Cypher's POV
"Oh my God, Cypher! Ano na namang nangyari sa mukha mo!?" Napatakip ako sa kabila kong tainga nang sumigaw ng malakas si Farris.
I've just arrived this morning at dumiretso ako sa cafeteria, hindi ako pumasok ng first subject dahil na-late na rin naman ako ng thirthy minutes, at ngayong oras na para sa break time ay nandito na rin sina Farris kasama si Denise at si Sumi. Halos mabingi na tuloy ako dahil sa malakas nilang pagsigaw sa akin.
"Ate Cypher may bumugbog ba sa 'yo!?"
"God Cypher! Saan ka ba nagpunta-"
"Will you three shut up? Nakakarindi ang mga boses niyo," ngiwi kong saad na nagpatahimik sa kanila. Umupo sa tabi ko si Farris at sinuri ako nang mabuti.
"Ano ba kasing nangyari?" usisa niyang tanong habang hinihigit pa ang laylayan ng aking damit. Tiningnan ko siya nang masama kaya kaagad niya iyong tinigil.
"Nadulas ako," I lied. Alangan namang i-kuwento ko sa kanila ang totoong nangyari. Tsk.
"Nadulas? Nadulas ka na naman? Hindi ka mukhang nadulas. Ano 'yon, nadulas ka lang ta's nagkasugat ka ng ganiyan?" Dumampot ako ng isang fries saka ko ito sinubo.
"Nabagsakan ako ng bubog." That's a half true. Though ako talaga ang bumagsak hindi ang bubog. Napatingin naman sila sa may kamay at braso ko dahil bakas pa rin doon ang aking mga sugat.
"Malaking bubog ba ang bumagsak sa 'yo kaya pati braso mo nadamay!?" Napatango-tango ako sa tinis ng boses ni Sumi. Masakit sa tainga.
Tumahimik ang buong cafeteria at alam ko na ang dahilan kung bakit. I saw in my peripheral vision na pumasok ang grupo nina Zero sa loob ng cafeteria. Kasama nila ngayon si Keira at nakapulupot na naman kay Zero na parang linta. Last time I've check wala silang relasyon dahil natural na womaniser si Zero, so bakit parang kung makakapit si Keira-Tsk. Why do I even care? Tsk.
Naramdaman ko ang mga mapanuring tingin na nagmumula kina Zero kaya naman tumayo ako para bumili ng maiinom. Pumila ako para magbayad sa counter, ngunit bigla ko nalang naramdaman ang pamilyar na presensya na nagmumula sa aking likuran. Bigla kong naramdaman ang isang kamay na humigit sa aking braso paharap sa taong 'yon.
"What happened to your face?" Tinaasan ko si Zero ng kilay.
"Obviously, Zero. I've got bruises." Unti-unti kong naramdaman ang pagdait ng palad niya sa aking pisngi kung saan ito nasugatan.
"Does it hurt?" Kumunot ang noo ko dahil sa tuno ng boses niya. Husky. Paos ba siya?
"What's this!?" Tinampal ko ang kamay ni Zero sa aking pisngi bago lumingon sa aking gilid kung saan nakatayo si Keira habang nanlilisik ang tingin sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako bago muling humarap sa counter para magbayad. I should avoid him, 'yon ang dapat kong gawin, ngunit bakit ko siya kinausap kanina? Tsk. I'm getting weirder than I expected.
"Hoy! Kinakausap pa kita-"
"Stop it, Keira." Hindi ko pinansin ang dalawang tao sa aking likuran.
"But, Zero-"
"I said, stop."
Bumalik nalang ako sa aming table kung saan ako nakaupo kanina. But to my surprise si Trace ang nadatnan ko roon na nakaupo sa aking upuan. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
"What happened to your face? Bakit may mga sugat ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong. For Pete's sake, I don't want to answer their damn questions. Can they just mind their own businesses?
"Out," utos ko sa kaniya.
"What? You can just sit beside me you know." Napatingin sa akin sina Sumi at nag-peace sign lang sa akin.
Napaismid ako at naglakad nalang paalabas ng cafeteria dahil ayaw ko nang makarinig ng kahit ano'ng salita mula sa kanila. It annoys me.
Naupo nalang ako sa ilalim ng malaking puno, mula rito ay kitang-kita ang malawak na ground. Bahagyang umihip ang malakas na hangin kaya naman bahagya akong napapikit. How I love relaxing places like this. It's very calming. Sumandal ako sa malaking puno na nasa aking likuran at nilagay ang aking dalawang braso sa likod ng aking ulo para maging unan.
Malaya kong nakikita ang asul na kalangitan na naging dahilan para ipikit ko ang aking mga mata.
"b***h! Don't you ever try to kiss my Zero! He's mine! Naintindihan mo!?"
"You? Huh! Kahit kailan hindi naging sa 'yo si Zero! Like, duh! You're just nothing to him!"
Napamulat ako dahil sa mga sigawan na akong naririnig, medyo malayo rito sa aking puwesto. Napahawak ako sa aking batok dahil medyo nangalay iyon. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Naapatras ako nang kaunti sa aking gilid at napatigil saglit nang bigla akong may nadunggil.
"What-" I was about to cursed to the one who's behind me, ngunit kaagad niyang tinakpan ang aking bibig mula sa aking likuran.
"Shh. I don't want them to find me," a familiar voice said behind my back.
"Urgh! Nasaan na ba si Zero!?"
Marahas kong inalis ang kamay na nakahawak sa aking bibig at tiningnan ng masama ang lalaki sa aking likuran. What is he doing here? Napalingon ako sa may bandang likod nitong puno. Nakita ko roon ang dalawang babaeng nagsasabunutan habang nagsasalita ng "Zero is mine!" Napansin ko na ang isa roon ay si Keira.
What the f**k?
Gaano ba kalakas ang karisma nitong si Zero at halos magpatayan na ang dalawang babaeng 'yon dahil lang sa pinag-aagawan siya?
I can't believe this.
"Can you stop those two?" tanong ko nang humarap ako sa kanya.
"Why would I?" tanong niya na tila wala siyang nalalaman. Should I wreck his neck?
"Why not? They're fighting because of you," I reasoned out, ngunit umismid lang siya sa akin at hindi ako pinansin. Damn, Zero.
"I don't care."
"Tsk. Womaniser," nasabi ko nalang na kaagad niyang ikinalingon. What? Na-realize niya na totoo 'yong sinabi ko?
Hindi ko na sana siya papansinin at balak ko na sanang umalis nang bigla niyang hinigit ang braso ko dahilan para mapaupo akong muli.
"Do you need anything?" I asked while raising my eyebrows. I want to avoid him, ngunit hindi ko alam kung bakit lapit siya nang lapit!
"You have so many scratches, what happened? " Napa-irap ako sa kawalan dahil sa kaniyang tanong. How many times do I need to hear that question?
"That's not your concern anymore, Zero." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko, bago tuluyan na akong umalis at iniwan siya roon.
Napatingin ako aking relo. 2 PM. So I still have one subject to attend then? Sinakbat ko ang aking bag sa kanan kong balikat at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa Engineering department. I still have 10 minutes before the class starts. Pagkabukas ko palang ng pintuan ng classroom ay nakuha ko kaagad ang kanilang atensyon. They didn't utter nor say a word kaya naman hindi ko nalang sila pinansin. Simula yata noong araw na nagalit ako dahil sa ginawa nila kay Denise ay hindi na sila nag-atubili pang lumapit sa akin o makipag-usap.
Some were scared of me, because of what I did. Well they should be, hindi ko naman iyon gagawin kung hindi lang sila gumawa ng mga bagay na ikagagalit ko. I can control my patience kung ako ang gagawan nila ng ganoon, ngunit kung ibang tao ang madadamay-hell. They will taste hell.
Dumiretso ako sa aking upuan sa may likod kung saan ako lang ang nakaupo. Nang naramdaman ko pa rin na nakatingin sila sa akin ay tinaasan ko sila ng kilay. Kaya naman nagmadali silang bumalik sa kanilang ginagawa.
Tumahimik ang buong klase nang dumating na ang aming Prof. He greeted us in his serious manners just like the usual, so they did the same. I'm not a fan of greetings. Makalipas ang ilang minuto ay nag-start na din sa pagtuturo ang aming Prof. Eksakto namang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking may seryosong mukha.
"Mr. Mirco Asuncion, you're 5 minutes late," sita sa kaniya ng aming Prof. Nag-sorry ito bago naglakad patungo sa kaniyang upuan. Dumako ang paningin nito sa akin, ngunit kaagad ding umiwas ng tingin.
I do remember him. Siya ang lalaking napagbuntungan ko ng galit dahil sa ginawa nila kay Denise. Siya rin ang lalaking pilit na ginigising ni Keira dahil sa pagkakatulog nito dahil sa aking suntok. Nalaman kong isa pala siya sa pinsan ni Keira. Magmula ng araw na iyon ay hindi na niya ako nagawang tingnan nang maayos. Fear is the thing that I'm seeing in his eyes whenever he sees me.
Natapos ang maghapong klase ay dumiretso na kaagad ako sa dorm, since wala naman na akong ibang gagawin. I just want to rest for now. Nakahiga ako sa aking kama nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Bumungad sa akin si Farris, naglakad ito patungo sa kaniyang higaan.
"How's your wounds?" Nahiga siya sa kama at humarap sa aking puwesto. Nasa ibabaw ng noo ang aking kanang braso kaya tanging sa peripheral visions ko lang siya nakikita.
"Fine," sagot ko. She let out deep sigh.
"Mabuti naman kung ganoon."
Sa loob ng limang minuto ay nabuo ang katahimikan. Naramdaman ko ang mga mata ni Farris na nakatingin sa akin kaya naman napabaling ako sa kaniya. With her eyes that is staring at me, she seemed observing.
"What?" I asked.
"Matagal ko na 'tong napapansin sa 'yo. You're weird."
"What do you mean?" Umalis siya sa pagkakahiga at naupo sa kaniyang kama. Inilagay niya sa kaniyang hita ang isang unan bago niya ito niyakap.
"You look... different." Hindi ako umimik sa sinabi niya. "Nga pala, nasaan ang parents mo? You never mentioned them before," she asked that made me stop.
My parents? I don't know. All I know is that I don't have parents nor relatives.
"I don't have parents." Napansin niya siguro na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman tumahimik na siya at hindi na nagtanong pa.
Truth is, I don't know how to handle that kind of topic. Hindi ako sanay mag-kuwento tungkol sa sarili ko at sa aking buhay. I just don't like to share. Hindi ako komportable. They don't even know what I really am, even Denise.
Malalim na ang gabi nang nakatulog ako, ngunig kaagad din akong naalimpungatan nang nakaramdam ako ng kakaiba. It was like someone's watching me. Bumangon ako sa aking higaan at napatingin sa glass window. Bahagyang nililipad ang puting kurtina nito kaya nakikita ko ang labas. I stood up and walked towards the he window. Hinawi ko ang kurtina nito at bahagyang binuksan ang bintana.
The cold air came from the outside is now touching my cheeks that made me to CLOSEE my eyes. Napamulat ako nang nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ang isang three storey building sa labas nitong campus.
There's mething weird about it.
Someone is watching me from afar.
Behind those darkness... someone is watching me....