Pagkatapos iwan ng waiter ang kanilang mesa, nagsalita agad si Xero. "Turn down the offer of that company," madiin niyang simula. "Ayaw ko nga! Nakapasok ako roon dahil nakita nila ang talent ko. And why do you want me to work in your company? Hindi ba ayaw mo na akong makita?" sagot ni Kaisha na puno ng inis. Pilyong natawa si Xero. Sumimsim siya ng alak at sinadyang dilaan ang kanyang labi. Napataas ng kilay si Kaisha nang mapansin ang tila panunuya ng kilos niya. "Why would I want to see a liar and a scam?" malamig niyang tugon na tumama nang husto kay Kaisha. "Then why did you see me now? Dapat hinayaan mo na lang ako sa buhay na pinili ko! Hindi ka na nakikialam ng ganito!" sagot ni Kaisha, nanginginig na ang boses. Napawi ang ngiti ni Xero. Sa kabila ng kanyang lakas ng loob, n

