Chapter 2

2789 Words
The reception ended at 1:30 midnight. Hindi naman ako lasing kahit halos sa mga bisita namin ay nalasing dahil nag party kami. Party dance all night. Si Vermone ay hindi rin naman masyado uminom at nakisayaw lang.  "Mauna ka na maligo, Vermone. Matagal ako maliligo." Bilin ko sa kaniya habang tinatanggal na ang mga accessories at mga clip sa buhok ko.  "Ayaw mo magsabay?"  I looked at him darkly tila napipikon na sa kaniya. Kanina pa s'ya!  "Joke lang. Sure, una na 'ko." Bilin n'ya at pumasok na sa banyo.  That man!  Napailing na lang ako sa kinikilos n'ya at sinasabi! Hay nako, Vermone.  Lumipas lang ang ilang minuto at lumabas na s'ya nang banyo only wearing a towel. His hair is still damp wet.  "Makakaligo ka na." Itinuro n'ya ang banyo at bumusangot mukha ko. "What? I won't look at you. I just need to finish washing my face and dry my hair."  Fine. Wala akong suot na bra rito sa wedding gown ko pero naka-tights naman ako at cycling. Hindi ko rin maitanggal ang zipper nung gown kaya papatulong na lang ako.  "Vermone," Tawag ko at lumingon naman s'ya kaagad sa'kin. "Patulong..." Tumalikod ako at nakuha naman n'ya 'yon.  I felt his fingers brushing through my nape as he was finding the zipper at wala pang isang minuto ay naibaba na n'ya ang zipper nang walang hirap.  Hinubad ko na rin 'yon at habang nakatalikod pa rin sa kaniya ay sinuot ko ang bathrobe. Pumunta na 'ko sa banyo at nakitang smoke glass door naman pala kaya hindi na 'ko nag alinlangan.  Habang suot ang bathrobe ay hinubad ko ang tights at cycling together with my underwear. Napatigil lang nang makita si Vermone na habang nagpapatuyo ng buhok ay nakatingin lang sa'kin.  "What? Find your wife sexy?"  "Didn't even see your body." He rolled his eyes kung saan natawa ako.  "Why? Do you need to see it first before you can say that I'm sexy?!"  "Hmm..." He looked at up at nagpanggap na parang may malalim na pinag-iisipan. "Maybe." He answered in a low tone at napairap lang ako.  I got inside the shower at hinubad na tuluyan ang bathrobe. Wala palang sabitan.  "Vermone," Tawag ko sa kaniya at narinig kong namatay ang blower.  "Hm?"  "Pakuha 'tong bathrobe. Wala pala sabitan dito." Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at inilabas ang kamay habang hawak ang bathrobe.  Pagkakuha n'ya ay kaagad na 'ko naligo.  "I'm done drying my hair. Labas na 'ko. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka." Bilin n'ya sa'kin bago s'ya lumabas ng banyo.  After taking a bath ay nakita kong inilapit pala ni Vermone ang sabitan ng mga towel at bathrobe. Nagpatuyo ako at isinuot na ang bathrobe.  I did my skincare, dried my hair, and brushed my teeth.  "I look pretty!" Bulong ko sa sarili habang naglalagay ng lotion.  Pagkatapos ko sa lahat-lahat ay lumabas na 'ko ng banyo.  Paglabas ay nakita kong napa-angat kaagad ng tingin si Vermone sa'kin. He's wearing a black beach short and a simple white shirt.  Try ko siyang i-match. I got my dolphin black shorts and my white silk sando. Bumalik na 'ko sa cr para magbihis. Naging mabilis lang ang pagbihis ko. I immediately jumped on the bed and felt relief when I felt the comfy and cold sheets.  "You're not gonna cuddle me?" He asked and I looked at him, furiously.  "Why?"  "I wanna cuddle my little V." He smirked.  Upon saying that ay mas napikon ako. Humiga na 'ko nang maayos ang I heard his low chuckle.  "Ganito ba eksena sa buong buwan niyan?" He asked.   I don't know.  "Why? Starting to like me?" I faced and I'll try to seduce him.  I placed my other leg on top of his legs. I touched and caressed his face. "Remember our rule," I whispered.  "Don't Fall In Love." Sabay naming sabi at siya'y napapaos pa ang boses.  "What if..." He started.  In one swift motion, he's already on top of me!  "Someone fell in love?" He asked.  "Then we're doomed." I bit my lower lip 'cause I felt him. Nag-iinit katawan ko.  "Uh-huh." He chuckled.  We both felt his member twitched at nagtinginan kaming dalawa. He groaned and immediately got out on top of me.  "You're legally my wife but it feels so illegal to..."  "Touch me?" Tuloy ko at sinamaan n'ya 'ko nang tingin. "Do we... need to post and stuff while we're on our honeymoon?" I asked.  "Hm? Your choice. It's okay if you won't post anything but it's okay too if you will. I will post, too."  Hm? Okay.  "Let's sleep, baby." He turned off our side lamp and we're both lying down on the bed while facing each other.  "Baby?" I asked him dahil talagang ika-career n'ya ang pagtawag ng baby sa'kin.  "Yes?"  Pinalo ko s'ya at tumawa lang ang kumag.  "Why? Wanna hug? Walang malisya." He smirked.  I groaned but I scooted closer to him and he welcomed me with open arms. Because of the silence, I immediately fell asleep, without knowing kung paano ako nakatulog.  Paggising ko ay nakayakap pa rin ako kay Vermone at siya'y nakayakap ang isang braso sa'kin.  WE CUDDLED!  "Vermone, wake up." Paggising ko pero hindi s'ya nagising.  I stared at his physical features. Gwapo, matangos ilong, saktong kapal ng kilay at mahabang pilik mata. His reddish lips were shaped so perfectly and looked so soft. His muscular body and big...  "I can feel you staring." He whispered and I was startled.  He opened his eyes and the first thing I felt was admiration with his beautiful light brown eyes.  "You're so beautiful." He whispered and kissed my forehead before he sat down.  I was too stunned to speak. Ginulo n'ya ang buhok n'ya at tumayo na para dumiretso sa banyo.  I look beautiful? He's not joking or whatever?  Nag-ayos na kaming dalawa. He even took a stolen picture of me! Nalaman ko lang noong nag check ako ng social media dahil nag post s'ya!  VermoneCollins: Wife.  Tsk, the things he does for a show.  Pareho pa kaming naka-floral ang suot. He brought his shades and placed it on my bag kaya napatingin ako sa kaniya.  "Palagay muna. Wala akong dadalhin na bag."  "Today's our flight to Paris?" I asked him as I was brushing my hair.  "Tonight. 8:00 in the evening, we'll be using our private plane."  Wow, okay. As soon as I'm done ay kinuha bigla ni Vermone ang bag ko para s'ya na ang magbitbit. Hinayaan ko na lang.. Well, at least he's a gentleman.  "Good morning, Mr. and Mrs. Collins! This way please." Iginiya kami ng isang staff papunta sa kainan ng hotel.  Pagpasok ay nakita namin ang mga bisita na dumalo sa kasal namin.  "Bro! Good morning," Bati ng best friend n'ya at ngumisi ito. "Adeline! Good morning!" Mas masiglang bati n'ya.  "Bestie! Lia!" Napatingin ako sa tumatakbong Kyla ngayon. "Good morning!" Bumeso s'ya. "Good morning to you Vermone!"  Everyone greeted us and also our parents. May sariling table kami ni Vermone kaya pagkaupo namin ay may nag serve na kaagad ng pagkain at wala ng lumapit sa'min.  "Do you want rice or you're fine with those pancakes?" He asked.  "I'm fine with these. Thank you."  "Juice or coffee?"  "Coffee will do. Ah, but, do iced coffee."  Tumango si Vermone sa sinabi ko at tumayo saglit. Habang kumakain ay napatingin ako sa paligid at napansin ko bigla ang tingin ni Kyla na parang nanunukso.  Before I say something ay dumating na si Vermone dala ang iced coffee ko at sa kaniya ay hot coffee naman.  "I don't have many clothes," I stated.  He pursed his lips and looked at me. "We can buy some."  "Sayang pera."  He chuckled. "Do you know how much money we got from our sponsors? Hm?" He whispered.  "No. How much?"  "A million or so."  "Dollars?!" I exclaimed and he nodded like a helpless baby boy tila napaka inosente.  "You'll hold that money. I already asked someone to put it on a card. I'll give you that card later."  Ta's mag di-divorce lang kami?! Parang nakakahiya sa mga nag sponsor. Nanlamig ako bigla.  "Want some desserts?"  "I'll get some. What do you want?"  "Same as yours. Kung ano napili mo ay 'yun na lang din ang akin."  I stood up and went to the dessert aisle.  "Good morning, Mrs. Collins,"  Mrs. Collins.  "Ah, that's our blueberry cheesecake. This one's a red velvet and here are some muffins and donuts."  Mukhang mas trip ko ang blueberry cheesecake. Mukhang malaki rin ang isang slice kaya hati na lang kami ni Vermone.  "One slice of blueberry cheesecake, please. Thank you."  Pagkabigay ay bumalik na 'ko kaagad sa table namin. "Hati na tayo." Bilin ko at tumango naman si Vermone.  Vermone suddenly leaned closer to me to whisper something. "Will you do something today? Or you just wanna rest on our hotel room?"  "Hm? I don't know yet. Why?"  "Gagawin ko na lang din ang kung anong gagawin mo."  I looked at Kyla and saw that she's smirking at me right now.  "I'll go to Kyla's room first. You know, chika." He nodded.  "I'll go to Ethan's room, too then. Ikaw na hahawak ng key card?"  "Hm? Ikaw na lang. Room 304 si Kyla. Si Ethan ba?"  "Lapit lang pala. 302."  "Katok ka na lang kung gusto mo na bumalik sa hotel room. Sasabay ako."  "Same goes with you. Katok ka na lang din kung gusto mo na bumalik sa room natin."  Tumango ako at habang nag-uusap kami ay hindi ko napansin na naubos na pala namin ang blue berry cheesecake. Masarap s'ya. Hindi gaanong matamis.  "You know how you fell asleep last night?" He asked softly.  What? I can't even remember!  "W-why? May nasabi ba 'ko?" Kabadong tanong ko.  "Hm? Nothing. You're just my clingy little V-"  "Shut up, Vermone, or I'll squeeze your baby V!" I threatened yet he looked pleased! Not scared with my threat, "I guess you'll like that, huh?" I smirked. He smirked, too.  "Ah, one month.." He whispered.  Sinasabi nito?  After breakfast ay nagsabay na kaming pumunta sa room ng mga best friend namin. Pagkatok ko pa lang ay ngisi kaagad ang bungad ni Kyla.  "No more thoughts of divorce?" She smirked.  "Oh, please, Kyla, it's all just for a show! We'll get a divorce after a month." Umupo ako sa kama.  "Really?! You both looked so fond with each other! Hindi halatang arranged marriage ang nangyari! Mukha kayong in love sa isa't isa."  "Tigilan mo nga." Asar na sabi ko. "Alangan ipakita namin sa parents namin ta's syempre sa mga bisita na ayaw talaga namin ang isa't isa?!"  "Hm, do you think he acts and thinks the same way?"  Ha? You mean... Gusto ba talaga ni Vermone ang kasal na 'to? "O-oo..."  "You're not even sure! You slept on the same bed so how did it go?" She smirked menacingly.  "We did not have sex."  "Ah, hindi naman 'yun kaagad ang tinutukoy ko! You dirty minded virgin!"  Napahawak pa 'ko sa dibdib ko. "What are you talking about then?!"  "Like did you both talk about the situation?! Or even cuddled?!"  Cuddle.  Hindi ko alam kung sasabihin ko pero nahihiya ako.  "Oh, I know naman pala. Nag cuddle kayo hehe."  Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. "A-ano?!"  "Yeah, he posted a story? Didn't you know?"  Mas mabilis pa sa mabilis ay kinuha ko ang phone para tignan ang sinasabi ni Kyla. Kaninang 6:00 A.M. pa. So.. Nauna talagang nagising si Vermone sa'kin? I woke up around 8!  "You know what, Lia... I think he'll be a great husband kahit ngayon lang kayo nagkakilala. Despite the time from the past, you both have more time ahead you know?"  I sighed at her statement. "Pero hindi namin mahal ang isa't isa. Bakit namin pipilitin 'yon?"  "Hm, hindi natin masasabi. You said you're both going out of the country, right? Who knows na baka isa sa inyo ay ma-fall."  Natatakot ako sa lagay na 'yan. He looks determined to end this marriage... Lugi kapag nagustuhan ko s'ya.  I stayed there for an hour. She even gave me advices about... s*x! Ang kulit n'ya lang! Gusto ko na tuloy umalis kaya tumayo na 'ko.  "Mrs. Collins!" I narrowed my eyes on her, darkly. Tumawa naman s'ya. "Grabe, sanay na kaagad, ha! Mrs. Adeline Thania Cruz-Collins! Ah! Bagay." Pumalakpak ang kumag.  "Bahala ka riyan. Aalis na 'ko para magpahinga dahil mamayang gabi ang flight namin."  "Don't forget to always chat and call me! If you're uncomfortable with him, feel free to call me at ako mismo susundo sa'yo." She winked and hugged me.  Thank you, Ky.  Sinamahan pa n'ya 'ko pati sa pagsundo kay Vermone.  "Oh?" Bumungad si Ethan nang kumatok ako, "Bro! you're wife's here." Ethan faced me and smiled. Ang kulit lang din nito, eh.  "Kailangan mo na asawa mo? Saglit lang... Bro!" Tawag na naman ni Ethan. "Aalis ka na?" I heard more voices of men sa loob ng room ni Ethan. Hula ko nandito ang buong squad ni Vermone.  "Yeah, kailangan ko samahan asawa ko." Rinig kong sagot ni Vermone at naghiyawan sila.  Kinurot din bigla ni Kyla ang tagiliran ko. Kinikilig ang gago.  "Big boy na bebe namin!" Rinig kong sabi ni Ethan. "Nando'n sa labas hinihintay ka na!"  Bumukas na ulit ang pintuan at natawa pa 'ko na lahat ng kaibigan ni Vermone ay nakasilip at tinitignan kami. Binati ako ng iilan sa kanila.  "Hi, sinamahan ko lang!" Sambit ni Kyla at nagpaalam na rin.  "Ingat ka riyan, Adeline!" Biro ng mga kaibigan ni Vermone.  "Shut up." Pikon na sabi ni Vermone bago ako hinarap. "Let's go." Inilagay ni Vermone ang kamay n'ya sa bewang ko at humiyaw na naman ang mga kaibigan n'ya na para bang nanonood sila ng movie!  "You don't have to pretend around your friends." Sambit ko habang pabalik kami sa hotel room namin.  "I'm not pretending though?" Takang sabi n'ya at binuksan na ang pintuan ng room namin. Nasa kabilang aisle lang naman room namin.  "Matutulog ka ba?" Tanong ko.  "Maybe a little. May kailangan lang akong asikasuhin para sa magiging travels natin."  "Maybe I can help?" Humikab ako at hindi ata nakikisama katawan ko sa gusto kong mangyari. Ba't ba parang pagod na pagod ako?  Vermone chuckled as he watched me. "You can sleep. Okay naman na lahat. I'll just double-check and after that, I'll sleep."  I closed my eyes. "Ano oras ba tayo lalarga sa airport?" Tanong ko kahit nakapikit mata ko.  "Around 6:00 in the evening. Malapit lang naman airport dito. Go sleep now, Lia."  Hindi na 'ko umangal at nakatulog nga ako. Nagising nga lang ako bigla kalagitnaan ng tulog nang marinig ko ang boses ni Vermone. Dinilat ko ang isang mata at nakitang nakaupo s'ya sa tabi ko habang may kausap sa telepono.  Napansin n'ya 'ko kaya nagpaalam s'ya mabilisan sa kausap n'ya. "Did I wake you up? I'm sorry, baby. Sleep more." humiga si Vermone at yinakap ako nang marahan dahilan para makatulog ako ulit.  Ginising na lang ako ulit ni Vermone at sinabi niyang 4:00 na. May pagkain na rin sa table namin. Gosh, ilang oras ako nakatulog?  "Hi," Bati ko na.  Napangiti si Vermone sa sinabi ko. "Hi," Bati rin n'ya. "Did you sleep well?" Tumango naman ako sa tanong n'ya. "Good. We should eat now para marami kang oras mag prepare mamaya."  "Natulog ka?" I asked him.  "Yeah, only for an hour and a half."  Dumiretso muna 'ko sa cr para maghilamos bago kumain. Kinuwento n'ya lang lahat sa'kin ang patungkol sa Paris at pagbalik Pinas namin. Boracay kami pauwi niyan.  "Prepare ka na. I'll get our clothes fixed." Sambit n'ya at sinunod ko na lang.  We did our preparations for an hour and a half so sakto lang na before mag 6:00 ay makakabiyahe na kami papuntang airport.  Nagpaalam na kami sa mga magulang namin at mga kaibigan bago tuluyan umalis.  "Want a new rule?"  "Ano na naman 'yan, Vermone?" Ngisi ko. "If it's about se-"  "Shush," He quickly covered my mouth. "Damn you. I'm not going to talk about that!" Asar niyang sabi pero hindi mapigilan ang ngiti.  "Then what?!" I chuckled.  "Nothing. Kainis tuloy." Napakamot s'ya sa ulo n'ya.  "What is it?"  Vermone looked at me darkly as if I'm a dangerous person.  "Nothing."  "Hm," I said with a mocking tone. "Does our rule still stand?"  "Uh-huh."  "Okay..."  Habang hinihintay ang plane namin ay napatingin ako sa kaniya na may kausap ngayon sa telepono. He looked back at me. Gano'n n'ya kabilis napansin ang tingin ko. Hindi n'ya inaalis ang tingin n'ya sa'kin kahit may kausap s'ya sa phone.  I can't fall in love!  Adeline.. Remember. Rule no. 1: DON'T FALL IN LOVE. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD