Chapter 1

917 Words
Araw araw ay pare-pareho lang ang nangyayari sa buhay ko. School, assignments, paperworks... I can't even socialize anymore. Dumaan ako sa classroom ni kuya upang ibigay sa kanya ang report sa planta para gawin niya mamaya dahil utos ni Dad. Hindi ko na siya tinawagan dahil tinatamad na ako. Nasa iisang floor lang naman ang classroom namin kaya hindi na ako nag abala pa. "Kuya... oh! Pinapabigay ni Dad. Tapusin mo daw mamaya." Napakamot siya ng batok at tumango. "Okay.. dala mo ba sasakyan mo?" "Oo, bakit?" "Baka sumabay na ako sayo." "Okay... tawagan na lang kita." "Sige... alis na," pangtataboy niya sa akin. Napasimangot ako. Tatalikod na sana ako pero nabunggo ako sa isang lalaking malapad ang katawan. Nanuot ang natural na amoy nito sa ilong ko. Napahawak ako sa mukha ko dahil nabahiran ng kaunting foundation ang kanyang puting polo. Unconciously, pinagpag ko agad ito kahit na hindi ko naman siya kilala. Inayos ko na din ang kanyang collar ng napansing kong hindi nakaayos ito. "I'm sorry, hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko..." Umalis na ako pagtapos ng sinabi ko. Hindi ko na din tinignan ang mukha niya dahil wala ako sa mood. Nakakainis si kuya. Hindi ko siya malapitan ng gusto ko sa achool. Kapag nahihirapan ako sa mga subjects ko ay magpapatulong ako kapag nasa planta lang siya. Ayaw niyang tumatawag ako kapag nakauwi na siya. Walang nakakaalam na magkapatid kami dahil ayaw niyang kumalat. Takot siyang paalisin ng mga Alcazar sa mansyon na tinitirahan niya. And I definitely know what's the reason. Second period na namin ngayong hapon. Dumating na ang proffesor namin at kaagad na umayos sa upuan ang mga classmates ko. "Alam kong madaming nahihirapan sa subject ko kaya nagrequest ako ng mga scholar students na turuan ang mga bumagsak sa prelims." Nanlumo ang ibang kalase ko at isa na din ako doon dahil hindi ako nakapasa sa prelims niya. Napabunting hininga ako. Kasalanan ni Kuya Ali ito! Kung pinayagan niya lang akong makipag video call sa kanya gabi gabi ay baka nakapasa pa ako. "Albama, Bautista, Dominguez, Garcia, Greco, Pangilinan, maiiwan kayo pagtapos ng klase. Ako ang mag aassign sa inyo ng turor niyo. 5 hours every week lang naman para hindi maubos ang oras niyo." Tumango kami at siniko ako ni Aubrey. "Sana pogi ang tutor." mahinang bulong niya sa akin. Napangisi ako at tumango. "Mas nakaka inspire kapag pogi.." Nagtawanan kami ng mahina at nakinig na. Natapos ang klase namin ay naghihintay na kami dito sa open field para mipakilala ang mgagiging tutor namin. Mild introduction lang dahil maggagabi na. Kaylangan lang namin kilalanin ang isa't isa ngayon para makapag umpisa na bukas. Dumating na isa-isa ang mga senior na scholar students. Nagkukwentuhan lang kami ni Aubrey sa isang gilid ng tawagin na kami ni Sir Lopez. "Greco, dito ka kay Santiago..." Tumango ako at linapit sa tinuro ni Sir. Gosh! He's hot. "Ellory..." sabay abot ng kamay ko sa kanya. Tinignan nito ang kamay ko at ngumisi. "Marcus. Nice to meet you, Miss Make up.." "Ha?" nabulol ang utak ko dahil hindi nagprocess ang sinabi niya. Nadistract ako sa lalim ng bigat ng boses nito. "We bumped with each other earlier... you don't remember?" Nanlaki ang mata ko."Oh! It was you!" "Yeah..." Napakagat ako ng labi at napatitig sa kanya. He's so damn good looking. Gosh! Crush ko na agad siya.. Umiwas na ako ng tingin bago pa siya makahalata. Bumaling ako kay Audrey na masayang nakikipagkuwentuhan sa magiging tutor niya. "So guys! Okay na? Gusto ko after ng midterms ay makita ko ang result ng pag aaral niyo. Hanggang finals kayo magsasama kaya... magtiis kayo sa isa't isa. Goodluck and mauuna na ako sa inyo. Umuwi na din kayo... bye!" "Bye sir!" Kumaway kami bago siya makalayo. Napabuntong hininga ako at humarap ulit kay Marcus na nakatitig na pala sa akin. "So... what would be our schedule?" Inabot nito ang kanyang cellphone sa akin. Hindi ito outdated pero hindi naman brand new. "Put your number here..." Agad ko itong kinuha at tinipa ang number ko. "So... mauuna na ako." Tumango ito at seryoso pa din na nakatingin sa akin. Kumaway ako sa kanya at sabay na kaming umalis ni Aubrey. Tinawagan ko na si kuya at pinaghintay pa niya ako ng 30 minutes. "Tara na.." Binato ko sa kanya ang susi. "Ikaw mag drive..." sabay belat sa kanya. "Tss! You're so f*****g mature, Ellory..." he sarcastically said. "Bakit mas mature ba si Seleena?" natatawa kong tanong habang nag uumpisa na siyang magmaneho. "Shut the f**k up before I scratch you're f*****g car!" "Subukan mo lang! Lalapitan ko si Seleena at sasabihin ko sa kanya na girlfriend mo ako!" "Dammit!" sukong bulyaw niya. Tumawa ako ng binagalan na niya ang pag andar ng sasakyan. That got you, huh? Paghatid ko sa kanya sa planta ay mabilis din akong umalis. Malapit lang naman ang planta sa amin kaya madalas na makisabay sa akin si Kuya. "Balita ko bumgsak ka sa Calculus? Anong nangyari, Ellory?" tanong sa akin ni Dad. He look upset because he won't even glance at me. Napalunok ako ng kinakain ko at agad na nanghina. "I'm sorry, Dad. Medyo nag aadjust pa ako.." "Bumawi ka sa midterms.." "Yes, Dad.." Tahimik na kaming kumain. Halatang wala sa mood si daddy kaya hindi na din nagsalita si mom. I kissed them goodnight before going upstairs. Naligo ako at nagbihis. Tinignan ko ang orasan at may dalawang oras pa ako para mag aral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD