After my class, I expect him to be there… patiently waiting outside like he used to do. My heart felt like it was breaking into pieces. Is he tired? Tired of following me around?
Laglag ang balikat ko habang papunta ng parking lot. Nang makarating ako ay hindi ko makuha na sumakay sa aking sasakyan.
I was facing back and forth. Maya’t maya ay napapahilamos ako ng mukha. I’m not comfortable thinking that Marcus is done courting me. Ang sakit… ang bigat sa dibdib… parang ang hirap huminga.
Simula kagabi at hanggang ngayon na patapos na ang araw ay hindi pa siya nagpaparamdam sa akin. Akala ko ito ang gusto ko. Na tumigil na siya para hindi na ako mababaliw kakaisip sa kanya. Pero… hindi ko kaya. Mas mababaliw ako kapag hindi siya nagpapakita sa akin.
Gustong gusto ko na siyang tawagan upang maki-usap sa kanya na pwede na sa akin ang tawag at text lang. Masaya na ako doon basta magparamdam lang siya sa akin. Kahit kaunting oras lang ang maibigay niya ay ayos na sa akin. Ayos lang basta ramdam ko na sa akin siya.
Gusto kong mag explain sa kanya na kaibigan ko lang si Deither. Gusto kong magkwento sa kanya ang nangyaring pagtatalo namin ni daddy. Gusto kong ikwento sa kanya na tumawag sa akin si kuya at napagaan niya ang loob ko. Pero… wala akong lakas ng loob dahil ako naman ang nagtulak sa kanya palayo.
Nahihiya ako. Nakakahiyang t-in-ake for granted ko lang ang mga tawag at text niya pero ngayon ay ako naman ang makikiusap na magparamdam siya.
Nanghina akong napasandal sa sasakyan. I put my palm on my face. Nag iinit na ang mga mata ko at unti unting pumapatak ang mga luha ko. I sobbed silently. I feel like I am a child not wanting to face my fears. Unti unting lumakas ang pag iyak ko.
“Ellory?”
Napahinto ako sa paghagulhol. May tumawag sa akin na kaboses ni Marcus. Totoo bang naririnig ko ang boses niya o gawa gawa lang ng imahinasyon ko? Kumalma ako at dahan dahan na nagpupunas ng luha habang nanatili akong nakayuko.
“Baby, what’s happening?”
Inangat ko ang mukha ko upang siguraduhin na gawa gawa ko lamang ang boses niya. Pero hindi. Nanlaki ang mata ko. Nandito siya sa harap ko… hinihingal at mukhang tinakbo niya papunta dito. Wala siyang dalang bag. Nakapantalon siya at nakasuot ng puting damit.
“M-marcus?”
Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit at mukhang mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan namin. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.
“What’s wrong?” malambing niyang tanong habang hinahaplos niya ang basang pisngi ko.
“What are you doing here?” I asked, still can’t believe that he’s here, in front of me.
“Alam ko na ngayong oras natatapos ang klase mo at gusto kitang makita bago ka umuwi. Mabuti na lang at naabutan kita. Ikaw? Bakit ka nandito at umiiyak? Binastos ka ba ulit ng classmate mo? Sabihin mo sa akin para matulungan kita.”
Umiling ako at napayuko. I’m so f*****g relieved that he’s here. In front of me again, worried. But my heart is still aching because of too many words that I can’t spill.
Nahihirapan na ako sa sariling nararamdaman. Kaya punong puno ng tapang ang mukha ko ng humarap ako sa kanya. Malamim akong bumuntong hininga. Nilakasan ko ang loob ko upang mailabas ang saloobin.
“Hindi. Umiiyak ako dahil… akala ko… sumusuko ka na sa panliligaw sa akin.” pagkatapos kong sabihin ‘yon ay yumuko akong muli at marinig pumikit. It was so hard to be honest but this is the only way that can make our relationship better.
He was taken aback for a second. Muntik na siyang mapaatras sa gulat.
“Hindi ako sumusuko sayo. Bakit mo naisip ‘yan?” may halong kasiyahan at sakit ang boses niya habang hinahabol ang mga mata ko.
Mas lalo akong yumuko. I played with my fingers. “Because I’m ignoring you? I thought I offended you in so many ways… and I didn’t saw you the whole day. You didn’t even call me. Kaya… akala ko iniiwasan mo na ako…” malungkot kong sabi.
He breathed harshly. “Ellory… My love for you isn't that shallow. This is true…” malambing niyang sabi.
Napahinto ako. Ang dibdib ko ay lumakas ang kabog. Parang may nagputukang bumbilya sa aking kalamnan. Nahihirapan akong huminga… dahil sa pinaghalong saya at sakit.
Hinaplos niya ang pisngi ko at marahang inangat ang aking mukha. Nang magtama ang aming mga mata ay napanguso ako at mas lalong umiwas ng tingin. “I didn't call you yesterday because… I thought you’re busy with your date…”
Napa-angat ako ng tingin sa sinabi niya. Nakita kong nakataas ang kilay niya at nakaangat ang sulok ng labi. Hindi ko alam kung galit ba siya o nang aasar.
“He wasn't my date. He was just my childhood friend. I don’t like him romantically…” I said with a bit of desperation.
Siya naman ang napanguso ngayon habang tumatango. His thumb is still caressing my left cheek. “Uh-huh… that embrace was so f*****g tight. You missed him that much?”
“Y-yes, ilang taon kaming hindi nagkita…”
Bumuntong hininga siya. “I didn’t call last night because… I was jealous…”
Napanganga ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Lumakas lalo ang t***k ng puso ko.
“I just saw you hug a guy and I felt threatened. But I don't want to be unfair to you. Nanliligaw pa lang ako at alam ko kung saan ako lulugar.”
Napalunok ako sa nerbiyos. “B-bakit hindi mo sinabi…”
“Ayokong maguilty ka dahil lamang sa nagseselos ako.”
Yumuko akong muli. Napakagat ako ng labi. Oo makakaramdam talaga ako ng guilt. Alam ko na kung paano siya magselos. Hindi niya ipaparamdam na nagseselos siya at iiwas upang magpakalma. Samantalang ako ay sisinghalan ko na kaagad siya.
We have a lot of differences. He has a lot of patience, completely opposite of me. He’s mature and I’m still immature when it comes to this relationship. Am I still worth it?
Inangat niya ang mukha ko. Nang magtama ang aming mga mata ay nakita kong may kagalakan ang kanyang mukha.
“Kaya ka ba umiiyak dahil akala mo ay sumusuko na ako sayo?”
Hindi ako sumagot at muli akong umiwas ng tingin.
He chuckled a little. “It's okay, baby. You don't have to tell me… Just wanna hear it one more time because it so f*****g good to my ears…” he said with his playful voice.
Umiling ako at malalim na bumuntong hininga. Pagod na akong magtago ng nararamdaman ko sa kanya. He deserves to know about my true feelings.
Tumitig ako sa mga mata niya. Nakita ko na matiya siyang nag aabang ng sasabihin ko. Lumunok ako ng ilang beses para mawala ang bumabara sa aking lalamunan.
“Oo, umiiyak ako dahil akala ko ay hindi mo na ako liligawan. Natakot ako na huli na ang lahat upang umamin ako sayo. Kaya, oo, sinasagot na kita. Hindi dahil sa takot… kun’di dahil mahal kita… matagal ko ng alam. Pinangungunahan lang ako ng takot at pangamba pero ngayon ay hindi na. But I won't promise that I will be a good girlfriend because I think I'm a jealous one. I'm possessive of you. So… magtiis ka...” muntik na akong humikbi. Ang mga mata ko’y lumuluha na pala. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi mo na ang matagal mo ng tinatagong damdamin.
“f**k!” malakas siyang sumigaw at nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Ang mga talampakan ko ay nasa ere na sa sobrang higpit ng yakap niya.
Natatawa lamang ako. Gumanti din ako ng yakap sa kanya dahil na miss ko ito. Nakita kong namumula ang mga mata niya kagaya ko. Para kaming mga baliw na lumuluha habang tumatawa.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Thank you. Thank you so much. Ang saya saya ko. I promise that I will be patient with you. I love you more, Ellory. Hindi ako magsasawa sayo. Kung pwede lang na araw araw kitang liligawan ay gagawin ko. Totoo itong nararamdaman ko sayo. Magtiwala ka lang sakin. Wala akong planong biguin at saktan ka.”
Tumango ako habang lumuluha pa rin.
Hinalikan niya ako ng mariin. Napakipit ako at ginantihan ang kanyang halik. Sinandal niya ako sa aking sasakyan.
Binuksan ko ang mga mata ko habang patuloy siya sa pag halik sa akin. Nakapikit siya tila ninanamnam ang sandaling magkahinang ang mga labi namin. Sa likuran niya ay nakita kong madilim na at nakaswitch na ang mga ilaw sa paligid.
But I don’t care if I will be home late. I just want to savor this moment with my boyfriend. November 23, it’s almost 7pm, in this parking lot, Marcus and I become official.
Pumikit na din ako at niyakap niyang mahigpit habang malalim pa rin ang halikan namin.