CHAPTER 14: ACCIDENTALLY BUMBED

1714 Words
Cypher's POV I was busy packing my things because it’s already Friday. Balak kong umuwi sa aking apartment ngayong hapon dahil wala naman ako ibang ginagawa sa university tuwing weekend. Ito naman talaga ang madalas kong ginagawa. Ni minsan ay hindi ako natulog sa dorm tuwing weekend dahil hindi ko iyon gusto. Mas pinili kong maglakad nalang muna dahil naisip kong kumain sa isang fast food. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya um-order na ako ng puwede kong kainin para sa hapunan. I checked my phone if there’s any messages and updates from Amethyst, ngunit wala naman akong nakita. Napabuntong hininga nalang ako. It’s been what? Two weeks since the incident about the flash drive thingy happened. Matapos niyon ay wala nang sumunod pang misyon na ibinigay sa amin ang main boss. Nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad pauwi sa aking apartment nang may hindi inaasahan na bumunggo sa akin. Muntik nang malaglag ang cellphone ko dahil doon, ngunit kaagad ko rin itong nasalo. “I’m sorry, Miss. It’s my fault.” Napaangat ako ng tingin at napansin ang isang lalaking may katangkaran sa harap ko. “No. It’s fine. Pasensya na rin,” paghingi ko rin ng paumanhin dahil sa hindi rin naman ako nakatingin sa aking dinaraanan. “Are you okay then?” “Yeah. Thanks for the concern, but I need to go,” paalam ko sa kaniya bago ko siya nilampasan at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Nang nakarating ako sa apartment ay dumiretso nalang ako sa aking kuwarto para matulog. I just don't feel doing anything right now. At wala naman akong ibang maisip na gawin bukod sa matulog. Ipinikit ko nalang ang aking mata. The silence of my whole room filled me, nakakaantok sa pandinig ang sobrang katahimikan, hanggang sa roon na ako dinala ng antok. Nagising ako nang nakaramdam ako bigla ng gutom. Last time I've checked kumain ako kanina pagbalik ko rito sa apartment, pero nakakaramdam pa rin ako ng gutom. Napatingin ako sa orasan. 1:32 PM, kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. Masyado akong na-sobrahan sa pagtulog dahil maagap pa naman noong dumating ako rito sa apartment. Honestly I don't have any stocks here in my kitchen. God. I’m hungry! I’m planning kung magpapa-deliver nalang ba ako ng pagkain o bibili, ngunit hindi ko gustong kumain ngayon nang walang kasama. Urgh! Bakit ngayon pa? Kinuha ko ang aking cellphone sa may study table. I checked his number. Ano kayang ginagawa nitong lalaki na 'to ngayon? Malamang nakikipaglandian? Tsk. I decided to call him, ngunit nakailang ring na ang lumipas ay hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. That man! Is he busy? Napahawak ako sa aking tiyan nang muli itong kumalam. I can’t take this anymore. Kailangan kong kumain. Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumabas nalang sa aking apartment. I searched for my motor and decided to go to his place. Masasapak ko talaga ang lalaking iyon kapag nadatnan ko na may ginagawa siyang kababalaghan. Sumakay ako ng elevator papunta sa 26th floor at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang unit. I don’t care if he yell at me or what, I’m just hungry. Wala naman sigurong masama kung kukuha ako ng pagkain sa kusina niya hindi ba? Damn! So desperate, Cypher! I can’t believe that I’m here just to eat. Nag-doorbell ako, at ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas ang pintuan ng kaniyang unit. Bumungad sa akin ang naka-topless na si Seike at kunot-noong tinapunan ako ng tingin. “Cypher? What are—” “Don’t ask. I’m hungry.” Kahit hindi pa niya ako tuluyang pinapapasok ay ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. This is not the first time that I went in his condo, kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa unit niya. Imbis na batiin siya ay dumiretso lang ako sa kitchen. “What the hell? Pumunta ka rito para lang kumain?” Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. I didn’t even glance at him dahil pagkabukas ko palang sa ref niya ay halos magdiwang na ang mga mata ko sa sobrang daming laman. s**t! Ba’t hindi man lang siya namigay ng mga stock niya ng pagkain? Humarap ako sa kaniya. “Yep. Wala akong pagkain sa apartment, kaya rito ako pumunta.” Napangisi siya sa sinabi ko at napailing-iling. Lumapit siya sa may kitchen cabinet at siya pa mismo ang kumuha ng mga plato para lagyan ng pagkain. “What do you want to eat then?” Napangisi ako sa kaniyang tanong. That’s the question that I wanted to hear. “You’re a good cook, so it’s up to you.” Natawa siya sa sinabi ko. Pinabayaan ko nalang siya na kuhaan ako ng makakain. “Why are you shirtless?” tanong ko nang pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang katawan. Kung tutuusin, kayang-kaya niyang pumasa sa pagm-modelo, ngunit