“EIGHTEEN THOUSAND LIKES! GAGAWIN NAMIN ANG STRANGER’S CHALLENGE!” Confident na sabi ni Samuel sa harapan ng camera. At tulad ng kanyang inaasahan, dahil sa video na kanyang inupload ay sinimulan na siyang komprontahin nila Madz, Ike, at James. Doon na rin niya sinimulan na ipaliwanag sa mga kaibigan ang tungkol sa Mystery Box na natanggap niya. Pero bago pa iyon ay pinakiusapan muna niya si Christine na ilihim muna nila ang tungkol sa Yearbook, at sa lugar na pupuntahan nila. Idinahilan na lang nila sa mga ito na nanggaling ang naturang kahon na iyon sa isa sa mga fans nila. Alam kasi niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito lalo na si James. “Seriously, bro?” halos hindi makapaniwalang reaksyon ni Madz habang pinapanuod nito ang naturang video kung saan humihingi si Samuel ng

