"Gusto mo daw ako makita?" "Ha." "Si Kevin... sabi." "Ah. Oo." Humigpit ang yakap niya. Ako naman ay nakahawak lang ang kamay sa kanyang bewang. Kaliwa-kanan ang aming mga paa na parang nagsasayaw, sunod sa pintig ng aming puso na nagsisilbing musika. "Wag ka umiyak." pabulong kong sambit. "I love you hon." Hinalikan ko siya sa nuo. "Kanina kapa?" tanong ko. "Medyo." "Ah." "Nagluto ako para sayo." "Nag-abala kapa." "Ano kaba. Salamat nga pala dito sa roses." "Ah." *** "Hon." "Oh." "Pansin ko..." "Na?" "Naging malamig ka." "Ha?" "Ibang Mark ang nadatnan ko pag uwi ko galing Dubai. Akala ko naninibago ka lang o ako pero..." "Pero?" Ang isang segundo ay nagiging mahabang oras. "Mahal mo pa ba ako?" "Oo." sa iisang direksiyon lang nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko

