Hapon na kami umalis ni Kevin dahil tinulungan pa namin si yaya na maglinis ng buong bahay. Natambakan kasi siya ng ga-bundok na labahin. Si Kevin naman ay napilitang magwalis, mag-agiw at maglampaso ng sahig, halatang hindi sanay sa gawaing bahay habang ako naman ay nanuod ng tv. hehe. --------------------------------------------- "Uy Mark. Kanina ka pa tahimik jan? Kinakabahan ka ba?" "Hindi ah..." "Hindi naman kumakain ng tao ang pamilya ko. Tsssk." "Bugok." "Si daddy at mommy kilalang-kilala kana. Yung kuya ko parang ako lang kaya wag ka mag-alala. Yung isa naman ganon lang yun, tahimik, pero mabait. Ihanda mo lang ang sarili mo sa dalawa kong pamangkin, mapapasabak ka. Hahaha." "Uto. Mag-drive ka nalang jan para masaya." Almost nine o'clock na nang dumating kami sa bahay nila.

