Habang nag-aayos sa kuwarto, lumapit si Feliza at binanggit, “Habang nasa banyo ka kanina, Miss, nagpapatanong si Sir Samuel kung sasama ka ba sa kanila." Maagang nagligpit si Feliza sa kwarto kinabukasan, nag-aasikaso kay Gwen. Kagabi, habang naghahapunan, sinabi ni Senyora Donna na aalis sila ni Yvvo papuntang Maynila upang bisitahin ang matandang Senyor. Nang pababa na si Gwen upang magpaalam, natagalan siya nang maalala ang sinabi ni Feliza. "Huh? Saan ba pupunta?" tanong ni Gwen. "Aalis kasi si Senyora at si Yvvo. Sasamahan nila at mamamasyal na rin siguro. Nasa sala pa si Sir Samuel kasama ang ilang kaibigan niya," sagot ni Feliza. Tumango si Gwen at bumaba na. Nakakahiya na tanghali na siya nagising sa araw ng alis nina Yvvo at Senyora Donna. Mabuti na lamang at pagdating niya s

