"WELCOME HOME, hijo! Pasensya na at noong tumulak ang mga sasakyan ay hindi pa umuulan kaya hindi nakapaghanda..." si Senyora kay Xero na sa Kaisha naman ang titig. Her heart was beating so fast and loud. Lalo na noong nagtungo na siya kay Xero para punasan ang tubig ulan na nanuot sa kanyang balat at buhok. "Welcome everyone! I'm so glad you're all here. Feel at home, gentlemen..." bati ni Senyora at binalewala na sila. Kahit na hindi naman siguro, pakiramdam ni Kaisha'y nanonood sa kanila ang lahat. Xero's eyes bore into Samuel and then back to her. Nanatili na iyon sa kanya hanggang sa makalapit siya. Her heart was tingling with so many sensations. Pakiramdam niya'y pinipigilan niyang huminga ng mabilis at malakas kahit pa kailangan niya iyon sa sandaling iyon. Pinipigilan din niya

