Pag dating na pag dating pa lang namin ni Alvin sa labas ng bahay ay nakaabang na agad si mama sa labas kaya agad kong kinawayan ito at niyakap. Napangiti sa akin si mama sa buong akala na bumalik na muli ang napaka lambing niyang anak na si Nathaniel. Hindi naman talaga ako malambing at wala naman ito sa aking bokabularyo ngunit dahil sa ang mga taong ito ay sobrang mabait at sobrang malambing sa anak nilang si Nathaniel ay nadadala ako kahit pa labag ito sa aking loob. "Ito na ba si Alvin?" nakangiting tanong ni mama kay Alvin. "Opo tita," nakangiwing tugon niya. "Ooh siya pasok na kayo sa loob para makapag pahinga kayong dalawa at maya-maya lang ay dadating na ang papa mo at sabay-sabay tayong apat na mag hahapunan," nakangiting sambit ni mama. "Ok lang ba sayo na dito ka mag haha

