CHAPTER 11: MASQUARADE PARTY

2492 Words
Cypher's POV Since the theme of the party were blue and red, I chose to wear blue dress and a blue mask. Hindi ko napigilan ang mapangiwi dahil sa suot kong off shoulder dress, pero ayos na 'to sa akin, kaysa naman magsuot ako ng masyadong revealing. It’s an elegant dress yet simple. May taste talaga sa fashion si Seike. Bumaba na ako sa aking kuwarto at tumungo sa sala kung saan prenteng nakaupo sa sofa si Seike. He’s wearing a blue tuxedo with a white long sleeve underneath, and a blue necktie para terno kami. His hair were in a messy style, na nagpatingkad sa kaniyang hitsura. “I know, I’m handsome. Huwag mo akong pagnasaan,” pang-aasar niya sa akin. Here he goes again, ang kaniyang pagkamahangin. “Tsk. Tara na.” Pinauna ko siya sa paglabas ng aking apartment. Since trouble always following me, hindi na ako umaalis nang walang dalang kahit ano’ng weapon. I brought my silver sling bag where my gun is. Of course there's more. I also brought some daggers inside my dress. Naglagay ako sa aking hita ng belt kung saan puwede kong ilagay ang mga weapons ko. Since above the knee ang suot kong dress ay inayos ko ang paglalagay niyon. Pinagbuksan ako ni Seike ng mamahalin niyang BMW. Gentleman ang gago. Pumasok naman ako kaagad dito bago siya pumasok sa driver seat. “You looked gorgeous tonight,” he said before he started the engine of his car. “I’d take that as a complement,” wika ko na ikinatawa niya ng pagak. “You can just say thank you you know.” Napailing ako sa kaniya. Naging tahimik ang biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang nasabing party. Bago kami bumaba ay sinuot muna ni Seike ang kaniyang silver mask, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang sasakyan dahil kaagad na akong bumaba. Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang mala-engranding paligid. From the luxurious cars, up to the garden that filled with lights and wide red carpeted floor. Masasabi kong isa itong selebrasyon para sa mga mai-impluwensiyang mga tao. I can't believe that we will going to gate crash in this party. “Amethyst and the others are already inside. Let's go.” Ikinawit ko ang aking braso sa braso ni Seike bago kami nagsimulang maglakad papasok. Of course, the guards will never let us enter kaya ibinigay na namin ang aming fake invitation card. Hell. I hate crowded places. Samu't saring mga tao ang nakikita ko ngayon. Wearing their perfect luxurious dress, at ang kumikinang nilang mga alahas sa katawan. “Hey, glad that you two came.” Napatingin ako sa babaeng lumapit sa amin. As usual, she's wearing a tube red dress kung saan nakikita ang kaniyang cleavage. Boses pa lang ni Amethyst kilalang-kilala ko na. “Nasaan ang iba?” Seike asked. “We’re here.” Napatingin ako sa apat na taong papalapit sa amin. Avery is wearing a blue off shoulder dress, while Winz is wearing red na kung saan nakikita ang kaniyang makinis na likod. Demetry and Deltran just smiled at us. I never thought that these two are twins. Well, they're actually fraternal kaya hindi ko masasabi na kambal sila. “Remember the plan guys. Cypher, ikaw ang in-charge rito. I trust you, you know that.” Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa tinuran ni Amethyst. Ako ang inatasan nila na kuhanin ang flashdrive. But anyway, I like the idea. Kaysa naman maupo ako rito at manuod sa mga taong hindi ko naman kilala. Inaya kami ni Amethyst na maupo sa isang table at hinintay na magsimula ang party. “Ladies and Gentlemen, five minutes before we start the party. Please take your seats,” wika ng emcee kaya naman walang nagawa ang mga tao kun’di ang pumunta sa kani-kanilang assigned seats. I don't know if it's actually our table dahil panigurado akong bilang ang mga tao rito. And a party like this, I'm expecting na lahat ng bisita ay organisado. Panigurado akong bilang nila ang mga bisita pati na rin ang mga tables na nandito. “Don't think to much, Cy. Kung iniisip mo ang about sa table, this table is ours,” wika ni Avery kaya naman hindi na ako nag-isip ng kung anu-ano pa. “Be ready,” bulong sa amin ni Amethyst nang nagsimula na ang party. Nagsimula nang mag-announce ang emcee na nakamaskara rin. “I would like you to welcome, our beloved big boss. Mr. Pendelton Augustus!” Nagpalakpakan ang mga tao nang lumabas mula sa gilid ang isang lalaking medyo ma-edad na, medyo malaki ang katawan nito at ma-awtoridad ang postura. So, he’s the main celebrant of this party. “I forgot to tell you, ang lahat ng imbitado rito ay under ng Big Boss, which is Mr. Augustus.” Napalingon kaming anim kay Amethyst dahil sa kaniyang sinabi. “What do you mean, under?” kunot-noo kong tanong. “Mr. Augustus is a Mafia