Saktong alas dose y media natapos si Kaisha sa pag-aayos. Ikinatuwa rin niya ang pagtanggap ng mensahe mula kay Zephan Alcantara. Zephan Alcantara: I am now parking below your apartment. Ngumiti si Kaisha at lumabas na ng apartment. Agad niyang napansin ang isang puting sasakyan na kapaparking lang sa ibaba. Bumaba siya at dumiretso na roon. Bago siya pinagbuksan ni Zephan ng pintuan, ilang saglit na nanatili ang tingin nito sa kanya. Ngumiti si Kaisha nang makita ang bahagyang pagkamangha sa mukha ni Zephan. “Wow. You clean up nicely,” wika nito. “Not that you aren’t beautiful even with simple clothes…” Ngumiti si Kaisha. “Thank you, Sir. Gusto ko lang po talagang pagbutihan para matanggap ako sa trabaho.” Ngumiti rin si Zephan at pinagbuksan siya ng pinto. Sa biyahe, nagi