sa sitwasyon namin ngayon... publicity is not allowed. “Enjoying the view?” nakangisi niyang tanong sa akin. Alam kong guwapo siya, hindi na kailangan pang ipangalandakan. “Food is better than you, Seike,” wika ko na ikinasimangot niya. Napatawa naman ako dahil sa kaniyang ekspresyon. “Ang sama mo sa akin.” Napairap ako sa kaniya. “I know.” Sumunod ako sa kaniya sa may dining area dahil doon niya dinala ang mga pagkain. Umupo na kaagad ako sa upuan at sinimulang kainin ang inihanda niya. Ah! He’s really good at cooking. Dapat pala rito nalang ako palagi ako kumain, o mas tamang sabihin na dapat pumayag nalang ako sa alok niya noon na rito nalang ako tumira sa unit niya. Umupo si Seike sa katapat na upuan, ngunit hindi ko na siya pinansin dahil nasa pagkain ang atensyon ko. “So—” “Babe! Why are you so tagal— ” Muntik na akong masamid ako nang may narinig akong boses ng babae na papunta rito sa may dining. “Oh, who’s that b***h?” Isang babae ang bumungad sa pintuan na halos kulangin na yata sa tela dahil sa sobrang ikli ng suot. I glanced a death glare to Seike that made him gulped. “I... uh—” “My God! She’s so—« “Ceceil, can you just go?” Hindi ko sila pinansin. Kahit mag-away pa sila riyan wala akong pakialam. I’m hungry, that’s all I know. “What!? Matapos ng nangyari sa atin kagabi—” Nasamid ako sa aking narinig. What the f**k!? Can they just drop that kind of topic? Urgh! Freakingly gross! Napansin 'yon ni Seike kaya naman siya na mismo ang kumaladkad papalabas. Actually wala talaga akong pakialam sa kanilang dalawa, ayaw ko lang na mag-uusap sila nang gano’n sa harapan ko. It’s just that... I’m eating, and I’m enjoying my food! “I’m sorry about that.” Bumalik si Seike nang tapos na ako sa pagkain. Napansin kong may suot na rin siyang pang-itaas. I can’t imagine that this man just—urgh! Whatever. “It’s fine. Thanks for the food anyway,” wika ko bago tumayo at naglakad papunta sa sala. “Are you going home now?” Sumunod siya sa akin. “Why? You’re throwing me away?” Naupo ako sa isang mahabang sofa kaharap ng kaniyang malaking flat screen TV. “N-no. I just thought that you’re mad because of what you’ve saw....” Napatingin ako sa kaniya nang napansin ko siyang nakatayo sa aking gilid. “Are you mad?” “No. Why would I?” Saan naman niya nakuha ang tanong na iyon? Why would I be mad? Labas naman ako sa mga bagay na gusto niyang gawin. I heard him sigh. “Nothing. I just thought.” He fell silent after that. Nawala tuloy ang focus ko sa panonood dahil sa pagbabago bigla ng kaniyang mood. I’m not used to it. Seike being quiet and serious? Very different from his usual self. Seike’s a good person, for me atleast, even if we both kill people, he’s very a good person for me. Kahit na minsan napakagulo niya at mapang-asar. Sa sobrang haba ng pinagsamahan namin, kilalang-kilala ko na siya. “No. Tell me why would I be mad at you?” I asked him again, trying him to open up. He took a deep sigh before he speak, “I don’t know. Maybe because right now... she's might get mad at me, because I’m a jerk.” Natahimik naman ako sa sinabi niya. Until now... ’indi pa rin pala siya nakaka-move on. That's why he's being an asshole. Maybe she's really mad at him right now dahil sa mga pinaggagawa niya. But it’s his choice to use every woman just to forget her. Dahil nakikita ko pa rin na nahihirapan siya. “She would probably shoot you,” nasabi ko nalang. Napatawa naman siya nang pagak dahil doon. “You’re right. Baka pinapatay na niya ako, ngayon palang.” Nagpakawala siya ng pagak na tawa dahil sa sinabi. Well atleast I made him smile. I still love the jolly side of him than his usual self, but then I do treasure every bit of him. I just don't want to see him being miserable, bringing back the past like it was just happened yesterday. I don’t want it. Sabay kaming umahon sa hirap, kaya hindi ko siya kayang iwan sa ganitong lagay. Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang bigla siyang tumayo habang may malawak na ngiti sa kaniyang labi. “Tara. Samahan mo ako,” aya niya sa akin habang nakalahad ang isa niyang kamay. “I’m not in the mood right now, Seike. Next time na lang.” Tinatamad talaga ako. Mas gusto kong manuod ngayon ng TV kaysa pumunta sa kung saan. Napaismid siya, na tila ako ang pumatay sa kaniyang kasiyahan. “Oh come on, Cypher. Two weeks na tayong walang misyon. I know you’re f*****g bored,” pambasag niya sa akin at siya na mismo ang humila sa akin patayo. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Black Maricosè.” Halos mapairap ako sa pangalan ng bar na sinabi niya. Not again. Kailangan bang doon pa sa bar kung saan inabot ako ng kamalasan kasama si Zero? Sana lang hindi ko siya makita roon. Dahil hahablutin ko talaga sa kuwelyo itong si Seike palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD