Habang dire-diretso si Gwen sa dalampasigan, nananatili siya sa lilim ng niyog dahil mainit ang sikat ng araw. Mas pinili niyang manatili sa ilalim ng puno kaysa sa kubo; mas gusto niya ang natural na lilim ng niyog. Matagal bago siya nagsimulang gumuhit. Hindi niya maialis ang nararamdamang galit. Kinalma niya ang sarili sa panonood ng mga alon na humahampas at tinatamaan ang buhangin sa dalampasigan. The sand pliant with every harsh touch of the waves... Isang stroke pa lang ang naiguhit niya nang marinig ang boses ni Feliza mula sa likod. "Miss Gwen? Miss Gwen?" "Feliza?" tawag niya. "Miss, kakain na raw po kayo ng tanghalian ni Sir Xero." Umikot ang mata ni Gwen bago tumayo. Hindi niya maintindihan kung bakit parehong gusto at ayaw niyang tumugon. Ayaw niya dahil tiyak niyang nar

