Marcus:
Good morning, Ellory.
Paggising ko ay nabungaran ko kaagad ang text niya. Malungkot ko lang na inilapag ang cellphone ko sa aking nightstand.
I washed up and ate breakfast with my parents before going to school. Kanina ko pa nakikitang nagtetext si Marcus sa akin pero hindi ko pa nirereplyan.
Nandito na ako sa parking lot. Sinubsob ko ang aking mukha sa manibela ng sasakyan at ilang beses na napabuntong hininga.
Nagdadalawang isip ako sa gagawin ko pero… ayoko ng ganitong sitwasyon. I think I'm clingy with him… but that's what I hate the most about with my ex flings. I mentally laughed at myself. It is true that you became what you hate.
Hindi ko alam na ganito pala ako ma-inlove. Para akong mababaliw. Gusto ko siya na palaging kasama at kausap. Ayoko sa tawag at text lang.
Siguradong magiging busy pa siya nito sa mga susunod na araw dahil mas marami pa ang mga school projects niya. Malu-lungkot lang ako.
Ayoko.
I deeply sighed again and took my phone out of my bag. I called him and said that we should meet here at the parking lot. He instantly agreed so I waited outside of my car where we were constantly making out.
Umiling ako at iwinaksi ko na iyon sa aking isipan.
Dumating siya at hinihingal pa galing sa pagtakbo. Pero kahit na may pawis sa kanyang mukha ay napaka gwapo pa rin nito.
I missed him so much but I need to stop this to protect ourselves. Magkakasakitan lang kami kung ipagpapatuloy namin ito dahil hindi ko maintindihan ang mga ginagawa niya.
"Hi," malaki ang ngiting iginawad niya. Lumapit siya sa akin hanggang sa isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.
Napaatras ako dahil naamoy ko ang bangi niya at parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Napansin niya ang ginawa ko. Napakunot ang noo niya sa pagatras ko kaya humakbang siyang muli palapit sa akin. Naalarma ako kaya intinaas ko ang isang palad ko upang pigilan siya sa muling paglapit sa akin.
Lalong napakunot ang noo niya.
Buong tapang ko siyang tinitigan. "G-gusto ko ng itigil ito…" nanginginig at halos pabulong kong sambit sa kanya.
Napahinto siya saglit at biglang tumigas ang kanyang anyo. "Ano?" sa hindi makapaniwala na tinig.
Alam kong narinig niya ako pero gusto niya lang ulitin ang sinabi ko. Hindi siya bingi at mas lalong hindi siya bobo para hindi maintindihan ang sinabi ko.
"A-ayoko ko na. Stop c-courting me…"
His features softened. When it finally sank in on what I'm telling about, I saw… horror in his eyes.
Napasinghap ako ng makitang unti unting kumalat ang pula sa kanyang mata. Sumakit ang puso. Para itong hinihiwa dahil sa natunghayan kong sakit sa kanyang mukha.
"Bakit?" paos niyang tanong sa akin.
Umiling ako. "I… I think I'm falling for you, Marcus. R-real… and hard…" lumunok ako upang mawala ang bumabara sa aking lalamunan. "H-hindi ko kayang maghintay sayo. H-hindi ko naiintindihan kung bakit ka b-busy palagi. And I know that my love for you will be toxic, it could ruin you…" unti unti ng namumuo ang luha sa aking mga mata.
Balak niyang lumapit sa akin pero kaagad ko siyang pinigilan. Napakagat ako ng labi upang pigilan ang paghikbi.
"Huwag ka munang lumapit. Hayaan mo muna akong magsalita…" pumikit siya ng ilang sandali at dahan dahan siyang tumango.
I bit my lower lip before resume talking. "Mababaliw ako kapag hindi ko man lang malaman ang ginagawa mo. Ayoko na. Please, itigil mo na ang panliligaw mo. Hindi kita sasagutin. Wala akong balak na sagutin ka. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mabaliw sa lalaki. I also have my priorities, so please, step back now and court another woman that has the same goals as you. And that's definitely not me. I'm becoming crazy about you. I don't like it. I'm scared…"
Akala ko aatras na soya pero hindi. Nanlaki ang mga mata ko ng mas lalo soyang lumapit sa akin at halos maipit na ako sa aking sasakyan.
He looked at me, tenderly. "I want that, Ellory. I want your crazy love…"
Nanlalambot ako. Tuluyan ng pumatak ang luha ko kaya nahihiya akong napayuko. Marahan niyang nilapat ang kamay niya sa aking panga at unti unti niyang inangat ang aking mukha.
Napakagat ako ng labi habang pinupunasan niya ang luha ko. Tinitgigan ko siya. Takot at pangamba din ang nababasa ako sa lanyang mukha.
"Nakakaramdam din ako ng takot na konting oras lang ang mailalaan ko para sayo. Pero kahit na natatakot ako ay lumalakas ang loob ko kapag naiisip kong magiging akin ka. Pangako kapag sinagot mo na ako ay gagawa ako ng paraan upang magkita tayo. Ilalaan ko ang lahat kong libreng oras para sayo…"
Hinawakan niya ang magkanila kong pisngi. Napanganga ako ng makita na lumuluha na din siya.
"Ikaw lang ang gusto ko. Kaya liligawan pa rin kita. Wala akong pakialam kung makulitan ka sa akin. Hindi ako titigil hanggat hindi mo ako sinasagot. Mahal kita, Ellory. Pasensya na sa mga nakaraang araw. Alam ko na nagkulang ako sayo. Pero pangako… babawi ako. Kaya hindi ko tatanggapin ang mga sinasabi mo," seryoso ang tinig niya.
"Pero…"
"No, Ellory. Stop pushing me away because I won't stop courting you."
Kinabig niya ako sa aking balimat palapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Tuluyan na akong sumuko at humagulhol sa kanyang dibdib.
Marahan niyang hinahaplos ang aking likuran habang hinahalikan ang tuktuk ng aking ulo.
"Paano kung wala akong balak na sagutin ka? Natatakot pa rin ako... k-kaya iba na lang ang ligawan mo dahil h-hindi tayo bagay. M-makakasira lang ako sa pag aarawl mo," I whispered bitterly to him.
Salungat ang mga sinasabi ko sa ginagawa ko. Dahil para akong nilalamon sa kumunoy ng apoy sa mga sinasabi ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanyang bewang. Takot na totohanin niya ang mga sinasabi ko sa kanya.
Inangat niya ang aking mukha at nangigigil niya akong hinalikan.
"Hindi mo ako pwedeng utusan kung sino ang dapat ligawan ko. Mahal kita… hindi ako titigil hanggang sa mapatunayan kong totoo ang nararamdaman ko sayo…"