Isang mahabang lamesa ang bumungad kay Kaisha. Nakaupo si Zephan sa malayong kabisera at inaasahang uupo si Amer sa malapit na kabisera. Si Tita Matilda at Senyora Donna ay nakaupo sa kaliwang bahagi, habang si Gwen ay nasa kanan ni Amer. Kanina pa walang ngiti si Senyora Donna, nanatiling busangot ang kanyang mukha nang makita siya. Si Gwen at Tita Matilda naman ay bahagyang ngumingiti, ngunit nagbago ang kanilang ekspresyon nang makita si Kaisha na pumasok sa kwarto. "Good morning, everyone. Sorry for that," si Amer. Sinarado ng sekretarya ang pintuan sa likod ni Kaisha. Hindi na siya naupo. Pakiramdam niya ay hindi na ito kailangan. Nakatayo siya sa likod ni Amer, at pagkatapos niyang depensahan ang sarili, aalis na siya rito. "Actually, I was expecting Xero Montenegro in this meeti

