BINIGAY ni Kaisha kay Gwen ang pic na kinuha niya kay Xero habang naglalakad sila sa beach. Kahit malayo at medyo shaky, 'yun na ang pinakamas magandang shot na nakuha niya. Ayaw niyang malaman ni Xero na kinuhanan siya ng larawan; ayaw niyang makita nito ang phone niya. Baka pa usisain siya at mabasa ang mga convo nila. Isinalarawan niya ang mga kuwadro na nasa dingding ng office ng planta nina Xero. Nasa dingding ang apat na portraits ng mga guys from the Montenegro family. Si Yvvo ang nasa pinakakaliwa, na nakangiti at parang ang saya. Sunod dito si Aiah, ang pinsan ng magkapatid. After that, si Xero, na may masungit na aura, parang lagi siyang may masamang binabalak. Sa kanan naman ay si Samuel. Ngumiti si Kaisha, na natatawa sa isip. Tama iyon—lagi na lang may masamang binabalak ito

