Chapter 56

2326 Words

Tumingala ulit si Kaisha. Kanina, nasa kaliwang gilid ni Xero ang isang babae. Ngayon, ibang babae naman ang nasa kanan niya. Parang nag-init ang dugo niya nang mapagtanto kung ano ang ginagawa nito. Wala pa rin itong pinagbago—laro pa rin ang tingin nito sa mga tao. Bigla niyang naalala ang mga panahon kung kailan iba-iba ang babaeng kasama nito. "Come on, Kaisha," sambit ni Ashton. Kinuha niya ang panibagong shot at nilagok iyon, saka iniangat ang kamay para ipakita kay Ashton na wala pa siyang interes makipag-usap. Bumalik si Perrie sa tabi niya, at agad siyang napasalamatan sa presensya nito. Ayaw niyang maiwang mag-isa kasama si Ashton—lalo na ngayong halatang lasing na ito. "I wanna go to the bathroom. Saan dito?" tanong niya kay Perrie. "Uh, may powder room dito sa floor na ‘to,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD