THAT NIGHT, Xero did not even try to glance at Kaisha habang kumakain sila ng dinner. Tahimik lamang siya, at kung hindi pa tatanungin ni Senyora Donna, hindi na talaga ata magsasalita.
"Nagpunta ka raw sa planta kaninang hapon, Xero? Why? You did not enjoy Gwen's party?"
Hindi man lang sumulyap si Xero sa matandang nagtanong. He remained serious with his food. Gwen was watching him closely while eating.
"Nagkaproblema lang doon," Xero answered after a long stretch of silence.
"Ganoon ba, hijo? But you came home too late for Gwen's party."
"It's okay, Ma," si Gwen. "Mas importante ang planta."
Bumaling si Senyora Donna kay Kaisha. She was finishing her glass of water. Pagkatapos ay nilapag niya iyon sa mesa bago nagsalita.
"Ikaw, hija, nag-enjoy ka ba?"
Napatingin si Kaisha kay Xero nang matalim ang naging baling niya sa kanya. His dark eyes glared at her, making it hard for her to even utter a word. Inilipat na lang niya ang tingin kay Senyora na ngayon ay napasulyap din sa apong titig na titig sa kanya.
"Opo..." basag niya sa katahimikan. "Uh, Gwen's friends are so friendly."
"That's nice! I'm glad you get along well with their friends!"
"Magaling pala itong magdrawing si Gwen, La. Naisketch niya ako kanina, pati si Xero."
Namilog ang mga mata ni Senyora, gulat sa talentong tinatago ni Kaisha. "Oh! Really? That's great, Kaisha!"
Tipid na ngumiti si Kaisha. Kuryoso naman ang tingin ni Senyora sa kanya. Kinabahan agad siya.
"Was your stepdad always around you? He's also a great engineer, right? Like your father."
Kinagat ni Kaisha ang dila niya para pigilan ang sarili sa pagsasalita. Thinking about her family hurt her deeply. But then the years of being under Tita Mathilda's watchful eyes made her stronger. Sa pamamahay na siya ang masusunod, at sa pagkawala ng kanyang ama, nawalan na siya ng puwang ng tuluyan. Her education and needs were ignored. Kaya naman nangungulila siya ng husto sa kanyang mga magulang.
"Yes..." sagot ni Kaisha.
"At mabuti't pumayag si Mathilda to bring your stepdad's name, instead of your real dad?"
"He's been good to me. I am grateful for it," sagot ni Kaisha.
Tumango si Senyora Donna at bumaling muli sa mga apo. Para siyang nabunutan ng tinik nang tumigil si Senyora sa pagtatanong.
"Anong ini-sketch niya, Xero?" kunot-noong tanong ni Senyora.
"She made our quick sketches, Mama. Si Xero at ako. Magaling siya. And she says hindi siya magaling sa portraits when she's really good," sabi ni Gwen sabay ngiti kay Kaisha.
"She's humble, Gwen," si Samuel naman ngayon.
Tumikhim si Xero at uminom ng tubig bago tinulak ang sarili para makawala sa upuan. Natahimik silang lahat at napatingala sa biglaang pagtayo ni Xero.
"I'm done. Excuse me..."
"Hijo!" Senyora Donna's voice sounded furious for a moment ngunit agaran ding naagapan. "What's wrong?"
"Pagod ako, La. Aakyat na ako..."
Lumapit siya sa matanda para humalik bago dire-diretsong umalis sa dining area. Napainom si Kaisha ng tubig. Samuel looked at her with an amused grin while Gwen was watching her mom.
"Kanina pa hindi maganda ang mood noon. Hayaan ninyo na po," sabi ni Gwen.
Bumaling si Senyora Donna kay Kaisha. Her eyes lingered for a while like she was reading Kaisha's mind. Tapos na siyang kumain kaya uminom na lang siya ng tubig. Medyo ginapangan siya ng guilt, pero mas nanaig pa rin ang pagtatama niya sa kanyang sarili.
"Ayos lang ba kayo ni Xero, hija?" basag ng matanda.
Tumango si Kaisha at ngumiti. "Opo!" Kunwari.
"Higit isang linggo ka na rito pero hindi ko pa kayo nakikitang mag-usap ni Xero maliban noong unang araw mo rito."
Yumuko si Kaisha. Sukat sa tono ni Senyora, pakiramdam niya may alam na ito. Masyado bang naging maingay sila ni Xero kanina sa sigawan nila sa kitchen?
"Uh, nag-uusap naman po... kami," she said guiltily.
"Narinig ko kay Mercy, hija, na nag-away raw kayo ni Xero kanina sa kusina. Totoo ba iyon?"
Oh wow. I'm right.
"Ah. Opo. Pasensya na po. Kasalanan ko rin."
Iniisip niyang kapag sasabihin niya iyon ay matatapos ang lahat ng tanong ni Senyora tungkol sa nangyari. Or maybe, she can just suggest kung paano niya papakisamahan si Xero... pero hindi pa ata siya tapos.
"Naku! Aalis pa naman kami ni Gwen. Kayong tatlo lang ang maiiwan dito kaya sana naman ay magkasundo na kayong dalawa ng apo ko. You'll wed soon, and I'm sure it's better to build a good relationship while you are not yet married."
Tumango lamang si Kaisha. I can't believe I will endure this one, too. Hindi ko masyadong naisip ang consequences ng pagpayag kay Kaisha sa gusto niyang mangyari. Iniisip ko lang ang perang makukuha ko at ang kakayahan nitong tustusan ang gusto kong i-pursue na kurso. My drive had been money and its promised future. Pakiramdam ko noon, kaya ko ang lahat para rito.
"Talk to him and settle your fight," dagdag ni Senyora.
Tumango muli si Kaisha. "Sige po. Kakausapin ko siya bukas."
"Ano ba ang pinag-awayan ninyo, hija?"
Napatingin siya kay Gwen at Samuel na parehong tahimik at nakatingin lamang sa kanya. She didn’t know if they had any idea. Kanina, hindi nila napansin na galit si Xero pagka-walk out nito.
"N-NagrekIamo po siya noong nalaman niyang uminom ako."
Senyora groaned, and Gwen laughed a bit.
"Really? Since when was he conservative with his girls, Samuel?"
"I can't remember."
"Gwen!" banta ni Senyora. "This is definitely different from all of his playthings. This is his future wife? Bakit at sino ba sa inyong dalawa ang nagpainom kay Kaisha!?"
"Ayos lang po, Senyora. I was curious, too—"
"Ako po, Lola. We were just having fun, and it was only a glass of it," si Samuel.
Umiling si Senyora bago bumaling kay Kaisha. "Kailangang kausapin mo siya, hija. And don't wait for another day to settle a fight. Ngayon pa lang, matuto kayong dalawa na ayusin ang problema bago matulog, hija. That way, your relationship will be stronger. Don't wait for tomorrow to solve it."
Kinagat ni Kaisha ang labi niya. Anong gagawin niya ngayon, kung ganoon? Para ma-solve nila ang "problem" nila ni Xero?
If he just wasn't so arrogant, hindi na sana ito nangyari! Kung sana ay hinayaan niya na lang siya, gaya ng ginagawa niya sa mga ginagawa ni Xero, wala sanang ganitong problema.
"Petrina!" nagulat si Kaisha sa tawag ni Senyora.
"Opo..." mabilis na dumalo si Petrina sa lamesa para sa sugo ng Senyora.
"Ihatid mo si Kaisha sa kwarto ni Xero pagkatapos niyang kumain."
"Po?" She almost said that out loud. Is she serious?
Ngumiti ang matanda sa kanya. "I hope you settle your problem before the night ends."
She didn’t know what it was about Senyora, or bakit tila napapasunod talaga siya rito. Siguro ay dahil wala naman itong ginawa kundi maging mabait sa kanya. Wala itong ibang intensyon bukod sa pagkakasundo nila ni Xero.