Chapter 21

1723 Words
Matutulog na ako pero bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Napairap ako sa hangin at hinayaan lang itong mag ring. Pagkatapos mag ring ay tumunog ang message notification ko. Tamad kong binuksan ang message niya. Marcus: I was calling earlier and your line was busy. Who are you talking to? That’s my brother, you asshole! Hindi ko na pinansin ang text niya pero panay pa rin ang pagtawag niya. Pumikit na ako. This day has been really emotionally draining for me. Kinabuksan ay dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan. Pina-pakiramdaman ko kung nasa baba pa ang parents ko. Nang dumaan si Yaya Karla sa baba ng hagdan ay mahina ko siyang tinawag. “Yaya…” Napansin niya kaagad ako at tumigil siya sa paglalakad. Iginilid niya ang vacuum sa gilid ng hagdan at mabilis siyang lumapit sa akin. “Oh, anong nangyari sayo ngayon at mukha kang nagpipigil ng ihi? Nahihiya ka sa daddy mo, ano?” pang aasar niya sa akin. Napakamot ako ng pisngi. “Yaya, naman. Nandiyan ba sila sa baba?” Umiling siya at natatawa. “Wala na sila. Maagang umalis dahil may pupuntahan. Bumaba ka na at mag agahan. Binilin ni ma’am sa akin na pakainin ka ng marami dahil hindi ka nagdinner kagabi.” Tumango ako at nakahinga ng maluwag. “Yes, yaya…” Sabay kaming bumaba ni yaya. Dumiretso na ako sa dining at maganang kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. Dahil maaga akong nagising at maagang nakarating sa school ay walang Marcus na naghihintay sa pagdating ko. Mabuti naman! I don’t want to see him right now. I'm still pissed off about what I saw yesterday. But the thing is, he doesn’t give the hell up! Nag-a-advance reading ako dito sa aking upuan habang naghihintay ng professor ay may umupo sa tabi ko. Napahinto ako sa paglipat ng pages ng librong binabasa ko ng maamoy ko ang pabangong kilalang kilala ko. Paglingon ko ay nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. “You’re early?” he asked. His minty mouth lingered on my nose. Napalayo ako ng kaunti dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. Napatingin ako sa paligid at nakitang iilang classmate ko pa lang nandito. “Yeah… obviously…” mataray kong sagot. Narinig ko ang buntong hininga niya. “Are you… ignoring me?” “Why would I ignore you? Umalis ka na, dadami na ang classmate ko dito mamaya,” sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa aking libro. “Okay… just please… answer my call. Nag alala ako kahapon dahil hindi ko alam kung anong oras ka na nakauwi.” “Paano mo malalaman kung may kasama kang babae?” Napapikit siya at napayuko. “You saw that?” “May mata ako, Marcus,” inirapan konsiya at mabilis na nagbasa. Pinipilit kong intindihin ang binabasa ko pero hindi ako makapag concentrate dahil ramdam ko pa rin ang presensya niya sa tabi ko. “Susunduin kita mamaya…” Tumayo na siya. Laglag ang kanyang balikat paalis ng classroom namin. Am I too harsh on him? Umiling ako at nagbasa na muli. I felt a sudden guilt on how I treated him but I instantly ignored it. He deserves it! Uwian na. Palabas na kami ni Aubrey sa classroom. Nauna na siyang magpaalam sa akin. Pagkaalis niya ay may humarang na lalaki sa akin. Sisinghalan ko na sana siya pero kaagad na umamo ang mukha ko ng makita ko ang mukha niya. “Deiíther!?” “Missed me?” He spread his arms, like he’s waiting for my hug. Tumili ako at mabilis na yumakap sa kanya. “Oh my gosh! I missed you!” Tumalon talon kami na parang mga baliw. He was my childhood friend. Nagkahiwalay lang ang landas namin ng nag aral siya sa England but were occasionally communicating. “Surprised?” “Yes! Damn you!” Humalakhak siya ng malakas. “Bakit ka nandito?” tanong ko ng pareho na kaming nakarecover. Nagkibit balikat siya. “It’s a long story. Do you have time? Let’s go to a coffee shop near here… my treat!” “Sure!” Naglakad na kami ng parehong may malaki ang ngiti. Nang makababa kami sa building ay parang may naalala ko. Parang may nakalimutan. Habang nagkukwento sa akin si Deither ay lumingon ako sa ikalawang palapag ng building kung saan ang last na subject ko. Napahigit ang hininga ko ng makita si Marcus na nakatunghay sa amin mula sa itaas. Nakapatong ang isang kamay niya sa barandilya ng building Napakagat ako ng labi ng makita na may lungkot sa mata niya. Kahit sa distansya ng layo namin ay kitang kita ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya ng marahan sa akin at tumango. Na para bang naiintindihan niya na may kasama ako. Na para bang ineexpect niya na ito. “Hey, Ellory, are you okay?” hinawakan ni Diether ang braso ko para makuha ang aking atensyon. “Ha? Ah…” tinignan kong muli kung nasaan si Marcus at nakita na pababa na siya. “I-I’m fine. Let’s go?” Wala ako sa sarili ko. Nagkukwento si Deither ng buhay niya sa England pero