PAPALUBOG na ang araw nang lisanin nila Xero at Kaisha ang abandonadong mansyon. Una niyang sinampa si Kaisha kay Feliza. Natawa si Kaisha kahit natatakot siya. Ayaw niyang makita si Xero na nasa baba habang siya ay nakasampa kay Feliza, kaya dinaan na lang niya sa tawa ang kaba. Sanay naman siyang mangabayo, ngunit lagi siyang may kasamang iba. At ang takot niya ay tila nadodoble kapag si Xero ang kasama niya. Tinanggal ni Xero ang sandals ni Kaisha dahil nadudulas ito sa kanyang mga paa. Sumampa siya, dala ang mga sandals ni Kaisha na nakapaa, at nagsimulang kumabig si Feliza. Nanginig si Kaisha sa lamig, kahit nakabalot na siya ng tuwalya. Kahit binabagalan ni Xero ang takbo, hindi pa rin nawawala ang ginaw. Nasa likuran na siya ni Xero nang maramdaman niyang umikot ang mga braso ni

