bc

Yearbook (R-18)

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
dark
BE
tragedy
campus
like
intro-logo
Blurb

DAHIL SA KUMALAT na video scandal, bigla na lang nawala na parang bula si Aimee Acidera. 'Ni Isa sa mga kaibigan nito ay walang nakakapagsabi o nakakaalam kung saan na nga ba ang dalaga, at kung ano na ang nangyari sa pinagbubuntis nito.

Pero limang taon ang lilipas, isa-isang makakatanggap ng mystery box ang may kinalaman sa pagkawala ni Aimee. Kalakip sa kahon na iyon ang isang katanungan...

"Are you willing to take a Risk for the Stranger's Challenge?"

Sampung tauhan na may sampung iba't ibang laro ang ihihanda para sa kanila. Ikaw handa ka bang tanggapin ang hamon ng isang estranghero?

chap-preview
Free preview
Aimee Acidera
AIMEE'S POV MAHAL NA MAHAL KO SI JAMES. Oo, alam kong masyado pang maaga para sabihin iyon, lalo na't pareho pa kaming eighteen years old. Pareho rin kaming kasalukuyang nasa graduating year ng Senior High School. Marami pa kaming pangarap na gustong abutin at napakarami pang bagay na kailangan naming matutuhan tungkol sa buhay. Pero sa kabila ng murang edad namin, sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko, siya na ang lalaking itinadhana para sa akin. Siya ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. At kung ako lang ang tatanungin, hindi ko kailanman pagsisisihan na minahal ko siya. Si James Ramos ang unang lalaking nagparamdam sa akin kung paano ang tunay na magmahal. Siya ang taong nagbibigay sa akin ng dahilan para ngumiti kahit sa mga panahong pakiramdam ko ay napakabigat ng mundo. Sa tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko. Para bang walang ibang mahalaga kundi ang mga sandaling magkasama kami. Pero kahit gaano ko man siya kamahal, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kapag naiisip ko ang tunay na kalagayan naming dalawa. Malaki ang agwat ng estado ng buhay namin. Maliit pa lamang ako ay namamasukan na bilang kasambahay ang Nanay ko sa pamilya nila James, ang pamilya Ramos. Matagal na kaming naninirahan sa poder nila, at kahit hindi kami magkadugo, tinanggap nila kami sa kanilang tahanan matapos pumanaw ang Tatay ko. Dahil doon, alam kong hindi magiging madali ang pagmamahalan namin ni James. Paano kung malaman ng pamilya niya ang tungkol sa relasyon namin? Paano kung hindi nila ako tanggapin? Paano kung ituring nila akong isang babaeng walang karapatang mahalin ang isang tulad niya? Hindi naman ako ipinanganak na mayaman. Wala akong maipagmamalaking apelyido o malaking ari-arian. Ang tanging mayroon ako ay ang pagmamahal ko sa pamilya ko at ang pangarap na balang araw ay mabigyan ko sila ng magandang buhay. Kaya naman napagkasunduan naming ilihim muna ni James ang relasyon namin. Ayaw naming magkaroon ng problema, lalo na't alam naming hindi magiging maganda ang magiging reaksyon ng pamilya niya. Ilang buwan din naming naitago ang aming relasyon. Ilang buwan kaming nagkita nang palihim, nagpalitan ng matatamis na mensahe, at naghanap ng pagkakataong makapag-usap kahit sandali lamang. Masaya ako sa piling niya. Akala ko, iyon na ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Hindi ko akalaing isang araw ay may mangyayaring tuluyang magbabago sa takbo ng buhay naming dalawa. "Positive!" Iyon ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa isip ko habang nakatitig sa pregnancy test na hawak ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Dalawang guhit. Dalawang malinaw na guhit na para bang nagsisilbing hatol sa buhay na pinangarap kong maging maayos. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang maliit na bagay na iyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, umaasang kapag muli akong dumilat ay magbabago na ang resulta. Baka nagkamali lamang ako ng basa. Baka sira ang pregnancy test. Baka panaginip lang ang lahat. Pero nang muli kong imulat ang mga mata ko, naroon pa rin ang dalawang guhit. Positive. Buntis ako. Napahawak ako sa bibig ko upang pigilan ang hikbi. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa loob ng cubicle ng comfort room. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lakas ng mga tuhod ko. "Aimee..." Mahinang katok ang narinig ko mula sa pintuan. "Aimee, hindi ka pa ba tapos diyan? Ano na ang resulta?" tanong ng kaibigan kong si Danica. May halong pag-aalala ang boses nito. "I-Ito na..." kinakabahan kong sagot. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago inilagay sa bulsa ng palda ko ang pregnancy test. Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto. "Ano? Ano'ng resulta?" agad na tanong ni Danica. Hindi ko agad ito nasagot. Sa halip, napayuko na lamang ako at muling naramdaman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. "Aimee?" mahinang tawag nito. Aktong sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng comfort room. Napalingon kami at kapwa natigilan nang makita ang dalawang estudyanteng pumasok. Sina Kathleen at Christine. Si Kathleen ang kasalukuyang Student President ng paaralan namin, samantalang si Christine naman ang pinsan nito. Pareho silang kilala sa buong university, lalo na si Kathleen na anak ng isang makapangyarihang politiko sa aming bayan. Mabilis kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa at tiniyak na hindi nila makikita ang pregnancy test. "Ano'ng mayroon?" usisa ni Christine habang salit-salitan kaming tinitingnan ni Danica. "W-Wala," kinakabahang sagot ng kaibigan ko. "Masakit kasi ang tiyan niya! Hindi ba, Aimee?" Napatingin ito sa akin na para bang hinihintay ang pagsang-ayon ko. "O-Oo," pagsakay ko na lamang sa kasinungalingan nito. "Talaga? Gusto mo bang samahan ka namin sa clinic?" agad na alok ni Kathleen. "Ay, hindi na!" mabilis kong tanggi. Napatingin ako kay Danica, na agad namang nakaunawa sa gusto kong ipahiwatig. "O-Oo. Ako na lang ang sasama sa kanya. Huwag na kayong mag-abala," mabilis nitong sagot. "Sigurado kayo?" tanong pa ni Christine. "Oo naman," nakangiting tugon ni Danica. Ngumiti rin si Kathleen bago tuluyang pumasok sa isa sa mga cubicle kasama si Christine. Nang makitang hindi na kami pinapansin ng dalawa ay agad akong napabuntong-hininga. "Halika na nga," bulong ni Danica habang hinihila ako palabas. Si Danica ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko sa paaralan. Siya rin ang unang nakaaalam tungkol sa relasyon namin ni James. Sa kanya ko unang ipinagtapat na lihim kaming nagmamahalan ng anak ng among pinaglilingkuran ng Nanay ko. At ngayon, siya rin ang unang nakaaalam sa problemang kinakaharap ko. Mabait si Danica. Hindi niya ako hinusgahan kahit noong una kong ikinuwento sa kanya ang tungkol sa amin ni James. Sa katunayan, siya pa ang nagprisintang bumili ng pregnancy test para sa akin nang sabihin kong ilang araw nang hindi dumarating ang buwanang dalaw ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko ngayon. Pagkalabas namin ng comfort room ay dumiretso kami sa basketball court. Iyon ang nagsisilbing tambayan naming magkaibigan kapag may libreng oras kami o kaya naman ay kapag gusto naming magpalipas ng oras bago ang susunod na klase. Wala kaming gaanong nakikitang estudyante roon dahil karamihan ay nasa kani-kanilang silid-aralan pa. Umupo ako sa isa sa mga bangko habang tahimik na nakatitig sa sahig. "Aimee..." Napatingin ako kay Danica. "Ano'ng gagawin mo ngayon?" Hindi ko agad nasagot ang tanong niya. "Hindi ko alam, Danica." "Alam mo bang kailangan mong sabihin ito kay James?" Napayuko ako at muling napahawak sa aking tiyan, "Alam ko." "Kung ganoon, bakit hindi mo pa siya tawagan?" "Natakot ako." "Natakot saan?" "Sa lahat." Napabuntong-hininga ako. "Danica, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya ako panagutan? Paano kung sabihin niyang hindi pa siya handang maging ama?" "Aimee, hindi mo malalaman ang magiging reaksyon niya kung hindi mo sasabihin." "Pero paano kung hindi maganda ang maging resulta?" Sandaling natahimik ang kaibigan ko bago marahang hinawakan ang kamay ko. "Mas mabuting malaman mo agad kung ano ang magiging desisyon niya kaysa patuloy kang mabuhay sa takot." Napalunok ako. "Tama ka." "Dapat sabihin mo na iyan sa kanya sa lalong madaling panahon. Bago pa mahalata ng ibang tao ang kalagayan mo. Mas nakakatakot kung si Madam Juliet mismo ang makatuklas niyan." Napapikit ako nang marinig ang pangalan ng ina ni James. Si Madam Juliet Ramos. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano kahigpit ang babaeng iyon. Kahit mabait siya sa amin ng Nanay ko sa maraming pagkakataon, alam kong may mataas siyang pamantayan pagdating sa mga taong nakapaligid sa kanyang pamilya. At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ang anak niyang si James ay nakabuntis ng isang babaeng tulad ko. "Pero ang Mama ni James kasi..." pagsisimula ni Danica. Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil pareho naming alam ang ibig nitong sabihin. "Alam ko," mahina kong tugon. "Pero Aimee, hindi mo puwedeng solohin ang problemang ito. Hindi lang ikaw ang may pananagutan." Napatingin ako sa kanya. "James is also responsible. Kaya kailangan niyang malaman." Tumango ako kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Habang nag-uusap kami ay bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Agad ko iyong kinuha mula sa bulsa ng palda ko. May bagong text message mula sa Nanay ko. Binuksan ko iyon at binasa. Umuwi ka nang maaga. May dinner meeting sila Sir Lucas at Congressman Tan sa bahay. Napakunot ang noo ko. "May problema?" tanong ni Danica nang mapansing nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. "Maaga akong pinapauwi ni Nanay. Darating daw sa bahay si Congressman Tan." "S-Si Congressman Tan?" pabulong na tanong nito, "Bakit napaaga naman yata?" Napakunot din ang noo niya na para bang may alam siyang hindi ko alam. "Ha?" tanong ko. "Ano'ng sabi mo?" "W-Wala." Umiling ito. "Sabi ko, bakit ang aga naman masyado? Alas-tres pa lang!" "Nagleave kasi si Ate Weng kaya walang ibang tutulong kay Mama sa pag-aasikaso." "Ah, ganoon ba?" "O siya, maiwan muna kita. Hindi na rin ako papasok sa last subject natin. Kailangan ko pang umuwi." "Sige. Mag-ingat ka." Tumayo ako at inayos ang dala kong bag. Bago tuluyang umalis, muli kong hinawakan ang cellphone ko at sinilip ang pangalan ni James sa aking contacts. Gusto ko siyang tawagan. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Pero sa tuwing naiisip kong sasabihin ko sa kanya na magiging ama na siya, tila may pumipigil sa akin. Sa huli, ibinalik ko na lamang sa bag ang cellphone ko. Bukas na lang. Kailangan ko munang huminga at mag-isip nang mabuti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.5K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.8K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.6K
bc

The Billionaire Father Vs. His Son

read
5.3K
bc

Palit Tayo Ng Asawa (Wife Swapping Gone Wrong)

read
18.0K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.7K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook