Hindi pa nakakabawi si Kaisha nang pumunta ang tatlo sa opisina, agad siyang nilapitan ng sekretarya ni Amer. Pinagtitinginan siya ng mga kasama, ilang sa kanila, alam niyang gustong magtanong kung ano ang ibig sabihin noon. Ilang din siguro ang natantong related siya sa mga Granel na may-ari ng Granel Firm. "Miss Granel, Amer Alcantara wants you in his office." Noong una, gusto niyang tumanggi. Hindi ba't may meeting sila? Ibig bang sabihin naroon din sina Tita Matilda at Senyora Gwen? Ayaw niyang harapin sila ulit, lalo na pagkatapos ng matinding pagsaboy sa kanya. "Ngayon din po." Tumango siya bilang tugon. Pagod siyang tumayo. May sinabi si Ashton para pigilan siya pero hindi na rumihistro sa utak niya. Kung sinabi ni Amer na pupunta siya sa opisina niya, pupunta siya. Siya ang bo