wala akong maiambag sa kanya. Nakikinig lang ako. Iniisip ko pa rin ang nakita ko kanina. Ngayon ko lang nakita ang itsura ni Marcus na gano’n. Pumila na si Deither at pinaupo niya na ako sa dulo ng cafe para makapag kwentuhan kami ng walang naiistorbo. Napanguso ako ng makitang maraming estudyante ang napapatingin sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa ng makitang nakikipaglandian siya ng titigan sa isang staff. He playfully winked at her and the staff instantly blushed. Tss! Such a freaking playboy! I got distracted when a message popped on my cell phone screen. Lumakas ang t***k ng puso ko. Pero kaagad din na nawala dahil akala ko ay si Marcus ang nagtext. Aubrey: Ellory, I saw you at the cafe. Si Marcus ba ang kasama mo? Ako: No, it’s Deither. My childhood friend. Why? Aubrey: Oh, s**t! Nakita ko si Marcus kanina sa gilid ng room natin. Hindi mo pa napansin? Nakita ko din na may dala siyang bulaklak. Are you freakin serious? Basted na ba siya? Lalong mag alboruto ang puso ko. Para akong malalagutan ng hininga sa sobrang kaba. Ako: Of course not! But… He has flowers? Aubrey: Yep! Red roses. I put my palm on my face and breathed harshly. Damn it! Wala na ako sa mood pero pinipilit kong sumabay kay Deither. Nang mapansin niyang wala na akong energy upang sabayan siya ay hinatid niya na ako sa aking sasakyan. “Thank you for your time, Ellory. You grow up so beautifully. Let me know if you already have a boyfriend…” Humalukipkip ako sa harapan niya at tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit? Tatakutin mo ba?” “When he deserves it. I don't like you lingering with an ass like boyfriend.” he patted my head like I was a damn child. “I gotta go now…” “Bye…” We hugged each other for a second. Nang sumakay na ako sa aking sasakyan ay nagpalinga linga pa ako upang hanapin siya. Nagulat ako ng kumatok sa bintana ko si Deither. “Go. Now.” he mouthed. Napanguso ako at madramang pinaandar ang aking sasakyan. Kahit na nasa driveway na ako palabas ng school ay hinahanap ko pa rin siya… pero nakalabas na ako ay wala talaga. Ano kayang iniisip niya nung nakita niya ako na may kasamang lalaki? Did he think that I had a date? Did he feel jealous too? Habang naka red light ay sinilip ko ang cellphone ko pero ni isa ay wala akong text na tanggap sa kanya. Parang kanina na lang ay iniiwasan at sinusungitan ko siya pero ngayon naman... ay para akong tanga na naghihintay na magparamdam siya. Nakakabaliw naman talaga ang pag ibig. Pero ako… mukhang maaga akong mababaliw. When you love someone it's a mixed feeling of different emotions. Like lost, sad, anger, anxiety and loneliness and sometimes… happy. Kaya hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakaka handle ng ganitong halo halong emosyon. Dahil sa pag iisip ko tungkol kay Marcus ay nakalimutan ko na kailangan ko pa palang harapin ang mga magulang ko ngayong dinner, especially my dad. I sigh. Pagdating ko ay kumakain na sila. Busog pa ako sa kinain ko kanina but I don't want to be rude with them. I don't want to add some fire to my fathers wrath on me. I greeted them with a kiss on the cheeks. Hindi man lang ako nilingon ni daddy pero ayos lang. “Nalate ka ng uwi, hija?” ani ni mommy. Tumango ako at sumubo ng pagkain. “Nagkita kami ni Deither, mommy. He came home from England this month.” “Oh! That's good news! Nagkaayos na ba ang mga magulang niya?” Nagkibit balikat ako. “Hindi ko po alam, my. I didn't ask about his parents.” “Oh, okay… Baka hindi pa siya kumportable sa topic na ‘yan.” Natapos ang dinner namin at patuloy lang si dad sa malamig niyang trato sa akin. Ayos lang dahil sanay na ako. Kapag nilambing ko siya ay mas lalo lang niya akong pagsasabihan at ikaiirita ko pang ‘yon. Kaya mas maganda ng pababain muna namin ang sama ng loob namin sa isa’t isa. Nakapag review at nakabihis na ako ng pantulog. I am ready to sleep now. But my mind won't stop wondering. Gusto ko mang isantabi ngunit pilit na nagsu-sumiksik sa isipan ko. Damn you, Marcus! Why aren’t you calling!? Kinabuksan ay wala pa rin siyang paramdam. Nandito na ako sa aking classroom. Muntik pa akong malate dahil hinihintay ko siya sa parking kanina pero hindi siya nagpakita. Kanina pa ako nag co-compose ng text sa kanya pero paulit ulit ko namang binubura. “When you’re here in my class I want you to focus! Stop texting!” sigaw ng aking prof Nagulantang ako at kaagad kong binulsa ang aking phone. Hindi man nakatingin sa akin ang matandang professor ko ay alam ko na ako ang pinariringgan niya. Mas lalong tumahimik ang mga classmates ko. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Noah at nakangisi, nang aasar. Inirapan ko lang siya at muli akong nag concentrate sa aming klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD