Marahan niya akong binitawan galing sa aming yakapan. Binuksan niya ang aking sasakyan at kinuha ang aking water bottle. Binuksan niya ito at inabot sa akin.
Tahimik akong uminom, nakaiwas ang tingin ko sa kanya dahil hindi kaya ang mainit niyang titig sa akin.
Pagkatapos ko na uminom ay kinuha niya ulit ang water bottle. Siya na ang nagsara nito.
Lumapit siyang muli sa akin at pinunasan ang aking luha. "You still have class. Hihintayin kita mamaya dito bago ka umuwi," seryoso niyang sabi sa akin na para bang kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago ang gusto niya.
Tumango ako. Bumuntong hininga siya. Napalingon ako sa kanya. Nagulat ako ng biglang bumaba ang mukha niya sa akin at mariin akong hinalikan.
"Let's go now…" kinuha niya ang bag at libro ko. Siya na din ang naglock ng sasakyan ko.
Napakagat ako ng labi at tahimik akong sumunod sa kanya. Kahit na naglalakad kami ay nasa akin pa rin ang tingin niya. Mukhang wala siyang pakialam kung madadapa siya basta hindi ako mawawala sa paningin niya.
Napanguso ako. Pinipigilan kong ngumiti. Nababaliw na yata ako. Parang kanina lang ay tinutulak ko siyang palayo pero ngayon naman ay kinikilig sa pagtitig niya sa akin.
Nang nandito na kami sa tapat ng aking classroom at hindi pa rin niya inaabot ang bag ko sa akin. Tiningala ko siya. Muntik na akong manghina dahil sa mapupungay niyang mga mata na nakatunghay sa akin.
"M-my bag…" pabulong kong sabi sa kanya.
Tumango siya na para bang naiintindihan niya pero halatang mabigat ang loob niya.
"Hihintayin kita mamaya…"
Tumango ako. Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya tumalikod at naglakad paalis.
Dahil nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya kanina ay naging active ako sa pakikinig sa mga professors ko. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.
Napansin din ni Aubrey ang pagbabalik ng kulay ng mukha ko kaya buong araw niya akong inasar. Excited na akong matapos ang klase. I miss him already. Damn.
Nang matapos ang huli naming klase ay ako ang pinaka unang lumabas.
Pero muntik na akong madapa ng makita si Marcus na nakahilig sa railings at matiyagang naghihintay sa akin. Nang makita niya akong nagmamadaling lumabas ay napaayos siya ng tayo. Umaliwalas ang kanyang mukha pero kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon.
Bumagal ang lakad ko. Nahihiya ako dahil… parang… ako ang mas excited na magkita kami.
Tumikhim siya ng makalapit na ako sa kanya. Hindi pa rin umaangat ang mukha ko dahil sa kahihiyan na nararamdaman.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kinuha niya ang librong hawak ko. Kumalabog ang puso ko ng yumuko siya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga.
"Missed me?" pilyo niyang tanong sa akin.
Napakunot ang noo ko. Nang umangat akonng tingin ay nakita kong may ngising nakalapat sa kanyang mukha. Halatang nang aasar. Inirapan ko siya at naunang naglakad paalis. Narinig kong muli ang malakas na halakhak niya kaya mas nilakihan ko ang hakbang ko. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin dahil basketball player siya at mabilis tumakbo. Kainis!
Pagdating namin sa parking ay humarap ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya. Siya na ang naglagay sa passenger seat ng mga gamit ko.
Napanguso ako dahil kumportableng kumportable siya sa sasakyan ko. Hindi ako galit, masayang masaya pa nga ako na parang inaangkin niya din ang mga gamit ko.
"Magre review tayo bukas. I'll text right after work…"
Tumango ako. "H-hindi ka na magiging busy?"
Umiling siya. "Hindi na… tinapos ko na lang lahat ng gagawin ko kaya ilalaan ko na lahat ng libreng oras ko sayo. Hope you won't get tired of my face lurking around you from time to time," nangiti at nag aasar niyang sabi.
Inirapan ko siyang muli. As if naman magsasawa ako dahil gustong gusto ko pa. Binuksan ko na ang pinto ko at pumasok na ako para pagtakpan ang ngiting gumuguhit sa aking mukha.
Umupo na ako. Nanatiling nakabukas ang pinto ko dahil hawak pa rin ito ng nakangisi at gwapong gwapo na si Marcus. Bakit ba parang ang saya saya nitong lalaking ito?
Inirapan ko siyang muli. "Aalis na ako…" kahit na sa totoo lang ay ayoko pa.
Napanguso siya. Nagpipigil ng ngiti. "Take care. Tatawag ako mamaya kaya sagutin mo," utos niya sa akin.
"Kapag hindi ako busy," pagpapakipot ko.
Napaayos siya ng tayo. Nawala na ang pang aasar sa kanyang mukha. "Hihintayin kong matapos ang gagawin mo. Hihintayin kong sagutin ang tawag ko. Saka lang ako matutulog kapag nakausap na kita."
Letse. Kumalabog na naman ang puso ko habang nakatitig sa kanyang seryosong mukha. Tumango lamang ako, nanghihina dahil sa seryoso niyang mukha. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong sagutin kaagad siya dahil sa pagkalabog ng puso ko.
"I'll answer your call… in my free time…"
He nodded. Dahan dahan niyang sinarado ang pinto ko habang hindi pinuputol ang aming titigan. Hanggang sa umandar na ang sasakyan ko ay nanatili siyang nakatayo.
Kagat kagat ko ang labi ko habang nagdadrive. Hindi mapigilang manginig sa kilig na nararamdaman ko. I'm hyperventilating inside. Damn you, Marcus! Damn you for making me feel this way.
True enough, pagkatapos kong magdinner ay tumawag siya sa akin. Ilang beses ko lang na pinagring pero hindi ko mapigilang sagutin.
Kinabukasan ay sinundo niya ulit ako sa parking at hinatid sa aking classroom. Maagang natapos ang klase ko ngayon kaya may oras ako upang mag retouch.
Nang makarating ako sa aming meeting place ay napahigit ang hininga ko ng makita siyang nandoon na. Hindi ako sanay na nauna na siya ngayon. Dati ay ako ang madalas na mauna sa amin dahil sa pagkabusy niya pero… ang sarap niyang titiigan habang seryosong nagbabasa ng libro habang matiyaga niya akong hinihintay.
Mahina akong tumikhim. Napalingon siya sa akin at kaagad na tumayo.
"Early dismissal?"
"Yes," sagot ko.
Kinuha niya ang bag at libro. Ipinatong niya ito sa lamesa. Marahan niyang hinila ang braso upang umupo na ako at mabilis naman siyang tumabi sa akin.
Sobrang lapit namin sa isa't isa. Nanuot sa ilong ko ang amoy niya. Muntik na akong napapikit sa bango niya.
Nag umpisa na kaming mag aral. Sa sobrang focus ko sa pagsagot sa seatwork na binigay niya ay hindi ko namalayan na nakapulupot ang kamay niya sa aking bewang at marahang humahaplos.
Napakagat ako ng labi, kunwari ay hindi ko pansin pero halos manigas ako ng nasa ilalim na ng dibdib ko ang kamay niya. Akala ko ay hahawakan niya ito pero nakaramdam lang ako ng disappointment ng bumaba ang kamay niya sa tiyan ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Akala ko ba nanliligaw lang siya? Bakit hinahayaan ko siyang humawak sa akin ng ganito? Hanggang kailan ba ako magpapakipot?