For a fleeting moment, naestatwa si Kaisha roon. Kalaunan ay nagpasyang nagmumukha siyang tanga kaya huminga siya ng malalim at nagkunwari na naglalakad-lakad lang. Lumiko siya sa kaliwang bahagi ng bulwagan at dumiretso sa hagdanang bato. “Gwen!” tawag ni Xero, pero narinig niyang si Cearina ang boses. "Is that your fiancée?" Nawala na ang usapan nila nang mas lalo pang nakababa si Kaisha sa hagdanang bato. Ang marahas na atake ng hangin ang nagpasabog sa kanyang buhok. Tanaw ang maaraw na kalangitan ngunit malamig na panahon; pakiramdam niya, malapit nang magtapos ang tag-araw. Nang nakaapak na siya sa buhangin, narinig niya ang tawag ni Xero mula sa itaas. Dumiretso lang siya sa paglalakad patungo sa ilalim ng limestones. Naupo siya sa lilim at nilingon ang hagdanang bato kung nasaa

