Tanaw ang marahang sikat ng araw sa malayo at ang malawak at kalmadong karagatan. Bumaba si Kaisha para tuluyang malunod sa asul na dagat. Kabado siya ngayon. Hindi nag-aksaya ng oras si Xero para sa kanilang kasal. Ginamit niya ang kapangyarihan ng kanilang pamilya at mga dokumentong natapos nila sa Maynila upang magpakasal sila sa Siargao. Sa harap ng ilang mga pinagkakatiwalaang tao, nilagdaan nila ang legal na kontrata na magbubuklod sa kanilang dalawa. Hindi ito sinabi kay Senyora Donna, ang ina ni Xero, dahil inaasahan niyang gugustuhin pa nito ang engrandeng handaan. Hindi naman ibig sabihin na hindi gusto ni Xero ng malaking kasal. Nais niyang maging grand ang kanilang kasal, ngunit hindi niya papayagan na lumipas pa ang isang linggo nang hindi sila magpapakasal kaya't ginawa niy