Boss, and the people around us?” her eyes roamed around, “all of them are mafias.” “What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Deltran. Does that mean hindi basta-basta ang aming pinasok? Kung ganoon, ang lahat ng imbitado ay mga mafia rin and their Big Boss is the Mafia Boss. f**k! Malaking gulo ang magaganap kapag may nakahalata sa mga kilos namin. “Yes, and I’m warning you, be careful with your action,” bulong ni Amethyst bago ito nakisabay sa pagpalakpak. “Enjoy the party.” Ang tanging salitang narinig ko mula kay Augustus bago umalis kasama ang dalawa niyang tauhan. Nagsimula nang pumunta sa gitna ang mga tao nang biglang nag-play ang tugtog. Napatingin sa akin si Amethyst bago ito tumango sa akin hudyat na simula na ng plano. I nodded at her before I stood up and left my seat. Nakisabay ako sa mga taong nasa gitna at hindi nagpahalata sa aking kilos hanggang sa maayos akong nakarating sa hallway. Lumakad ako hanggang nakarating ako sa elevator. Napangisi ako nang nakita ang isang elevator sa may bandang kanang bahagi na papunta sa 120th floor. I think this is the main roof. Nagmadali kong binuksan ang isang elevator saka ako pumasok doon. I clicked the 120th floor at hinintay na makarating doon. When I heard a ting sound I immediately got outside the elevator. Nakita ko pa mula rito sa aking kinatatayuan ang medyo malayong naglalakad na si Augustus habang nasa likod niya ang kaniyang dalawang bodyguard. I smirked. Let's see kung hanggang saan ang kaya ng mga body guards mo, Augustus. As planned, kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking sling bag at nagkunwaring may kausap sa phone. Medyo binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa nasa likod na nila ako. “Just buy me some pizza. I’m hungry,” I acted. Napansin ko sa aking peripheral vision na napatingin sa akin ang dalawang body guards ni Augustus, ngunit umakto lang ako na wala akong pakialam, at kunwari ay may kausap ako sa phone. Sinadya kong bagalan ang paglalakad hanggang sa narinig ko na ang pagpindot ni Augustus sa password ng kaniyang unit. Napangisi ako nang maingat ko itong nasilip nang hindi napapansin ng dalawang guard. Matapos niyon ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito. Naiwan sa labas ang dalawang body guards ni Augustus. I need to cut the act. Ibinalik ko na aking bag ang aking cellphone at napangising napatingin sa dalawang body guard. “Do you mind if I enter that suite?” I asked while I'm smirking. Nanlaki ang mga mata nila nang nakitang naglabas ako ng isang dagger. “You’re a spy!” Before he could even shoot me on my head, ay kaagad ko nang naibato sa kaniya ang aking dagger na tumarak sa kaniyang noo. I grabbed the hand of the other one na may hawak na baril saka ko ito marahas na pinilipit, ngunit napaatras ako nang bigla ako nitong tadyakan sa sikmura. He was about to shoot me, ngunit nakabunot kaagad ako ng dalawang shuriken mula sa aking hita na tumama sa leeg nito. Sorry to say this, but this time, you will go to hell. 34109, that's the pass code of his unit. Nagbukas ito ng pindutin ko ang mga numbers. Isang malinis na unit ang bumungad sa akin. “Who the hell are you!?” Isang babaeng nakasuot ng pulang dress na halos ipakita na ang kaluluwa dahil masyadong labas ang cleavage ang bumungad sa akin. Naglakad ako nang parang wala lang. When she was about to shoot me ay inunahan ko na siya ng isang suntok sa mukha na ikinatumba nito. Tsk. “What’s happening here?” I smirked nang lumabas sa kaniyang lungga ang aking pakay. Gulat ang bumungad sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin, ngunit napalitan din ito ng isang ngisi nang pasadahan niya ng malagkit na tingin ang buo kong katawan. “Hindi ko alam na may nakapasok pa lang magandang dilag sa loob ng aking silid,” nakangisi nitong wika. Bumalik sa pagiging malamig ang aking expresyon na mas lalo niyang ikinangisi. “Ano’ng kailangan mo?” he asked, but I didn't answer his question. “You're a brave woman to enter my suite, at hindi nakakaalis sa silid na ito ang mga taong hindi ko nasisingil.” Dahan-dahan itong lumapit sa akin, ngunit nanatili ako sa aking kinatatayuan. “Hindi ka ba natatakot kung ano ang kaya kong gawin sa isang magandang binibibi?” “Go to hell.” I grabbed his hand when he tried to touch my face. Pinipilipit ko ito na ikinasigaw niya. Nakita kong bumunot siya ng baril sa kaniyang tagiliran, ngunit mabilis ko itong nasipa at nasalo. Pinaikot ko sa aking kanang kamay ang baril bago ko ito marahas na ipinukpok sa kaniyang ulo. Tsk. Naturingang Big Boss, ngunit mabilis itumba. “Cy, make it faster. May mga dumarating na iba pang mafia. They're outside the building.” I heared Seike's voice from the earpeace that I’m wearing. “On it.” Nagsimula akong maghalungkat sa paligid. I need to find the flash drive. I already opened all the drawers at hinalungkat ang mga laman nito. Sinubukan ko ring buksan ang mga wallets at bags na aking nakikita, ngunit wala akong makitang flash drive. f**k! Where can I find it? I looked all over the place at hinalungkat na ang lahat ng puwedeng paglagyan ng bagay na iyon, but still, negative. Kung may importanteng nilalaman ang flashdrive na 'yon, malamang hindi 'yon nakatago sa mga lugar kung saan madaling makuha. There must be a secret box here. Nasa kuwarto na ako ng unit at nililibot ng tingin ang buong kwarto. Saan ba puwedeng itago ang flash drive? Napatangin ako sa isang picture frame, lumapit ako roon. Balak ko na sana itong buklatin, ngunit nagulat ako nang may isang dagger ang biglang bumaon doon. s**t. I turned at my back at doon ko nakita ang isang assassin na balak na akong tarakan ng kaniyang matalas na katana, ngunit kaagad akong nakahugot ng isang dagger sa aking hita at ito ang tangi kong naipansangga sa kaniyang katana. Hell! Ano’ng ginagawa ng isang assassin dito gayong hindi siya involve sa mga mafia? “Give me the flash drive.” Isang baritonong boses ang aking narinig mula sa kaniya kaya napamura na lang ako. Nagmadali kong kinuha ang baril sa aking sling bag habang puwersahan niya akong tinutulak gamit ang kaniyang katana na nasasangga ko pa rin gamit ang aking dagger. Kinasa ko ang aking baril at balak ko na sana itong iputok sa kaniya, ngunit kaagad siyang nakalayo sa akin. Nagulat na lang ako nang kumislap ang kaniyang katana dala ng mga balang tumatama mula sa aking baril. He could easily dodged my bullets just by using his katana and his fast reflexes. Damn! He's a very trained Assassin. Itinapon ko ang aking baril nang nawalan na ako ng bala. Nakalimutan ko pang magdala ng bala! Sinabayan ko ang kaniyang bilis at humugot ng apat na shuriken mula sa aking hita, good thing dahil hindi pa ako nauubusan. I threw the two at his direction, para roon mabaling ang kaniyang atensyon. While he was about to dodged it, ay nagbato akong muli ng hawak ko pang dalawang shuriken. Dahil hati ang kaniyang focus ay mabilis na tumarak ang dalawang shuriken sa kaniyang hita na ikinawala niya ng balanse. Napaatras ito, ngunit kasabay niyon ang pagbato niya ng mga shuriken. Does he think that I'm a fighter for nothing? Well, he needs to know somehing... I can be better than him. Sinabayan ko ang bilis ng reflexes ng mga shuriken at inilagan ang iba. Kinuha ko ang tatlong dagger na natitira sa akin bago ko ito hinagis. Nakita ko ang pagkiskis nito sa tatlong shuriken dahilan para malaglag ang mga ito sa ere. Napatingin ako sa aking likod at nakatanggap ako ng isang malakas na sipa sa aking sikmura. Napapikit ako nang mariin nang naramdaman kong tumalsik ako sa mabubog na bahagi. Naramdaman ko ang likidong tumutulo sa aking mukha. Nakita kong dahan-dahang lumalapit sa akin ang Assassin. His perfect whole body white outfit filled with bloods already. I can't clearly see his face dahil sa puting telang nakatakip sa ibabang bahagi ng kaniyang mukha. “This is your end.” Napalingon ako sa aking gilid at napangisi sa aking nakita. “You should kill me early than this.” Mabilis kong dinampot ang katana sa aking gilid na nagmula sa glass box na aking kinatalsikan. I easily dodged his attack before I kicked his do-you-know where it hurts. Napamura naman siya dahil doon, at bahagyang napaatras. Nang balak ko nang itarak ang katana ko sa kaniya ay mabilis niya itong naiwasan, ngunit naging dahilan 'yon para mahiwa ko ang kaniyang braso. Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa. He threw a dagger at my direction, kasabay niyon ang pagtapon niya ng smoke bomb sa paligid. Naramdaman ko ang pagdaplis ng patalim sa aking pisngi at nadala niyon ang aking maskara dahilan para masugatan ako. Kasabay niyon ang pagtalon niya sa bintana. Fuck! Nagmadali kong pinunit ang hibla ng aking dress dahilan para umikli ito. Initali ko ito sa aking ibabang bahagi ng mukha para hindi ako gaanong makalanghap ng usok. Habang hindi pa masyadong mausok ay hinahap ko pa rin ang pinagtataguan ng flash drive. Hanggang sa nakita ko ang medyo maliit na siwang sa ilalim ng sofa. Nagmadali akong pumunta roon at kaagad na itinulak palayo ang sofa. Nakita ako ang isang box mula rito kaya naman humanap ako ng patalim para buksan ito dahil wala na akong panahon para humanap pa ng susi. Napangisi na lang ako nang nakita ang aking hinahanap. “Shit.” Nagsimula nang kumapal ang usok at medyo humihirap na rin ang aking paghinga. I need to get out of here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD