Chapter 15

1223 Words
Habang nagbibihis na ako sa kanyang banyo ay mabilis din siyang nakapagbihis. Paglabas ko ay naabutan ko siyang nagpapalit ng kanyang bedsheet. Bago kami lumabas ay nag spray siya sa kanyang kwarto upang mawala ang amoy ng ginawa namin kanina. Tahimik akong nakaangkas sa kanyang motor. Kapag may traffic light ay malambing niyang hinahaplos ang hita ko kaya mas lalong humihigpit ang yakap ko sa kanya. Pagdating namin sa parking ng school ay nauna akong bumaba at nagtanggal ng helmet. Nanatili naman siyang nakaupo habang tinatanggal din ang kanya. Nakatitig siya sakin habang ginagawa niya iyon. "So basically, we're on, right?" Napahinto siya at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Nang makarecover siya ay napangsi siya at umiling. "Hindi pa…" Napaayos ako ng tayo. "Ha? Bakit naman? We almost did it pagkatapos ay hindi pa rin tayo?" Inabot niya ang kamay ko at marahang minasahe upang kumalma ako. "Not yet, baby… iyon pa lang ang naranasan mo sa akin. Kilalanin mo muna akong mabuti para hindi ka magsisi…" seryoso niyang sabi. "But, I know you now…" desperado kong sagot. Damn, Ellory! Ikaw ba ang nanliligaw? Shit talaga! Nakakalimutan ko ang pride ko pagdating sa kanya! "Hindi pa muna ngayon, masaya ka lang kasi naranasan mong makipag makeout sa akin." Tumayo na siya at tumitig sa akin ng seryoso at mariin. "Gusto ko… sasagutin mo ako kapag… mahal mo na ako. Gaya ng nararamdaman ko sayo…" Napalunok ako at napanganga sandali upang humagilap ng hangin dahil parang naiipit ang paghinga sa dibdib ko sa lakas ng t***k ng puso ko. "I… think I'm falling now…" He was taken aback. He was shocked for a second but he managed to cover it. "Kapag sigurado ka na… hindi ako nagmamadali. Kaya kong maghintay… hmm?" malambing niyang sabi habang marahan niyang hinahaplos ang ibabang labi ko. Kung wala lang kami sa parking ay nahalikan ko na siya. Tumango ako at naliwanagan ng kaunti dahil sa sinabi niya. "O-okay…" Hinatid niya muna ako sa aking classroom bago siya pumunta sa kanyang klase. Ang ganda ng ngiti ko hanggang sa mag uwian na. Hindi ko makalimutan ang ginawa namin. It makes me blush whenever I think about his kisses, his touch and his… hard thing. Focus, Ellory! You're driving now for goodness sake! Baka masagaan ka dahil sa kahalayaan mo! Kanina ay hinatid niya ako sa parking lot ay hinalikan niya ako ng mariin pero mabilis. Halatang nagpipigil siya dahil alam niyang bibigay talaga ako sa mga halik niya. After I had dinner ay umakyat na ako sa taas to wash up. Nagdadalawang isip pa nga ako kung magsha-shower pa ako dahil gusto kong mag stay ang amoy ni Marcus sa akin. But I suddenly remembered that we rode his motorcycle and the dust was all over my body. Saktong paglabas ng aking bathroom ay tumatawag siya sa aking cellphone through video call. I answered his call immediately. "Hi!" "Nag dinner ka na?" "Yeah… ikaw?" nilapag ko sa dresser ko ang phone ko paharap sa akin upang makapag blower ako ng buhok habang nakikita siya. Malalim siyang napabuntong hininga ng nakitang naka-sleepwear lang ako. Nakalabas ng kaunti ang pisngi ng dibdib ko at bakat ang n*****s ko. "Tapos na din…" aniya pagkatapos jiyang titigan ang hinaharap ko. Napakagat ako ng labi para maiwasang mapangisi. Hindi na ako nagsalita dahil hindi niya din naman ako naririnig dahil sa tunog ng blower. Pareho kaming tahimik. Nakatitig lang siya sa akin habang nakatingin ako sa aking salamin. Pagkatapos ko ay humiga na ako habang nakaharap sa akin ang cellphone. Humiga na ako. Iniwan kong nakabukas ang aking bedside lamp upang makita ako ni Marcus. Nakatagilid siya ng higa at nakatitig pa rin siya sa akin. "Anong oras ka matutulog?" I asked after yawning. "Kapag matutulog ka na." he brushed his hair. Halatang kaliligo niya lang din dahil ang fresh ng itsura niya. I can't help but stare at him too. "Hmm… ang gwapo mo…" Mahina siyang humalakhak. "Really? Crush mo na siguro ako?" he asked playfully. "Yeah," I answered without hesitation. "Damn," mahina niyang mura. I giggled a little. Pumipikit pikit na rin ang mata ko dahil sa pagod. . "Sleepy?" malambing niyang tanong. "Hmm…" iyon lamang ang nasabi ko at unti unti na akong nakatulog. "Good night, Ellory. Sweat dreams… I love you…" Kinabukasan ay naabutan ko ang parents kong nag aalmusal. "Mom, Dad! Look at my grades…" Tumango tango si Dad habang hawak ang report card ko. He looked so impressed. Ang laki kasi ng itinaas ng grado ko kumpara noong nakaraan. "So… Can I have a condo now?" nanlalambing kong tanong sa aking ama. He took a deep breath. He looked at my mother for approval. Tumango ng kaunti si mommy habang sumusubo ng pancake. "Give me a week to think about it…" I shrieked in happiness! Niyakap ko silang dalawa. Okay na ako sa sagot ni Dad at least he didn't shut my idea out. I checked my phone before akong mag drive papunta sa school. Napakunot ang noo ko dahil wala akong text na natasanggap kay Marcus. Imposible na tulog pa siya dahil maaga ang klase niya. Normally, he would text me when he woke up or when he's on the way to our school. Nagkibit balikat na lang ako. Masigla akong nag aral buong umaga pero nanlumo ako ng wala pa ring natatanggap na text mula sa kanya. Is he really that busy? Umiling ako. Ayoko naman na ako ang unang magtext sa kanya pero maya't maya ang pagsilip ko sa aking cellphone. Nakakaramdam ako ng inis ng hindi man lang siya nagpaparamdam kahit isang text o kahit isang good morning lang! Aubrey and I are eating in a restaurant near our school. Madalas na kaming kumalabas kapag lunch time dahil gusto niya daw itry ang mga pagkain sa iba ibang restaurant. I was lazily chewing my food when my phone vibrated. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Marcus ang tumatawag! Kaagad akong ang excuse kay Aubrey at pumunta sa patio ng restaurant. I cleared my throat before answering. I don't want him to hear that I was excited for his damn call! "H-hello?" "Hi! Nag lunch ka na?" "Yes… Naglalunch na kami ni Aubrey. Ikaw?" "Maglalunch pa lang…" Nakita ko ang oras sa aking wrist watch at mag aala una na. "What? Bakit ngayon ka pa lang maglulunch?" "I was busy preparing my thesis for my defense on monday. Nasaan ka ngayon?" "We are in a restaurant. Matatapos na din kami at babalik na kami sa school dahil may klase pa." "Take care, okay?" "Yeah, ikaw din at… kumain ka na ng lunch mo…" and don't forget to text me. Gusto mo sanang idagdag ang iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa kami kaya wala akong karapatan na utusan siya. "Yes… bye…" "Bye…" Sa simpleng tawag niya lang ay gumaan na ang loob ko. Napatingin ako sa aking cellphone at napakagat ng labi. Ayaw niya pa na sagutin ko na siya kahit gustong gusto ko na. Paano ko ba malalaman kapag mahal ko na siya? Mahal ko na ba siya? Or is it just infatuation dahil nagagwapuhan ako sa kanya? Or is lust? Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Kung mahal ko na siya... parang... nakakatakot dahil... parang... kaya kong ibigay ang lahat sa kanya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD