Sa maikling paglalakad ni Kaisha papasok ng opisina, agad niyang naramdaman ang mga nakapako at mapanuring tingin ng mga kasama niya. Ngunit mas naging malinaw ang tensyon nang sumunod si Zephan, tila may hinahanap na kasagutan. Sa bawat sulyap ni Zephan sa paligid, mabilis namang binabaling ng mga tao ang kanilang mga tingin pabalik sa trabaho. "Hindi naman, Zephan," sagot ni Kaisha matapos niyang marating ang kanyang lamesa. "Inamin niya kanina. Huwag mong sabihing iniisip mong tanggapin ang alok niya?" tanong ni Zephan, halatang may halong pag-aalala sa boses. Napalingon si Kaisha habang mabilis na umiling. "Hindi ko iniisip 'yon, Zephan. Trust me," sagot niya nang buong sinseridad. Ngunit nanatili ang kunot sa noo ni Zephan. Ilang sandali ang lumipas bago ito napalitan ng mas kury

