Every saturday may gimmick ako na kumakanta sa Mano-mano kaya heto ako ngayon. Hoping na di sila magrerequest ng mataas na kanta. Feel na feel kong kantahin ang let her go ngayon by passenger kaya kahit di nirerequest ay kinakanta ko.
Okay lang naman ang boses ko. At nageenjoy naman ako. Kasi at least may income at masspoil ko pa ang mga kapatid ko.
Nang matapos kong kumanta ng let her go ay nagpalakpakan ang mga customer at kasabay nong ang next request na nakasulat sa tissue.
'Love me like a love song by Selena Gomez'
What the hell, ano to bar?
Dinisregard ko ang request na yun at kumuha pa ng isa.
'All of me by John Legend'
Ay kaluoy uy.
So I sang that song with all my heart kasama ang partner ko na si James, partner sa singing lang ha. After that ay nagsi palakpakan sila ulit and I need rest too kaya pumunta muna ako sa bathroom.
Matapos mang hilamos ay napatalon ako nang may makitang to sa likod ko. And it was none other than Monique. Ang office mate ni mama.
Tinanguan ko ito at bahagyang umalis.
Ngunit nagsalita ito. "I didn't know you worked here," ani nito habang nilalagyan ang labi ng pulang lipstick. Mahina itong gumagalaw at ngayon ko lang napansin ang suot nito. Fitted masyado. At sparkly. Teka ba't ganyan suot niya?
At yung tono ng boses nito na parang nadisappoint na malamang nagtatrabaho ako. Teka hindi naman ako nagtatrabaho sa bar ah, kanta kanta lang naman ang gawain ko ah.
Bakit apektado tong gagang to? "Does your mom knows about this?" She asked. This time tinignan nito ako sa mata na parang bored. Hala s**t gusto ko siyang barahin. Mukhang b***h kasi. Disgrasyada na gane, hindi pa kayang magtino.
"Opo," ani ko rito.
"Cut the opo, we're only 6 years apart," pano niya kaya nalaman?
"Oo, Ate Monique,"
"Damn just leave the Ate behind,"
"Oo, Monique,"
"Better, anyway sorry I'm just worried, hindi mo alam kung pano mag isip ang mga tao sa paligid mo kaya naman mag iingat ka, you know working in this type of environment is dangerous,"
"Huh? Restaurant po ito," I told her. She only chuckled.
"Just be careful alright," ani nito at umalis. Okay, now I hate her. Napaka kupal, akala mo kung sino eh disgrasyada lang naman. Kung makaarte parang mayaman ah. Well sana all.
And I am f*****g confused with everything she said.
3 am nang matapos ako. Tinext ko si mama na pauwi na ako and on the way out ay walang iba kung hindi ang babaeng ayaw kong makita.
"Monique, andito ka pa?" Tanong ko rito. She smiled. Yung ngiti na binigay niya kanina nung una kaming nagkita.
Ngumiti ako pabalik na naghihintay sa kanyang sagot.
"Ariel right?" Tanong nito. Tumango ako dito.
"Hop in, ihahatid na kita," Ani nito at sumakay sa kotse. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang Bentley ito. s**t, Bentley continental gt my god.
Makakasakay ako ng Bentley.
Makapagselfie kaya mamaya. Grabe ang tanga ko. Pano kung masamang tao to? Kaya naman tinext ko muna si mama before ako pumasok. Sumilip si Monique.
"Hey get in," ani nito at tumango lamang ako.
Nag text si mama na 'mabuti yun at least di na kita kailangang sunduin'
Wow ma ha.
Kaya namn pumasok na ako. At agad namang pinaharurot ni Monique. God ang ganda ng kotse. "Ang yaman mo pala, bakit nagtrabaho ka pa sa Hall of Justice?" tanong ko rito.
"Why wouldn't I?" sagot nito. Grabe, walang tanong ang kaya niyang sagutin na matino.
Gusto ko sanang tanungin kung ano ang pangalan ng anak niya kaso baka malaman niya na pinagusapan namin siya ni mama kaya wag nalang.
"San ka pala nag aral ng college?" Tanong rito. Hindi niya ako nilingon at diretsong nakatingin sa driveway.
"That's none of your business," Ani nito na may ngiti sa labi. Ewan ko ba parang bawat sagot niya nasaslice ang puso ko.
Mahirap sumagot ng maayos?
Kaya ayun, tumahimik na lamang ako. Ngunit ilang minuto ang nagdaan ay hindi ito nagsalita. Grabe akala ko mga new office mate ni mama mababait, ito ata iba, siguro kasi mayaman tas may backer ata.
"Where are you studying?" bigla niyong tanong. Nilingon ko ito. At gustong-gusto ko siyang pilosopohin pero my god si mama ang magiging masama kaya naman magpapakabait muna ako.
"Sa puso mo yiee," ani ko rito sabay ngiti. Lumingon ito sa aking gawi nng seryoso kaya naman naging seryoso rin ako.
"Sa Adamson, scholar," ani ko rito. Unti-unti itong ngumiti.
"I studied at La Salle," sagot nito at tumingin ulit sa daan. Bigla akong nakuryente. La Salle was my dream school.
"Gusto ko sana dyan, kaso half lang ng tuition ang kaya nilang ibigay sakin, eh sa mahal parin eh,"
"How sad, anyway what are you studying?" tanong nito ulit.
" Architecture," ani ko rito.
"That's one hard course," she commented. She looked my way and smiled. "You can do it,"
"Thank you," ani ko rito. Her smile grew larger.
"What do you want?" tanong nito at ngayon ko lang napagtanto na nasa drive thru na pala kami ng Mcdo.
"Ah eh, ikaw," diretso kong sabi sakanya at sana hayaan niya na lang na siya na ang magdecide. Then I swear I saw a dark look in her eyes. "Ikaw bahala kung anong gusto mo, yun narin akin," paglilinaw ko, in case she thought the other way around.
Inalis nito ang tingin sakin at nagorder na, my brain played the part where I saw her eyes darkened.
Matapos ang ilang minuto at my natanggap akong chicken sandwich at isang bff fries with mcfloat. Nagutom tuloy ako. Kinuha ko ang bag ko at kinalkal ang bayad. Nang mahanap ay tinangka ko na ibigay iyon kay Monique kaso hindi nito tinanggap.
"It's okay, basta next time ikaw manlibre," ani nito at nagdrive na.
Next time?
"Pwedeng isaw lang?" I joked. She smirked at me. "Sure, anything you want, basta kaya mong ibigay," ani nito. Wow so may next time talaga para sa kanya? Well, kung ganon hindi na ako magpapakita pa sakanya.
Nang makarating kami sa bahay sakto naubos ko na ang mga pagkain ko. Ganon rin naman si Monique. Ngunit ako patuloy parin sa pagsipsip sa mcfloat kahit wala na. Kahit ice na lamang.
Hininto ni Monique ang sasakyan sa harap ng bahay kaya tinggal ko na ang seatbelt at handa ng umalis. "Salamat sa paghahatid," ani ko rito at aalis na sana kaso naramdaman kong mag kamay sa leeg ko at hinila ako sa malakas na halik.
Grabe ang pintig ng puso ko sobrang lakas. Dahil siguro hindi ko to inexpect. Gusto kong makawala sa halik ngunit hawak nito ang buo kong ulo kaya di ako makaalis. I could feel her kissed me passionately.
Baka lasing lang siya.