Chapter 17

1300 Words
Kinabukasan ay ganoon ulit ang nangyari. Halos hindi na siya makapagtext o makatawag sa mga sumusunod na araw. Kapag may oras siya ay ihahatid niya ako sa may parking lot at naghahalikan ng ilang minuto. Palagi na lang ganoon at parang maliit na oras lang ang pinagkakasya namin sa pagkamiss sa isat isa. Mariin ang titig niya sa akin. Nakasandal ako sa aking sasakyan habang pinaglalaruan niya ang ibabang labi ko. Pareho kaming hinihingal sa malalim na halikan kanina. "Tatapusin ko ang lahat ng gagawin ko. Pagkatapos nito ay magdate tayo…" Dahil nahi-hipnotismo sa haplos niya ay tumango ako na parang sunod sunuran sa kanya. Nasa iisang school lang kami pero isang linggo na kaming hindi nagkikita. It frustrates me so much but I need to calm down. Naglibang na lang ako sa panonood kay Aubrey sa kanyang hilig na pagluluto habang nagrereview ako. Tuwing tumatawag si Marcus sa akin ay naeexcite ako pero pinipigilan ko ang sarili ko para hindi niya mahalata. Pero ngayon ay nakakaramdam na ako ng pagtatampo kaya hindi ko ito sinagot at hinayaan lang na nagri-ring ang telepono ko. "Oh, bakit ayaw mong sagutin?" tinaasan ako ng kilay ni Aubrey habang may hawak na wire whisk. Alam niya kung paano ako maexcite kapag tumatawag sa akin si Marcus pero ibang iba ngayon. Nagkibit balikat ako at muling tumingin sa aking nire-review. "I don't know. I don't feel like answering him," malungkot kong sabi. "Nagtatampo ka ba sa kanya?" "Hmm…" iyon lamang ang nasagot ko. Hanggang sa paghiga sa aking kama ay patuloy ang pagring ng cellphone ko. Napakagat ako ng labi at pinilit na huwag umiyak. This is the first time that I ever felt that I'm lonely. Gusto ko na siyang makasama. Na para bang siya lang ang makakapawi ng lungkot ko. Binasa ko ang kanyang text. Marcus: Baby, tapos ka ng bang kumain? Marcus: Baby, I'm done with school work today. How are you? Marcus: Ellory. Kinabukasan ay hindi na siya tumawag sa akin. Nakaramdam ako ng konting pag aalala. Kanina pa ako silip ng silip sa cellphone ko pero wala talaga siyang tawag o kahit text man lang. Habang nasa klase ay hindi ako mapakali. I want to see him right now. I miss him so much. Kaya pagkatapos ng pangalawang subject ko ay nagmamadali akong pumunta ng kanyang classroom. I'm ignoring his calls and texts pero ako ang unang susuko at hindi makatiis na makita siya. Nang makarating ako sa kanyang classroom ay dahan dahan akong sumilip sa bintana. Napakagat ako ng labi ng nakita siyang nagrereport sa harap. Nag init ang magkabila kong mata dahil sa pangungulila sa kanya. He looks so handsome. So dreamy. Ilang minuto ko siyang tinitigan. Nang nagsilabasan ang mga estudyante sa kabilang classroom ay kaagad akong tumalikod at naglakad paalis. Nakakahiya at baka makita nila akong naglalaway sa lalaking nag rereport sa harap. Pumunta ako sa tambayan naming dalawa. Umupo ako doon at nag isip. Wala ako sa mood upang pumasok sa susunod na klase. Naalala ko ang itsura niya kanina. He's so passionate about his studies. Imbes na kabahan siya sa harapan ay confident siyang humarap sa mga panels na para bang handa siya sa lahat ng tanong na ibabato. Seryoso siya sa kanyang pag aaral pero… ako nama'y nandito at nakatunganga habang iniisip siya. Hindi kami bagay. Hindi ko maintindihan kapag naging kami na at ganito pa rin ang sitwasyon namin. Sumasakit ang puso ko sa iniisip ko. Malalim akong napabuntong hininga. Napadapo ang kamay ko sa aking pisngi at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Dahil sa frustration ay mahina kong sinisipa ang paa ng lamesa. Bakit parang ako ang nanliligaw sa kanya? Bakit ba parang ako ang naghahabol? Kung wala siyang oras sayo, Ellory, intindihin mo siya dahil graduating na siya. Bulong ng isip ko. Pero paano kung kami na? Ganito din ba? Bago pa ako mabaliw sa kakaisip sa mga tanong ko ay umalis na ako. Wala din naman akong mapapala dito, ang mahalaga nasilayaan ko na siya at nakitang okay siya. Hindi ako pwedeng kumapit sa kanya na parang tuko dahil ang dami niyang ginagawa. Tama na ang pag iisip sa kanya. Masyado siyang busy para isipin niya ako kaya lalayo na lang ako. Tinulog ko ang kalungkutan na nararamdaman ko. Nagising lang ako sa pag ring ng aking telepono. Alas tres na pala ng hapon. Nakalimutan ko ng magluch. Naka 50 missed calls na siya at naka 30 text. Hindi na ba siya busy ngayon? Dahan dahan akong umupo sa aking kama at sinagot ang kanyang tawag. "Hello, Ellory? Hindi ka ba pumasok sa klase mo. Nasaan ka? Nakauwi ka na ba?" sunod sunod niyang tanong pagkasagot ko ng kanyang tawag. "Oo kanina pa…" mahina kong sabi. He exhaled sofly. "Baby, are you okay?" Mariin kong nilunok ang bumabara sa lalamunan ko. "I'm fine…" "You sound like you're not fine to me…" "Ayos lang talaga ako. Ikaw? Kamusta ang defense mo?" "Paano mo nalaman?" "Pumunta ako sa classroom mo kanina…" Napahinto siya saglit at nagbitaw ng mahinang mura pagkatapos. "You did?" malambing niyang tanong. "Uhm…" "I'm sorry…" "Ayos lang. Sige na, bukas na lang tayo mag usap. Mag ingat ka sa pag uwi mo. Bye…." I put down my phone and my tears continuously dropped. I don't know but it makes me sad knowing that we are like this. I don't want this kind of relationship. I feel like I'm clinging onto him. This is bad for the both of us. Hindi pwedeng manghingi ng oras sa kanya dahil marami siyang kailangang gawin. Hindi ko pwedeng ipilit ang nararamdaman ko dahil… hindi ako ang priority niya. Napahiga akong muli sa aking kama at patuloy na umiiyak. Nang mahimasmasan ay bumaba ako upang kumain. Mabuti na lang ae wala ang mga magulang ko kaya hindi nila kita ang pamumugto ng mata ko. Tatlong ang nakalipas at muli siyang tumawag. Hindi ko ito sinagot. Ibababa ko na ang cellphone ko pero bigla siyang nagtext. Nagulat ako kaya biglang napaahon sa pagkakahiga. Marcus: Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Naalarma ako. Hindi alam ang gagawin. I slightly peeped through my window and I was shocked that he was really there! Gabing gabi na, dapat ay nagpapahinga na siya. Nagtext siyang muli at halos hindi na ako makahinga. Kinakabahan at naeexcite. Marcus: Tulog ka na ba? Hindi ako nagreply. Naupo ako sa aking kama at nag isip ng gagawin. Marcus: I'm sorry I didn't call earlier. I have to go to work now so I can have my day off tomorrow. I'm just staring at his text. Still didn't reply. Marcus: Pwede ka bang sumilip sandali sa bintana mo? I want to see your face, please? Napakagat ako ng labi. Naisipan kong magreply na. Ellory: It's late, Marcus. Go home now and we'll talk tomorrow. I coldly replied to him. After a few minutes he replied. Marcus; Okay. Pauwi na ako. Hindi ko na siya muling natiis kaya tumayo ako. Sinilip ko siya at nakita ko siya na nakahelmet na at pasakay na ng motor. Nang makita niyang nakadungaw na ako ay tinanggal ulit nito ang kanyang helmet at tumawag siya sa akin. Kaagad ko itong sinagot. "Aalis na ako…" aniya habang nakatingala siya sa kinaroroonan ko na para ba akong aparisyon. Willing to pray. Willing to kneel. Hindi ako sumagot. Nantili siyang nakatingala sa aking bintana habang naghihintay ng sagot ko. Kinagat ko ang labi ko upang pigilang magsalita. Narinig ko ang mabigat na buntong hininga niya. "I'll go now. It's late, matulog ka na. Goodnight, Ellory. See you tomorrow. I love you…" Sumikip ang dibdib ko ng binaba niya ang telepono. Muli siyang tumingala sa akin bago niya pinaandar ang kanyang motor paalis. He roared his motorbike. Taimtim akong nagdasal na sana maging safe ang pag-uwi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD