Pagkatapos kong kumain ay isinama ako ni papa sa sala para makita ko ang mga taong naroroon. Pagtingin ko dito ay nakita ko na naman ang batang babae na kumurot ng pisngi ko makalipas ang apat na taon. "Doon na lang po ako sa kwarto papa," pamimigil ko sa kanya. "May bata silang kasama ooh? Ayaw mo ba makipaglaro sa kanya?" "Ayoko," masungit na tugon ko. "Nyieeh? Bakit naman?" "Ayan 'yung kumurot sa akin eeh!" Angal ko sa kanya. "Huh? Kailan?" "Noong baby pa po ako," "Grabe! Paano mo nalaman 'yun?" "Nakita ko siya at naalala ko." Tuwang-tuwa si papa na nakikipag-usap sa akin at hindi niya napigilan ang sarili niya at tinawag pa niya si mama para lang dito. "Mama!" Tawag niya kay mama. Agad na lumapit sa amin si mama at tinanong si papa. "Ooh? Anong problema niyong dalawa," "I

