Ilang oras akong namalagi sa silid ko para aralin ang libro ng majika ngunit hindi ko pa rin ito maintindihan kung paano ko ito magagamit. Gutom na ako nito dahil gabi na rin kaya't lumabas ako sa silid ko para maghanap ng makakain sa kusina at pagbukas ko ng food cover ay may nakatabing pagkain para sa akin doon. Sa gilid ng pagkain ay merong iniwang note si mama. "I love you anak ko. Ikaw ang nag iisang kayamanan ko kaya kahit na sobrang magulo tayong dalawa ngayon ay mahal na mahal kita. Kung may problema ka nandito lang si mama at papa para makinig sa problema mo anak wag kang mag tatago sa amin ni papa kasi kami lang din ang makakatulong sa'yo." Pagkabasa ko ng note na 'to ni mama ay agad ko itong niyupi at itinapon sa basurahan. "Ganito ba talaga ang mga tao? Sobrang nakakaawa

