yun?" "Wow ma kilala mo talaga huh," "Aba't oo naman, kailangan, ina mo ako eh,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD