Third Person's POV
Nakalabas nang matiwasay si Cypher mula sa condominium unit, ngunit naghahabol pa rin siya ng kaniyang hininga dahil bahagya siyang nakalanghap ng usok. She immediately ran to the elevator, until she reached the ground floor, ngunit nagtaka siya dahil nakarinig siya ng mga sigawan at putukan mula sa labas. Hawak niya sa kanan niyang kamay ang isang katana bago pumunta sa pinagdausan ng Masquerade.
Her wound on her face is visible, dahil sa natamaan ito ng dagger kanina, may sugat din siya sa kaniyang ulo dahil sa pagtama ng bubog. Even her face have scratches including her arms. Bumungad sa kaniya ang mga nagbabarilang mga tao pagdating niya sa hall, she escaped on the wall beside her so the bullets wouldn’t fire her.
“Cypher, where are you?” rinig niya ang boses ni Amethyst mula sa kaniyang earpiece. Napalinga-linga siya sa paligid para maghanap ng daan palabas.
“I'm now at the hall. How 'bout you?” Nakarinig siya ng pag-screech mula sa kaniyang earpiece.
“Nandito na kami sa labas. Pero may mga nakapasok na assass—urgh!” Then suddenly, the call ended.
Marahas na tinanggal ng dalaga ang kaniyang earpiece dahil naputol na rin naman ang kaniyang connection. She was about to sneak out, ngunit napayuko siya nang muling may nagpaputok. Nagmadali siyang tumakbo papunta sa exit habang abala ang iba sa pakikipaglaban. Napatago muli siya sa isang pader ng naramdaman niya ang paparating na bala sa kaniyang direksyon.
“Cypher!” Napatingin siya sa may labas ng hall at mabilis niyang nasalo ang baril na inihagis sa kaniya ni Seike.
Tumuloy siya sa paglabas at ang mga nagtatangka na humarang sa kaniyang dinaraanan ay kaniyang binabaril. Bumungad sa kaniya ang madugong lugar pagkalabas niya sa hall. Napansin din niya ang mga nagkalat na Mafias at Assassins. Hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang mga kasamahan, ngunit napahinto rin nang nakarinig siya ng pagsigaw.
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig, at nagmadaling nagtungo roon nang nakita niya si Winz na balak nang tarakan ng katana ng isang Assassin.
She fired the head of the assassin that leads for the assassin to fell on the floor. Napatingin sa kaniya si Winz na ngayon ay may malalim na sugat sa braso nito.
“Thanks for saving me.”
“Where's your gun?”
“I’m out of bullets.”
“Then take this,” wika niya bago niya inaabot ang kaniyang hawak na baril sa dalagang si Winz.
Nang may isang mafia ang nagtangkang bumaril sa kanila ay mabilis silang gumulong sa tig-kabilang gilid. Winz fired the mafia. Naalerto naman si Cypher nang may isang assassin na sumugod sa kaniya. She dodged it using her katana. Puwersahan niya itong itinulak. Bago pa ito mapaatras ay kaagad siyang tumayo at initarak ang katana sa katawan nito dahilan para tumalsik sa kaniya ang maraming dugo.
“We need to get out of here!” rinig nilang sigaw ni Amethyst habang tumatakbo ito papunta sa kanilang direksyon. Kahit na diretso lamang ang tingin nito ay nagagawa nitong barilin ang mga mafia at assassins.
Napalingon naman si Cypher sa kaniyang likod nang biglang may humawak sa kaniyang balikat. And there, she saw Seike na halos mapuno na ng dugo ang suot nitong tuxedo.
“The hell, Cy! May sugat ka.” Halos mapaikot na lang ang mata ng dalaga dahil sa sinabi nito. For Pete's sake, sa pisngi lamang siya may sugat at hindi naman ito malalim.
“Tara na!”
Napalingon sila sa may bandang parking lot at doon nila nakita si Avery kasunod sina Deltran at Demetry. Nagmadali rin naman silang tumakbo papunta roon hanggang sa nakarating sila sa kani-kanilang sasakyan. Sumakay kaagad sila matapos iyon.
“What the hell is wrong with your hand, Seike!?” Napangiwi si Cypher nang napansin niyang nanginginig ang kamay ng binata habang binubuhay ang makina ng sasakyan.
“Urgh! It’s just that—”
“You’re wounded yet you didn’t tell me!?” sigaw ng dalaga nang napansin niya na nakahawak ang binata sa may tagiliran nito at mula roon ay lumalabas ang masaganang dugo. Pilit namang natawa ang binata dahil sa inasal ng dalaga.
“Damn it, Cy! I’m f-fine, okay?” wika nito na mas lalo lamang niyang ikinainis.
“Get out, dito ka sa puwesto ko. Ako ang magd-drive.”
“But—”
“No more buts, Seike.” Sa tono pa lamang ng dalaga ay alam na ng binata na siya ay seryoso, kaya naman wala na itong nagawa at nakipagpalit na lang ng puwesto sa dalaga.
When they arrived at Amethyst’s house, kaagad na inalalayan ni Cypher si Seike papasok sa mansyon. Napamura pa ang iba dahil nakita nila ang kalagayan ni Seike. Nagmadali namang nagpatawag ng personal doctor si Amethyst para magamot ang binata.
“Nakuha mo ba?” tanong ni Amethyst kay Cypher. They’re now at the living room, at kasalukuyang nagpapahinga habang ginagamot ang kanilang mga sugat. Cypher smirked at Amethyst before she showed the flashdrive that she’s holding. Kaagad naman itong kinuha ni Amethyst. “Good job. Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain. I’m sure matapos ang nangyari ay nagutom kayo,” paalam sa kanila ng dalaga bago ito nagtungo sa kusina.
Napansandal na lamang si Cypher sa sofa na kaniyang inuupuan. May benda na ang kaniyang ulo at nalinis na rin ang sugat mula sa kaniyang braso at mukha para hindi ito ma-infection.
“Ah! Hindi ko inaasahan na magiging isang madugo ang gabi na ito.” Cypher’s eyes are closed but she knew that it’s Deltran who’s talking.
“I wonder why those assassins attacked the place,” si Demetry na ngayon ay bahagyang napapaisip.
“Dahil isa lang ang pakay nila. Napatingin ang lahat nang biglang dumating si Amethyst dala ang mga pagkain.
Kumunot naman ang noo ni Winz. “What?”
“Just like us, gusto nilang makuha ang flash drive mula sa Big Boss,” saad ni Amethyst na ikinataka ng mukha ni Avery.
“But why? Ano bang laman niyan at gustong-gusto nilang kuhanin?” Bahagyang natahimik sandali ang lahat sa tanong ni Winz.
“I don't know either. We should bring it to our Head Master dahil siya mismo ang bahala roon,” wika ni Amethyst na ikinatahimik ng lahat.
Kung ano man ang nilalaman ng flash drive na 'yon ay hindi na nila puwedeng panghimasukan pa. Dahil mismong Boss nila ang dapat na makatuklas niyon.
--
Pumasok ang isang babaeng may maitim at maiksing buhok na aabot lamang hanggang leeg sa silid kung saan ginagamot ang mga assassins na nasugatan. Dumako ang kaniyang paningin sa isang lalaking kasalukuyang ginagamot ang braso.
“What a surprised. I never thought na masusugatan ka,” nakangising wika niya rito. Umismid ang lalaki sa kaniya dahil parang insulto ang dating ng kaniyang sinabi rito.
“What are you doing here?” tanong sa kaniya ng lalaki. Umupo siya sa may tabi nito.
“Naunahan ka niya.” Hindi nakaimik ang lalaki sa kaniyang tinuran at napatahimik na lang ito. “I wonder who is she at nagawa ka niyang sugatan. Did you saw her face?”
“No,” malamig na wika lamang nito sa kaniya.
“Why so cold to me, Aris?” tanong niya sa binata, tiningnan lamang siya nito nang malamig.
“Get out of here, Athena.” Napataas ang kaniyang kilay dahil tila tinataboy siya nito palabas ng silid, ngunit wala na siyang nagawa pa at umalis nablang sa pagkakaupo bago lumabas ng silid.
He’s getting colder after she vanished.
Naisip na lamang niya sa kaniyang sarili bago siya nagpatuloy sa paglalakad.
Amethyst's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Houston Company kung saan naroon ang aming Head Master. Paniguradong matutuwa 'yon dahil nagawa namin ang unang misyon na kaniyang ibinigay. Pumunta ako sa kaniyang secretary at sinabi na mayroon akong appointment sa kaniya.
“This way, Ma’am.” The secretary assisted me to his office, at doon ko siya nadatnan na prenteng nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nakapatong ang dalawang paa sa kaniyang table.
“Done with your mission?” pambungad niya, inaya niya akong umupo sa isang upuan katapat ng kaniyang lamesa.
“We successfully did it.” I smirked na ikana-ayos ng kaniyang upo.
He looked at me seriously bago niya inilahad ang kaniyang kamay. All this time hindi pa rin ako makapaniwala na ang Boss namin ay isang 20 years old na lalaki. I mean, mas matanda pa ako sa kaniya ng two years. God! Inilahad ko sa kaniyang kamay ang flash drive na ikiningisi niya naman.
“Good job. Is she the one who took this?” he asked habang sinisipat ang flash drive na hawak niya at may malawak na ngisi sa kaniyang labi.
“Yes. Siya ang inatasan ko sa bagay na 'yan ” wika ko sa kaniya na ikinawala ng kaniyang ngisi at napalitan ng isang nakalolokong ngiti sa labi kung saan bahagya kong nakikita ang kaniyang perpektong ngipin.
“I want to meet her already.” Napasandal siya sa kaniyang swivel chair at napatingin sa kisame.
Hindi ko naman iyon inaasahan dahil siya na mismo ang nagsabi na hindi niya muna gustong makilala ang mga kasama ko, but I think this is the right time to introduce him to them.
“Should I introduce them to you, Master?”
“No, no. Huwag muna ngayon...but,” sinadya niyang bitinin ang kaniyang sasabihin at napatingin sa akin, “her. I want to meet her. Pero ako na ang bahalang gumawa ng paraan. Adamson University, doon siya nag-aaral hindi ba?” Tumango ako sa kaniya.
Hindi ko naiwasang magtaka sa kaniyang ikinikilos. Minsan ko nang nasabi ang mga pangalan ng mga kasama ko at kung paano sila mag-trabaho, and I think Cypher was the only one who caught his attention. Interesado siya kay Cypher. That's why he wants to meet her.
“Then, should I tell her that you want to meet—”
“No. Ayaw kong makilala niya ako,” he said na ikinatahimik ko.
This man is unbelievable, he wants to meet Cypher, yet he doesn't want her to know him. God! Minsan iniisip ko rin na mas mature pa yata ako mag-isip kaysa sa kaniya, to think na mas matanda ako kaniya, but still he's a mafia boss kaya inaasahan ko na advanced siya mag-isip kaysa sa akin.
Matapos naming mag-usap ay naisip ko munang pumunta sa lugar na iyon. It’s Sunday today, kaya malamang wala siyang pasok. How I badly missed her. Sana lang maayos siya palagi. I'm always watching her even if she doesn't see me anymore. May mga mata naman ako para malaman ko kung ano ang kaniyang lagay.