Nirereview ko ang ibang subject ko kung saan ako nahihirapan ng umilaw at nag vibrate ang cellphone ko.
Unknown number:
This is Marcus. Every Monday, Tuesday and Saturday, I'm available 5-10 pm onwards. How about you?
Napakagat ako ng labi at sandaling inisip ang schedule.
Ako:
6-7pm every monday and tuesdays, 6-9pm on saturday. Is that okay?
I saved his number while waiting for his reply.
Marcus:
Okay.
I put it on my notes so that I won't be able to forget it. Hindi na ako nagreply at ipinagpatuloy ko na ang pag aaral pero naramdaman kong muli na nag vibrate ang cellphone ko.
Marcus:
What are you doing?
Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti.
Ako:
Studying.
Marcus:
Okay. Focus on your study. Goodnight.
Ako:
Goodnight, my tutor ?
Napangiti na ako. Nang masulyapan ko ang notebook ko ay napabitiw akong ng cellphone ko. f**k! I need to stop flirting and study for real.
I bit my lip when I realized something. He's flirting, huh? Parang may gumagapang sa tiyan ko at kinikiliti ako.
I got my Italian beauty in my father's genes. Nasanay na ako sa mga lalaking pasimpleng nag f-flirt. Sinasabayan ko lang sila but not all the way. I always made sure that I drew the line. Kapag lumagpas na sila, goodbye. I don't want to be in a relationship pa. Boys are a distraction to me. I just play with them when I'm bored.
Marcus:
Study now, miss makeup. See you tomorrow.
Napanguso ako at nakaramdam ng pagkalabog ng puso ko. s**t! It's just a simple text from Marcus and it enters my nervous system. This is bad. This is so.. bad.
My types are half-pinoys, mas gwapo at may dating pero.. ibang iba si Marcus. He's pure Filipino and his skin color makes him so.. damn hot.
Napangisi ako habang nakatingin sa notes. Hindi naman siguro masamang makipag landian sa kanya. I just want to have a little fun.. baka mabaliw lang ako kaakaaral.
Kinabukasan ay excited akong pumasok. I don't f*****g know why..
Magana akong kumain. Pumasok na ako pero nanghina na naman ako ng hindi ko talaga maintindihan ang ibang subjects, hindi ako nakakasunod sa kanila. Nayayamot kami ni Aubrey dito sa upuan. She was also forced to take this course because our parents had the same line in business
Fuck! Hindi pwede 'to..
Hapon na at drain na drain na akong umupo sa may benches sa likod ng building namin. Mahangin dito at sa tingin ko ay sinadya nilang maglagay ng upuan dito para makapag relax ang mga estudyante dahil stressful ang engineering.
Nag vibrate ang cellphone ko at tamad kong kinuha sa bulsa ng aking blouse.
Marcus:
Are you free now?
Napaayos ako ng upo. Dali dali kong kinuha ang makeup ko at nag retouch. Nireplyan ko siya at sinabing oo at kung saan ang lugar ko.
Napangiti ako ng makita ko siyang papalapit na. Nakita ko si Aubrey na nakangisi habang nakatingin sa amin. Naghihintay din siya ng tutor niya. Kinindatan ko lang siya at napa hagikhik agad siya.
Tumabi na sa akin si Marcus at nalanghap kong muli ang kanyang natural na amoy. I love his smell. It's so manly and so addicting. Napakagat ako ng labi para para pigilan ang pag ngiti.
"Sinong kinindatan mo?" Tanong niya habang binubuklat ang libro at notes. Napanguso ako dahil nakita niya pala yun. Gusto ko sana siyang biruin kaso, baka mapikon siya. Mukha na siyang iritado habang hinahanap ang lesson namin.
"Ha.. Ah si Aubrey, bestfriend ko."
Tinuro ko kung nasaan si Aubrey at kasabay nun ang pagdating ng tutor niya.
Bumuntong hininga siya at tumango. "Okay.. Let's start?"
Nakangiting tumango ako sa kanya. Nag explain siya ng mga problem at namangha ako dahil mas naiintindihan ko siya kaysa sa mga professors ko. Am I being biased? Dahil gwapo, hot at matipuno ang katawan ay nakakapag concentrate ako sa mga lesson namin? Well, I'll be damned.
"Oh my gosh.. I get it now. You're such a good teacher, Marcus." I almost kneel to him.
He smirked playfully. "Really? Okay, then.. solve this now."
Tumango ako at agad na kinuha ang papel. Sa sobrang concentrate ko sa ginagawa ko ay hindi ko namalayan na nakatitig siya sa akin. Napaangat lang ako ng tingin ng naramdaman ko na bumigat na ang titig niya.
"Why?" mahina kong tanong.
"Nothing," he replied shortly.
Napanguso ako at agad na bumalik na sa sinosolve. Napasinghap ako ng natapos ko. Lumiwanag ang mukha ko at agad na kinuha ni Marcus para icheck.
Tumango tango siya. "You get it now.."
"Yes!" Napataas ako ng kamay sa tuwa at napayakap ako sa leeg niya. "Ang tagal kong pinag aralan yan kagabi. Ikaw lang pala ang makakapagturo sa akin!" humigpit ang yakap ko sa kanya at hindi ko napigilan ang sarili kong amuyin ang leeg niya. Nanigas ang kanyang katawan pero agad ding nakabawi.
Guminhawa ang pakiramdam ko at nahimasmasan ako ng naramdaman ko ang dalawang palad niya sa aking magkabilang bewang.
"You're that happy, huh?" nakangising bulong nito sa akin. Tumaas ang balahibo ko ng naramdaman ang kanyang labi sa aking tenga.
Dahan dahan akong bumitaw sa kanya at nagititgan kami ng ilang sandali. No one dared to look away. We just looked at each other's eyes. Nakita kong gumalaw ang kanyang panga at napalunok siya ng ilang beses. Bumaling ang mata ko sa kanyang mapupulang labi. Tumaas ang balahibo ko ng dumaan ang kanyang dila sa ibabang labi. Nabasa ito at lumitaw ang pagkapula.
Napanganga ako at biglang natuyo ang lalamunan ko.