Nag iinit na ang pakiramdam ko sa haplos niya pero parang balewala lang sa kanya. Parang hindi ko na kilala ang sarili kapag kasama ko na siya. Para akong nag iibang tao. Simpleng haos lang niya ay umuusok na ako sa init. Paano pa kaya kapag hinalikan niya na ako dito? Baka pumatong na ako sa kanya at hubaran siya.
Gosh! This time, I’m becoming a p*****t. Ano pa ba ang matutuklasan kong ugali kapag naging kami na ni Marcus?
Kaya bago pa niya mabasa ang nararamdaman at iniisip ko ay nag aya na akong umuwi pagkatapos ng lecture namin.
Kahit nagtataka siya at pumayag naman. Mabilis akong naglakad, tahimik lang siyang nakasunod sa akin. Nang makapasok na ako sa aking sasakyan ay pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang dalawang palad. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng sasakyan ko, nag aabang ng pag alis ko.
I stared at him for seconds. Inayos niya ang kanyang backpack at napadila siya ng kanyang labi. Hindi siya mapakali. Mukhang nangangati na siyang puntahan ako dahil hindi pa rin ako umaalis. Hindi niya alam na nakatitig ako sa kanya.
When I started the engine my breath hitched. I saw Marcus’ classmate running towards him. She was shouting his name to get his attention. Nilingon siya nito, nagtataka. May sinabi ang babaeng kaklase niya na nagpakuha ng atensyon niya.
Kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Nakahawak na ang babae sa braso ni Marcus. Bababa na sana ako sa aking sasakyan upang paghiwalayin silang dalawa pero napahinto ako ng nilingon ni Marcus ang sasakyan ko. Lalapitan na niya sana ako pero pinigilan siya ng babae. Para itong natataranta at pilit na hinihila ang lalaking hawak niya.
Please, don’t go with her. Bulong ko sa sarili ko.
Mukhang nagdadalawang isip pa rin siya dahil hindi pa rin siya umaalis. Pero biglang napapikit si Marcus at malalim na napabuntong hininga.
Nanghina ako ng naunang tumakbo si Marcus paalis at mabilis namang sumunod ang babae sa kanya. Napasubsob ako sa aking manibela at naiiyak. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung sa galit ba o sa… selos?
Heto na nga ba ang kinatatakutan ko. I think I’m going crazy. Saan sila pupunta? Bakit parang nagmamadali sila? Ngayon lang ginawa ni Marcus sa akin ang ganito. Usually, hinihintay niya muna akong makaalis. Pero ngayon… porque tinawag lang siya ng babae…
Napahampas ako sa dashboard. Lalong umusbong ang sama ng loob ko sa kanya.
May paligaw ligaw pa siyang nalalaman! Napairap ako sa hangin. Nag umpisa na akong magdrive ng mainit ang ulo ko. Tuwing may mag oovertake sa akin ay malakas akong nagbubusina. Doon ko binubuhos ang galit na nararamdaman ko.
Pero nang makauwi ako sa amin ng ligtas ay ngayon ko lang napagtanto na delikado pala ang ginawa ko. Dahil lang sa selos na nararamdaman ko ay ibubuntong ko ang galit ko sa daan. Paano kung nakasagasa ako sa init ng ulo ko? E ‘di may nadamay pa na inosenteng tao?
Ano bang nangyayari sa akin!? This love will make me die early!
Nanghahapo akong pumasok sa mansyon. Nadatnan ko na naghahain na sila sa aming dining kaya dumiretso na ako doon.
I kissed my parents cheeks. Pagkaupo ko ay galit na bumaling sa akin si daddy. Ngayon ko lang napansin ang mga itsura nila. Nakasimangot si daddy at mukhang problemado naman si mommy.
“Balita ko ay bumaba na naman ang grado mo nitong mga nakaraang araw. Stop disappointing me, Ellory. Alam mong ikaw lang ang aasahan ko sa kumpanya,” mariin na sabi ni dad.
Napayuko ako. I gripped my fork. I felt like my chest was stabbing a dinner knife multiple times. Nasaktan ako doon. Walang wala sa selos na nararamdaman ko kanina. Nahihirapan akong huminga.
Parang feeling ko… pinanganak lang ako para maging tagapangalaga ng kumpanya na alam ko sa sariling ko na… imposible. Dahil nag uumpisa pa lang ako ay nahihirapan na ako. Paano ang susunod pang mga araw? Gagapang na lang ba ako sa putikan para lang makagraduate? How about my personal life?
Ito ang dahilan kaya gustong gusto ko ng magkaroon ng sariling condo ay upang magkaroon ako ng peace of mind at makapag aral ng mabuti.
Nagkatinginan kami ni mommy. She nodded to me like saying that I should agree with dad… as usual hindi man lang niya ako pinagtanggol.
I sighed breathily. I need to relax.
Kaya mo ito, Ellory. Matagal ng ganito ang daddy mo kaya masanay ka na.
“Y-yes, dad. I’m sorry, I was just… preoccupied with something. I’m not going to let you down this time,” mababa kong sabi habang nakayuko. Paniguradong namumula na ang mata ko sa galit at lungkot.
“That is not enough! I need you to work harder!”
Napaayos kami ng upo ni mom ng sumigaw si dad. Nag aalala naman na hinawakan ni mom ang kamay ni dad at pilit niya itong pinapakalma.
Shit! Hindi ko na kaya. Tumulo na ang luha ko. Tumayo ako. Halos matumba ang upuan ko sa padabog ko na pagtayo. Nagulat si mom ng makita niyang umiiyak na ako. While dad is still stone cold. Never minding that I’m crying.
“B-but d-dad, how about me? How about my feelings? Hindi lang si kuya ang a-anak mo! Hindi mo siya kayang p-pilitin na magtrabaho sa kumpanya natin? Then stop pressuring me!”
“Ellory!” napatayo na si mommy sa galit sa akin dahil sa pag sigaw ko sa aking tatay.
Umiling ako. I felt so disappointed with my parents. Tinakbo ko ang distansya ng aking kwarto. Parang ulan na nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Narinig ko na tinawag nila ako upang bumalik at kumain pero hindi ko na sila pinansin.
Pagpasok ko ay hindi ko na nalock ang pinto. Basta ko na lang itong sinara at mabilis na tumakbo sa aking kama. Umupo ako at tinakpan ko ng dalawang palad ko ang aking mukha. Humagulgol ako ng malakas.
I'm tired. So f*****g tired of pretending that I’m okay! When the truth is, I’m not! I will be forever in the shadow of my brother. I feel like I owe them my life. Na dapat sundin ang lahat ng bagay na gusto nila. I will never be free in this lifetime.
“Ellory? Anak?”
Wala pang limang minuto na nag iisa ako ay lumapit na si mommy sa akin. Tumabi siya at niyakap niya ako galing sa aking gilid. Patuloy pa rin akong lumuluha sa palad ko.
“I’m sorry, anak,” napahinto ako ng mahimigan ko na nanginginig din ang boses niya. “Intindihin mo na ang daddy dahil may rason siya. Sa ngayon ay hindi mo pa pwedeng malaman dahil ayaw niyang ipasabi. Gustong gusto ko ng sabihin sayo dahil pareho kayong nahihirapan at hindi nagkakaintindihan. Pero magagalit siya kapag nalaman mo. Gusto niyang magkusa kang mag aral ng mabuti. Pasensya na, anak, heto lang ang magagawa ko para sayo.”
Hinaplos niya ang buhok ko. Tinanggal ko ang palad ko sa aking mukha ng maramdaman kong umiiyak siya sa aking balikat. Niyakap ko siya pabalik.
“You need to be brave for the future of our company. Let's pray that your kuya Ali will take over. For now, just do your best to make your daddy proud. I know that he's been pressuring you but… for the future CEO... you have to endure it.”
Tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Kung pwede lang ulit akong mabuntis muli ay ginawa ko na para hindi ka nahihirapan ng ganito. I'm so sorry, hija. Please don't hate your father. He loves you... natatakot lang siya na walang magpapatakbo ng kumpanyang iniwan sa kanya ng grandparents mo. Ito na lang ang natitirang alaala niya sa mga magulang niya.”
“I'm sorry, mommy. I understand now. Hindi ko na ulit sasagutin si dad.”
“Thank you so much, hija.”
Pagkatapos naming mag usap ni mommy ay umalis na siya upang kausapin din si daddy. Kahit na nanghihina dahil galing sa pag iyak ay naligo na ako upang makatulog na. Nawalan na din ako ng ganang kumain kaya magpapahinga na lang ako.
Nakahiga na ako ng magring ang telepono ko. Nagulat ako ng tumatawag si kuya sa akin. Himala!
Pero… napahinto ako at napaupo sa aking kama. Hindi siya basta basta na tatawag ng walang dahilan. Posible bang… alam niya ang nangyari kanina? Did my mom tell him that dad and I had a fight?
“Hello?”
“Ellory… I'm sorry…”
Napahigit ako ng hininga at muling naiiyak. Napakagat ako ng labi upang pigilan ang paghikbi. Dalawang salita lang ang binanggit niya pero ang bigat bigat. Alam kong mabigat din ang pinagdaanan niya at pareho lang kaming naiipit pero siya pa ang humingi ng tawad sa akin.
“It’s… okay, kuya,” nanginginig kong sabi. “Naiintindihan ko kayong dalawa ni dad. It’s just that Dad has been pressuring me lately. It’s suffocating me…”
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. “I promise. I’ll do everything that I can to help you. I want you to call me when you’re having trouble. Or when you’re… having a… boy problem…” mapait ang bulong niya sa huling salitang binanggit niya.
Natawa ako habang lumuluha. “I will, kuya. Don’t worry.”
“Ali?”
Napanguso ako ng marinig ko ang malambing na boses ni Seleena.
“Baby, I’m here…” sagot niya sa kabilang linya. “I gotta go now. Take care, okay? Call me…” mahina niyang sabi upang hindi marinig ni Seleena na may kausap siya.
“Yes, kuya. Thank you for this call…”
Napangiti ako at tuluyan ng gumaan ang pakiramdam. I wish genuinely happiness for my kuya. I hope that Seleena will take care of him. I hope that she can help him heal.